Monday, January 18, 2016
2016 The VERSATILE BLOGGER AWARD: Plus 7 Random (and Interesting) Facts About Me
I would like to thank Mr. Tripster of Tripster Guy and jep buendia of KORTA BISTANG TIBOBOS for nominating me for the Versatile Blogger Award.
Dati ko nang naririnig or should I say nababasa sa blogosphere ang award na iyan pero wala talaga akong alam kung ano 'yan. Kaya naman nung na-nominate ako ng dalawang bloggers na minention ko above ay napa-Google search ako bigla (at binisita na rin ang ibang blog) para magkaroon ako ng idea of what it is about.
Dahil sa na-nominate ako, as a rule ay kailangan kong mag-share sa inyo ng 7 Random Facts About Me. Naisip kong habaan ang list na 'to dahil alam ko na mas nage-enjoy kayo sa 'mahaba'. Alam niyo 'yan. hihi
Reydi na ba kayo? Here we go:
#1 As early as 4 years old, knowabels ko nang bading aketch. Sa ganyan kamurang edad ay naka-crush'an ko na ang mga gwapo at machong artista sa tv. Oh davah bagets pa lang ay may kaharutan na ang pag-iisip. lols. Isa nga akong true blue bading dahil never akong nalibugan sa babae.
#2 Never pa akong nakapaglandi sa lalaki. Totoo po 'yan mga ateng, pramis! Maharot ako sa isip at sa salita pero di ko pa 'yan naa-apply sa gawa. Good girl kasi ako (sa ngayon). Sa totoong buhay ay pa-virgin kumilos ang inyong lingkod (which is totoo naman in all angles dahil blessed virgin pa rin talaga ako up to this very moment).
Kapag may crush akong guy ay hindi ko pinapaalam na may gusto ako sa kanya. Maria Clara ang peg. Acting like madre kuno si bakla.
#3 Never pa akong naka-hug ng lalaki. Di ko kasi masyadong ka-close si pudra at si brader. Awkward 'pag ginawa namin yun. Besides hindi rin ako physically malambing. Mas malambing pa nga ang kapatid kong lalaki kesa sa'kin. Sa katunayan sila pa ni tatay ang mas madalas kong makitang magyakapan kapag natutulog.
If ever may yinakap akong lalaki nung bata pa ako (which is most likely naganap), hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko sa ngayon is I haven't hugged a man.
#4 Ayokong makaamoy ng anything na fragrant kapag kumakain ako. Nawawalan kasi ako ng gana kapag ganon, pero hindi naman to the point na hindi ko na uubusin yung kinakain ko. Kumbaga mga 2 minutes muna akong mag-iinarte and after mawala nung amoy ay saka na ako babalik sa paglantak ng food.
Naalala ko nung highschool ako ay sarap na sarap ako sa pag-ngasab ng pagkabango-bangong fried chicken nang biglang nag-spray ng pabango ang isa kong klasmeyt. Nainis ako ng slight. Feeling ko perfume na rin ang kinakain ko that moment. Ang lakas lang maka-kj.
Ang pinakaayaw kong naaamoy sa tuwing ako'y kumakain ay gaya ng pabango, sabon, shampoo, pulbo at iba pang man-made na amoy. Ang pinakaayaw ko namang kainin sa tuwing naaamoy ko ang mga iyan ay tulad ng kanin, fried chicken, hamburger, pansit, empanada, corned beef, noodles, etc.
#5 I eat a lot but I'm still skinny. Sa maniwala kayo't sa hindi ay nakakaubos ako ng 3 cups of rice paminsan minsan lalo na kung masarap ang ulam. Pero dahil sa mabilis ata ang metabolism ko, hanggang ngayon ay kasimpayat ko pa rin si fido dido. Sa tingin ko it has something to do with genetics. Payat din kasi si pudra at sa kanya ko ata namana ang ganitong body physique.
#6 Super liit ng sulat ko. Iyan lagi ang komento ng aking family, friends, pati na rin mga blockmates sa tuwing nakikita nila ang aking handwriting. Mahilig akong magsulat sa papel o sa likod man ng aking notebook (lalo na nung wala pa akong cellphone) ng kung ano-anong mga bagay, most of it ay mga random thoughts. Nililiitan ko ang aking sulat-kamay para tipid sa space. That's the story behind it. Nanghihinayang kasi ako sa papel kaya tinitipid ko. Maliit ang handwriting ko kapag not-so-important ang aking pinagsusulat gaya ng mga bagay na I keep for myself. Katamtaman at readable naman ang sulat ko kapag may kinalaman ito sa school. May awa din naman ako sa mga teachers noh.
