Saturday, January 31, 2015
Hindi Ako Maka-Relate, Friend
Dalawa lang ang aking close friends. Pareho silang girl. Mga kababata ko sila na nakatira di kalayuan sa aking bahay. Sila ang aking nakakasama sa tuwing manonood ng sine o kung gumagala sa parke. Mababait sila, walang kaduda-duda. Sila ang aking mga kakwentuhan.
Pero ngayon, nararamdaman ko na nag-iiba na ang aming mga interests. Pakiramdam ko parang hindi na ako belong. Way back then ang dalawang friend kong ito at ako ang pinaka-close pero ngayon parang mas nagiging close na nila ang younger sister ko. Puro babae kasi sila kaya malamang na mas magkakaintindihan sila compared sa akin.
Kung minsan hindi ako maka-relate sa kanilang mga pinag-uusapan. Isa sa mga ayaw kong topic nila ay yung K-pop. Di ko masyadong bet ang ganoong klaseng music pati na rin ang fashion nito. Kaya minsan di na lang ako sumasali sa mga ganoong kwentuhan dahil feeling ko maa-out of place lang naman ako.
Iba din ang mga type nilang boys compared sa type ko. Ang crush nila ay yung mga boys na maputi, kaedad nila, medyo slim, papogi, pa-cute, baby face, teen heartthrob, chinito, yung karaniwang crush ng mga kabataan. Samantalang ako naman ang pinagpapantasyahan ko ay yung mga otoks na gwapo talaga, mowdel o mala-mowdel (ng bripang, minsan afam), edad bente pataas, hunk o kahit may kaunting mga maskels, yung karaniwang bet ng isang tipikal na bading. Crush ko din naman yung ibang mga kaedad ko pero hindi sila yung tipong pinagnanasaan ko noh.
Kapag tungkol sa mga crushes ang topic nila ay nakikinig na lang ako, pero deep inside medyo naboboring akez. Hindi naman ako sa kanila makapagkwento ng katulad neto: “Uy friend, alam mo ba na super pinagpapantasyahan ko yung mowdel na afam, jusko ang laki! Nag-water water aketch.”
Ayaw kong magkwento sa kanila ng ganyan, baka maeskandalo ang kanilang childhood. Besides, minor pa sila at very innocent. At feeling ko naman kahit 18 na sila eh ganun pa rin sila. Sila yung tipo ng mga babaeng pa-sweet, pa-girl, pa-tweetums, medyo mahinhin, at inosente talaga. Very sure nga ako na di sila nanonood ng nyorn. Sila din yung mga babaeng makarinig lang ng green jokes ay todong mapapa-react na ng “Yuck!” or “Ew!”, at kung minsan naman di kumikibo dahil di naman nila na-gets. Ang dami pa nilang hindi alam sa mundo.
Minsan, ako ang naloloka sa sarili ko dahil ang dami ko nang alam kahit wala pa naman akong experience (wag kayong ano jan, mahilig lang talaga akong magbasa/mag-research kaya madami akong nalalaman. Nagbabasa ako para naman witchelz ako ignorante. Honesto pramis! #nagexplain)
Gustong-gusto ko na talagang magkaroon ng beki friends para naman may ka-chikahan na ako tungkol sa mga ganyang kaharotan. Ang hirap din kasi na kinikimkim ko lang. Happy ako na meron kayong blog mga kafatid, somehow nagkaroon ako ng chance na makapag-chikahan with you mga bakla at makapagharot na rin kahit sa online world man lang, hihi.
Hindi rin gusto ng mga girl friends ko ang mga astig movies with matching animation tulad ng The Avengers, X-Men, Guardians of the Galaxy, Jurassic Park etc. Bet na bet ko pa naman ang mga peliks na ganyan. Kapag ganyang mga topic ay sinasarili ko na lang.
Pero kahit ganon love ko pa rin sila dahil hindi sila plastik. Higit sa lahat hindi sila bad influence.
Pero maganda rin naman kung mas madadagdagan pa ang aking kaibigan di ba? Sa paraang ganun mas makikilala ko pa ang ibang bersyon ng aking sarili na hindi ko pa nakikita.
Kaya this year sa college ay makikipag-friend na talaga ako pati sa mga boys at beki. Masarap kasi ang merong karamay pagdating sa mga trip sa buhay.
photo credit: www.thorrington.ac.nz
Go girl ... hanap na ng mga beki friends and boys na rin ... go out and explore your newfound world... keri na yang mga girls , ganyan talaga pag nagdadalaga nag iiba ang mga angst sa buhay ... just go with the flow and Im sure you will ride the wind with pleasure of your own wings : )
ReplyDelete@ Edgar Portalan: Thanks. I am wishing to God na sana ibigay niya sa’kin yung mga ideal friends na ninanais ko. Gusto ko yung friends for life at tsaka yung kaibigan talaga hindi yung tropa lang or barkada. :)
ReplyDeletethe way i see it parang hindi lang magmatch ang mga interest nyo kaya you have a feeling that hindi ka belong pero kapag ang topic naman for sure is mga bagay na alam nyo eh magkakasundo kayo hindi mo mararamdmaan yan.
ReplyDelete@ Rix: I agree naman sa sinabi mo. Magkasundo naman kami in some way. Yun nga lang as a bakla there is something inside me na hindi ko nai-express ng buo kapag sila ang kaharap ko so medyo sad ako ng slight kaya I really want to have beki and guy friends na.
ReplyDeletenever talaga magmamatch ang gusto mo sa mga gurls.. duhhh.. ako me mga besfren na gurls pero big help sila sa mga usaping personal at talagang kailangan mga issues. but when it comes to other issues like beks issues, ang makakaintindi lang niyan ay ang kapwa mo. trust me. :)
ReplyDelete@ -mark- : oo nga eh. Siguro 65% lang ang nai-express ko sa kanila. Di pa nga nila nakikita ang wild side ko eh. Yung “nag-water water aketch” I’m sure di rin nila yun gets, ha ha. Ok din sana kung sila yung tipong “babaeng bakla”, pero witchels, mahinhin talaga sila. Seeking-for-beki-and-guy-friends talaga ang misyon ko pag college.
ReplyDelete