Thursday, February 5, 2015
Sinong Nag-off ng Ilaw?
Kinikilabutan ako ngayon.
Kasi kanina, nagkekwentuhan kami ni mudra. Nagtatawanan pa nga kami. And then bigla na lang kaming nagulat nung namatay yung ilaw.
Kasabay ng pag-off nito ay narinig pa namin ang pag-click ng switch nito. Natigilan kami ng ilang sandali. Ilang minuto din kaming di nakapagsalita. Bakas sa aming mga mukha ang pagtataka.
Nilingon namin ito at na-shocked kami nang ma-confirm namin na naka-switch off na ito. Ibig sabihin, totoo nga yung narinig namin. Totoo nga na may pumatay ng ilaw.
Less than 3 meters lang ang layo ng switch mula sa amin. Malapit lang di ba. Kami lang naman ni mudra ang pinakamalapit sa switch na yun pero di namin napansin kung sino yung pumindot dahil pareho kaming nakatalikod.
Sigurado kami na wala sa amin ang may gawa nun. Kung hindi kami, eh di sino? Tao nga kaya yun? Hindi kaya multo? Kaluluwa? Elemento?
Natatakot tuloy ako. Tumatayo ang balahibo ko. Kung sino man o ano man siya sana di siya magpakita dahil feeling ko tiyak na nakapanghihilakbot ang kanyang hitsura.
Ha ha ha may nananakot lang sainyo nyan . Di nyo lang siguro napansin dahil pareho nga kayong nakatalikod di ba ? #creepymoments
ReplyDelete@ Edgar Portalan: Naku teh totoo yun, hindi yun joke.
ReplyDeleteNga pala, may mali sa naikwento ko. Actually si mudra lang ang nakatalikod samantalang ako slight lang, somehow nakikita ko pa rin yung paligid with my peripheral vision. So yun.
Eniweis, ganito ang blocking namin:
lahat ng kapatid ko ay nanonood ng telebisyon sa sala, kami naman ni mudra ay naroroon sa dining area (gitna ng bahay), sunod sa dining area ay ang kusina (rear part ng bahay) kung saan walang katao-tao. 100% sure ako na wala sa amin ang may gawa nun. Kung may nananakot man sa amin siguro hindi buhay na nilalang yun.
Sa ngayon, parang may sumasagi sa utak ko kung ano ba ang pahiwatig ng nasabing creepy moment. Bad omen? Wag naman sana. Ichi-chika ko na lang sa inyo pag nakumpirma ko na. *knock on wood 3x*
Kyorkot akiz sa kwento mo ateng. YAY!
ReplyDeleteSuper nakaka-kyorkot talaga!
Deletescary!
ReplyDelete@ Rix: Alam ko na kung sino ang posibleng nag-off ng ilaw. Kashokot nga. Ichi-chika ko na lang sa inyo maybe sa next post ko.
ReplyDelete