It's a well-known fact na ang ating sulat-kamay daw ay may kanya kanyang kahulugan. According sa nabasa ko, people with small handwriting are shy, studious, concentrated and meticulous. Agree ako dun.
#7 Meron akong ACHOO syndrome. ACHOO syndrome stands for Autosomal Dominant Compelling Helioopthalmic Outburst Syndrome at kilala rin sa tawag na Photic Sneeze Reflex. Meaning to say, nababahing ako every time na tumitingin at tumititig sa strong light gaya ng sinag ng araw. Bata pa lang ako ay meron na akong condition na ganito na sa tuwing titingin ako sa maliwanag na bughaw na langit for about 15 seconds, nakikiliti ang nerves ng aking ilong at nababahing after. Last year, sa tulong ni pareng Google ay nalaman ko rin finally kung ano ang tawag sa condition ko. Mabuti na lang at nalaman kong hindi lang ako ang nag-iisang ganito dahil noong una ay muntik na akong maniwala na abnormal ako.
Sa sunlight at sa bright sky lang naman ako nababahing pero sa mga malalakas na ilaw na gawa ng tao ay hindi naman. Nalaman ko rin sa aking nabasa na ang mga taong may ACHOO syndrome ay hindi pupwedeng maging piloto. Well hindi ko naman pangarap 'yon. Pero napaisip ako, mae-enjoy ko kaya ang view ng Earth from above kapag sumakay ako ng airplane, hot air balloon, parachute, o di kaya'y mag-sky diving? That's the question.
Anyhow, narito na ang 15 blogs na aking nino-nominate:
•Melanie of Todo sa Bongga
•Edgar Portalan of Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S.
•Jay Calicdan of Jay's Quirky World!
•nyoradexplorer of Nyora, ang lakwatserang bitchesa
•nyabach0i of Mga Kwento Ni Nyabach0i
•CHRISTIAN of I remember when I was young
•Simon of It started out with a text
•Rix of psychoRix
•ROLF M of JOKENALISMO
•-mark- of Tontong Potato
•Senyor Iskwater of Kwentong Iskwater
•glentot of wickedmouth.com
•FiftyShadesOfQueer of Fifty Shades of Queer
•JapaneseAdobo of JapaneseAdobo
•citybuoy of citybuoy x city songs
So there.
shet! so relate with #5.
ReplyDeletehahaha
masarap din ako kumain (ay parang ang bastos pakinggan).
-rephrase-
"magana" din ako kumain pero di ako tumataba!
sumpa yata to. haha
minsan nga yung pritong itlog nakaka 2 1/2 cuos of rice pa ko eh.
hindi kasi ako maulam. pag kumakain ako more on kanin talaga tas konti lang ako mag-ulam.
i asked my doctor about it and he said many factors are to be considered aside from diet. like nga yung genes,lifestyle, etc.
while others want to get skinny, here i am want to be fat. hahaha
hindi rin kasi ako nag eexercise. tamad ako sa mga ganyan kahit mag gym one time hindi ko na tinuloy. haha
Oo nga pareho tayo. Matipid din ako sa ulam. Yung tipong 1 hotdog pang 3 cups of rice na yun. hahaha. Makanin din ako. Di ko bet magpapak ng chicken. Gusto ko talaga may kanin.
DeleteKapag nakakarinig ako ng mga taong gusto daw nilang pumayat sa isip isip ko "Ibigay niyo na lang sa'kin ang taba niyo." lol
Salamat nga pala sa pag-nominate. Naunahan mo lang akong mag-post ng isang oras huh. Pareho pa talaga tayo ng #5. haha
Wow Versatile Blogger huh kaw nah ... and thank you sa pag- nominate ... ako
ReplyDeleteay sing payat ng palito ng posporo pramis lalo nung teenager me ... sabi nga nila ay humangin ng malakas ay tiyak tumba ako ... subalit nuong mag debut na ako ng 21 ay duon na lumobo ang katawan ko ... ngayon hindi naman ako katabaan at 130 pounds pero still bilbilin pa rin sa tiyan he he he ... ano ba yang ACHOO syndrome na yan parang pang mga Pamhinta ang peg he he he : )
Maidagdag ko pa ... pareho tayong nagsimula sa sanggol ay bakla na ... nasa tiyan pa lang ako ni mudra ay nagkukulot na daw ako he he ... pero unlike you marami na akong nalandi at nayakap na lalaki ha ha ha ...keribels lang makaamoy ng kahit ano pag kumakain ... at ang sulat ko naman ay malalaki he he he : )
DeleteYung family ko naman ang biro sa'kin ay 'pag humangin daw ng malakas tiyak ililipad daw ako. haha. Hopefully 'pag debut ko ay tumaba na rin ako like you.
