Showing posts with label unrequited love. Show all posts
Showing posts with label unrequited love. Show all posts

Sunday, February 14, 2016

Mr. Worth It

     Ano ba ang qualities na hinahanap mo sa isang taong pag-aalayan mo ng iyong puso? Well ako, I created a long list ng mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Heto ang mga iyon:



•Hindi Boring→ Obvious naman na gusto ko yung mga taong nakakatuwang kausap. Ayoko ng boring. I am not really attracted sa mga boys na to the ninth level ang pagka-serious sa buhay and to those who don't even know how to make things a bit lighter paminsan-minsan. Well, hindi naman ako naghahanap ng joker or comedian-type na otoko. Basta ang gusto ko lang is someone na marunong tumawa, hindi yung mapagkakamalan mong comatose dahil wala man lang response. I think everyone will agree if I say na lahat naman tayo ay gusto ng taong masarap kasama.

Saturday, February 6, 2016

Natutunan ko sa Pag-ibig

     In fairness sa akin simula nang nag-18 ako ay lumawak na ang pang-unawa ko sa pag-ibig. Noong minor pa lang kasi ako ay hindi ko lubusang ma-distinguish ang pinagkaiba ng love sa crush (isip-bata eh). Noon ay sobra sobra ako kung magka-crush (baliwan levels) at dumarating pa sa point na akala ko'y love na. Noon ay nagkaka-crush ako sa isang tao for no apparent reason. Noon yun. Pero ngayon, in fairness nag-mature na talaga si beki.

Ngayon ay hindi na ako nagkaka-crush kung kani-kanino lang (unlike noong high school). Napansin kong choosy na ako ngayon sa taong magugustuhan ko. Siyempre sa una ay naa-attract ako sa lalaki lalo na't 'pag gwapo pero 'pag nakita kon na yun lang ang magandang katangian niya ay di ko na ito nagugustuhan. Ewan lang. Para sa akin kasi, aside sa pagiging pogi ay hinahanap ko siyempre sa isang lalaki ang mga katangian na masasabi kong kahanga-hanga at iyan ay tulad ng pagiging responsable, matalino, at masipag. For me, iyon ang mga katangian na nakakapagpabighani sa akin.



Saturday, September 19, 2015

Arjohn

     I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.

He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin?
Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.


More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.

Thursday, January 15, 2015

Paano Magmahal si AnonymousBeki?




Sa totoo lang, hindi pa ako nai-in love. Nagka-crush oo na pero ang ma-in love hindi pa. Pero, alam ko kung ano ang tunay na pag-ibig, at malalim ang pagtingin ko dito.

Kung sakaling dumating man ang takdang panahon na ako’y iibig, hindi ko siya pipilitin na mahalin din niya ako. Ano’ng magagawa ko kung di niya talaga ako gusto.

Di na ako aasa na masuklian niya rin ng buo ang pag-ibig ko. Oo, hindi ko itatangging aasa ako kaunti, pero di ako aasa ng todo-todo. Ayoko ring ipagpilitan ang sarili ko na makuha ang bagay na alam kong mahirap abutin. Di na rin ako makikipaglaban, mahirap ang mag-isang magsagwan samantalang ang isa ay walang pakialam, nakatunganga at ine-enjoy lang ang biyahe sa bangka.

Para sa akin, ang maging magkaibigan lang kami ay sapat na. Kung papayagan na kami’y maging matalik na magkaibigan ay higit na mas mabuti. Ang kaunting atensyon mula sa kanya ay sobra nang ligaya ang maidudulot nito sa akin. Basta’t nandito siya sapat na sa'akin iyon. Kuntento na ako dun.