Thursday, February 19, 2015
Prom
Naaala mo pa ba ang Prom experience mo? Ano ba ang naging outfit mo? Bongga ba? Eh sino naman ang naging ka-partner mo sa dance floor?
‘Yan ang mga tanong na gusto kong sagutin ninyo. Huwag niyo na akong tanungin ng sa akin dahil wala akong experience.
Nung high school ako ay pinili ko na wag na lang um-attend sa aming prom. Eh kasi naman feeling ko mabo-bored lang ako dun lalo na't wala naman akong masyadong friend na ka-chikahan so malamang nganga lang ako the entire night.
Few days before mag-prom ay nalaman ng iba kong classmates na hindi ako sasali sa nasabing event. Pinilit nila akong mag-join dahil sayang naman daw ang aking experience at tsaka malaking part rin daw ito ng buhay ng isang high school student.
Ang ending, tumanggi pa rin ako. Walang nakapilit sa akin. Ang nasabi na lang nila eh ang killjoy ko daw lol.
Oo na! Kj na kung kj pero ang akin lang kasi, alam ko na tutunganga lang ako pag dumalo ako dun kaya much better wag na lang um-attend. Besides parang wala namang malulungkot kung wala ang presence ko dun dahil wala naman akong friend that time.
And if ever na dumalo ako sa prom, baka mainggit lang akiz sa mga byuriful cocktail dress ng mga merlat. Siyempre di naman fweydi ang magdamit pambabae dun devah? Kung fweydi lang eh aattend ako at sisiguraduhin ko na ako ang pinakamaganda sa gabing iyon LOL. Fuchsia fokfok fink na cocktail dress ang isusuot kez na tinernohan ng pagkataas-taas na fuchsia fokfok fink din na stiletto. Rarampa aketch in my most mataray signature runway walk at kasabay nito ay ang pag-sway ng aking hairlalu na ilang oras na kinulot sa salon. Ingunguso-nguso ko din ang aking kissable lips na kinulayan ng finkalou na lipstick and magti-twinkle twinkle naman ang aking expressive eyes na nilagyan ng bonggang eye shadow. Ang bongga di ba?
Pero siyempre imagination lang 'yan at nevah magaganap sa totoong buhay.
Seriously, ang main reason kung bakit hindi ako dumalo ay sa kadahilanang mahiyain ako. Kung sakaling nag-out na ako sa closet that time eh malamang nag-attend ako dun. Wala sana akong dahilan para di dumalo dahil for sure may mga friend ako malamang.
Balak ko din sana ang makipagsayaw pero sa lalaki siyempre. Kaya lang baka may sumita sa akin pag may makakitang nakikipag-sweet dance ako sa otoko hehe.
Anyway, wala na rin akong magagawa dahil nangyari na este hindi nga pala nangyari.
At dahil wala akong naging experience, kayo na lang magkwento sa akin ng inyong karanasan. Ikwento mo na dali!
~~~
photo credit:
•pawdiesfriend.com
•www.promdressshop.com
Ha ha sayang na-miss mo ang moment ... yung sa akin wala namang masyadong ganap maliban sa may nagrambulan dahil sa mga lasing at naka drugs yata na mga estudyante ha ha ha ....
ReplyDeleteAko rin ay di nakadalo sa mga prom na yan. Kasi wala akong isusuot hahaha, at saka ayoko rin mag-rent, at saka kahit may isusuot ako, parang hindi ko rin talaga 'feel' ang mga ganitong pagtitipon hehehe :)
ReplyDelete@ Edgar Portalan: Nakakatakot naman ang naging prom mo. Pero at least naging memorable, hehe.
ReplyDelete@ jep buendia: Parehong-pareho talaga tayo na di mahilig sa mga pagtitipon. Actually parehong-pareho tayo sa halos lahat ng bagay like mahilig magbasa, passive na tao, kayang magkulong sa bahay ng di nabo-bored, palaging nasasabihan ng isnabero, atbp. Ano po ba 'ibig sabihin' nun? Haha. Charot lang po.
Hmmm, siguro:
DeleteA. Ikaw ang nawawala kong kapatid hahaha.
B. Idol mo lang talaga ako lols!
C. Sadyang pareho lang tayo ng personality.
D. All of the above hahaha.
:)
di ko na ranasan umattend sa ganyan. KJ ang school namin eh lolz
ReplyDeleteYung school mo pala yung kj lols. Kawawa naman yung mga students na gusto sana.
Delete