Thursday, January 15, 2015
Paano Magmahal si AnonymousBeki?
Sa totoo lang, hindi pa ako nai-in love. Nagka-crush oo na pero ang ma-in love hindi pa. Pero, alam ko kung ano ang tunay na pag-ibig, at malalim ang pagtingin ko dito.
Kung sakaling dumating man ang takdang panahon na ako’y iibig, hindi ko siya pipilitin na mahalin din niya ako. Ano’ng magagawa ko kung di niya talaga ako gusto.
Di na ako aasa na masuklian niya rin ng buo ang pag-ibig ko. Oo, hindi ko itatangging aasa ako kaunti, pero di ako aasa ng todo-todo. Ayoko ring ipagpilitan ang sarili ko na makuha ang bagay na alam kong mahirap abutin. Di na rin ako makikipaglaban, mahirap ang mag-isang magsagwan samantalang ang isa ay walang pakialam, nakatunganga at ine-enjoy lang ang biyahe sa bangka.
Para sa akin, ang maging magkaibigan lang kami ay sapat na. Kung papayagan na kami’y maging matalik na magkaibigan ay higit na mas mabuti. Ang kaunting atensyon mula sa kanya ay sobra nang ligaya ang maidudulot nito sa akin. Basta’t nandito siya sapat na sa'akin iyon. Kuntento na ako dun.
Di ba kapag nagmamahal mas mahalaga sa’yo ang kaligayahan ng taong mahal mo kesa sa sarili mong kaligayahan. Kung hindi niya man sa akin matagpuan ang tunay na kaligayahan, ito ay aking tatanggapin kahit masakit, dahil yun ang tunay na pagmamahal. Di ko siya kukwestiyunin, patuloy ko lang siyang mamahalin kahit na ito ay maaring makadurog ng aking puso. Wala na akong ibang hiling kundi ang pinakamabuti para sa kanya. Dahil kapag masaya siya ay masaya na rin ako.
Unrequited love, possibly the worst feeling ever. The feeling of being in love with someone, who does not and will not love you back.
Mapagbiro talaga ang buhay. Hindi patas. Kainis din si Kupido, kung minsan o kadalasan basta lang siya makapana ng puso. Unfortunately, maraming pagkakataon na natamaan niya ay isang tao lang, imbes na dalawa.
photos from:
cdnimg.visualizeus.com
https://drawception.com
Pumapag-ibig ka na Beki ha he he ... I have been there done that ... sa ngayon ay medyo pahinga muna ako sa ganiyang issue ... medyo napagod na din kasi ako he he ... waiting mode muna tayo .. sabi nga nila relax, it's just pag-ibig : )
ReplyDeleteI understand you ateng. Nawa’y makapagpahinga nga at tuluyang makarecover ang puso mo soon. :)
DeleteMay pinagdaraanan...
ReplyDeleteMay pinaghuhugutan...
May naiinlababo diyan...
May nais maramdaman...
...'kaw na yan! Hehehe :)
Gudlak sa istorya ng iyong lablayp :)
di ako in love ngayon noh, he he. Pero in love ako sa pag-ibig, ang wonderful kasi. :)
DeleteHave you been reading my journal? Ikaw ba ang aking counterpart? Dahil yan din ang nasa saloobin ko.
ReplyDeleteIlabas ang Jack Daniels!!!! Bigyan ng shot glass! Hehehe!
Parang nakatingin ako sa salamin at nakikita ko ang sariling reflection.
Masasabi ko na tunay na pag-ibig itong nararamdaman ko. Mahal ko talaga yung isa kong bestfriend. Straight nga lang siya at ako ay nakatagong insatiable bottom slut. Ganon eh. Hahaha!
It is our right to love the man of our dreams kahit imposibleng mahalin niya tayo. I am now ready to find a guy for me but one thing's for sure- first love will never die.
@Mr. Tripster: Oo nga no, marami nga tayong similarities. :) Nakikita ko din sarili ko sa'yo as a future version. Yung situation mo ngayon is exactly what I am thinking na posible ko maging kapalaran. Magmamahal ng straight na friend, eventually magiging mag-best friend, mai-in love ng todo, magpapakasal si boy, masasaktan ako, iimbitahin ako sa wedding niya, baka gawin niya akong best man, baka kunin niya akong ninong ng magiging anak niya, and whatsoever. Pero wait lang, di pa nangyayari sa‘kin ‘yan. Masyado lang akong advance mag-isip, hehe.
ReplyDeleteYes. Sure din akong true love yang sa’yo. Because true love is not selfish.
hahahaha! juskooo unrequited love ba kamo?
ReplyDeletei can relate atttteeeeng! hehe
Iyak na tayo dali. Ahuhuhuhuhu! Charot.
DeleteWag tayong mawalan ng pag-asa, masyado pang maaga.
Thanks for dropping by. :)
TROOOo Lab Weyts. Kapit lang daraying din yan. Pero nawa'y sa pagdating niyan eh kung ano man ang nararamdaman mo para sa kanya ay ganun din siya para sa iyo. Mas masarap namnamin ang pag-ibig na pinagsasaluhan. kabog!
ReplyDelete@Mc Wright: Yes. I will wait until the perfect time comes. :)
ReplyDeletenaku ateng, masarap na masakit mainlove. lakas maka first sex yan mam. at first, awkward tapos hindi ka makapaniwala na yun pala ang feeling. tapos tatry mo ulit. then another. then another. hanggang sa maperfect mo na at mahanap ang perfect match. ang usapan lang, let go let go lang. give it time at learn from experience daw. bongga devah.
ReplyDelete@ nyabach0i: Winner ang comparison mo ng pag-ibig at s_x. Di ako maka-relate dahil parehong di ko pa nae-experience. Haha.
ReplyDeletePero kahit ganon handa akong masaktan (yung pag-ibig ang tinutukoy ko huh). At kahit ayaw ko di ko naman mapipigilan ang damdamin di ba? At sabi nga ni Papa Jack “kahit di ka magjowa masasaktan ka pa rin”. Ang maganda na lang gawin ay ihanda ang puso sa sakit na pwede nitong maranasan.