DeleteMas nababahing ako sa langit kesa sa paminta. Ang weird noh? Sadyang sensitive ata talaga ang eyes ko. Nung 2014 since di pa ako nagsschool, lagi lang ako nasa bahay kaya naman once na lumalabas ako ng house ay sumasakit ang mata ko dahil sa nakakasilaw na daylight. Pero ngayon ay medyo nakapag-adjust na.
Let me guess, you are outgoing, love attention, and people-oriented right? Ganon daw kasi ang mga taong may large handwriting according sa nabasa ko.
ate gurl, salamat una sa lahat sa nomination. kaloka napepressure na akong maglagay ng keme kemeng 7 chenez. pwes, humanda kayo mamaya.
ReplyDeleteregarding number 5, puke mo ikaw na! nadudugaan ako sa mga hindi tumataba! shet kayo at ang buto buto niyo!
pero ang pinakatanong ko sayo, versa ka ba talaga? na blogger ha. hahahaha. charoz. ako kasi power bottom. HAHAHAHA. chos another.
You're welcome bebe gurl. Na-pressure din kaya ako when I was nominated. Pero na-enjoy ko naman ang pagse-share ng aking 7 random ekek. Lavett!
Delete'Wag mo 'kong kainggitan. Masama teh ang mainggit. char!
Mahirap din kaya ang maging payatot. Mas bet ko pa rin maging normal lol.
Versa? Sus. Wala pa ngang jixperience eh. Pero for sure di naman ako magto-Top of The World. To answer your question, bottomesa din ako. na blogger ha. hahahaha
ay gurl mas maraming market ngayon ang versa na discreet sabi ng Grindr. charoz!
DeleteButi ka pa kahit anong kain mo skinny ka pa din. etsoamper!
ReplyDeleteDi ko rin masyadong ini-enjoy ang pagiging super skinny. Ang lakas kaya maka-malnourished. etsoamper din!
DeleteAng selan mo pala kumain :)
ReplyDeleteDi rin ako mahilig sa mga perfume, pero oks lang din kapag may maamoy man ako habang kumakain.
Tataba ka rin soon hahaha! Payat din ako dati, pero payat pa rin naman ngayon, pero medyo may laman na, pero di pa rin ganun kataba. Hahaha.
Ang liit ng sulat mo, hindi ako makakatagal magbasa nyan, lalo lang lalabo ang aking mata :)
Sosyal ng achoo syndrome mo ah, lakas maka-mutant :)
Di naman ako ganon kaselan. Di ko lang talaga maenjoy ang malinamnam na mga pagkain 'pag may naamoy akong pabango. Arte lang. Pero 'pag prutas, chocolate o biskwit ang pag-uusapan, keber naman ako sa amoy sa paligid.
DeleteSo ibig sabihin safe ang mga sekretong nakasaad sa aking mga notebooks dahil di mo agad mababasa. :D
Hahaha. Oo nga. Lakas maka-X-men. Sensitive man ang eyes ko sa bright light, medyo malinaw naman ito sa madilim. Bad news is, takot ako sa dilim. lols
Hello! Landed here galing sa blog ni Jep :)
ReplyDeleteNakakainis ka. Hindi ka tumataba kahit anung lafangga mo hahaha Kainez
Nakakatuwa ang style mo sa pagsusulat. Engaging, tamang humor at content in one :)
People here seem to envy my skinny body while I myself do not enjoy it. Kinda strange.
DeleteKung sabagay, "you want what you don't have" ikanga. Life is so ironic.
Kung alam niyo lang kung gaano ko kagustong tumaba. Depressing din kaya ang ganitong figure.
Anyways, thank you Diane Writes for dropping by and leaving a comment. Thank God, may nakaka-appreciate pa pala sa pinagsusulat ko. hehe