Tuesday, February 24, 2015
Usad
Maraming beses ko nang napanood sa tv at nabasa sa mga blogs ang tungkol sa matinding trapiko na nararanasan diyan sa Maynila. Ngayon, naisipan kong ako naman ang mag-share sa inyo kung ano rin ba ang kalagayan ng trapiko dito sa aming probinsya.
Dito sa province, jeep ang pangunahing transportasyon ng mga tao. Tricycle naman ang uso sa mga barangay lalo na sa di naman kalakihang lugar. Samantala, medyo kakaunti naman ang bus na makikita dito.
I heard na diyan sa Maynila ay nag-uunahan ang mga pasahero sa pagsakay ng dyip. Dito sa amin hindi naman. Nagkalat lang ito sa aming kalsada. Dito, di uso ang makipag-unahan sa ibang pasahero para lang makasakay. In fact, keri lang dito ang maging choosy sa jeep na iyong sasakyan. For example, di mo type ang pintura ng dyip ni mamang driver eh keri lang na deadmahin mo ito. Ok lang din na deadmahin mo ang jeepney spears ni manong tsuper kung di mo type ang radio station na kaniyang pinakikinggan. Di naman ikaw ang lugi. Pwedeng deadmahin mo ang kahit ilang jeep na di mo magustuhan dahil di ka naman mauubusan.
Pagdating naman sa trapiko, mabilis hanggang sa katamtaman ang takbo ng mga sasakyan. Medyo sumisikip lang ang kalsada tuwing rush hour pagsapit ng bandang 7:00 am kung saan papunta ang mga estudyante sa kanilang paaralan at pagsapit naman ng bandang 5:00 pm kung saan pauwi naman ang mga estudyante at mga empleyado. Pero, ang tinaguriang rush hour sa amin ay di naman yung tipong usad pagong ang mga sasakyan. Hindi naman katulad sa Maynila na tipong yung binhi na bitbit mo sa iyong pagsakay ay naging centennial tree na sa iyong pag-uwi dahil sa sobrang tagal ng biyahe.
Ang ma-late sa trabaho o sa eskwela ay isang malaking kagagahan. Di acceptable ang rason na “Traffic po kasi Ma'am”. Makakatikim ka lang ng sermon at masasabihan ka ng “Di ka kasi gumising ng maaga!”
Nagkakaroon din naman sa amin ng "heavy traffic" pero minsan lang naman. Nagkakaroon lang nito tuwing may:
•aksidente sa kalsada
•parada
•street presentation
Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ng mga commuters diyan sa Maynila. Batid ko ang hirap na inyong dinadanas sa pang-araw-araw. Minsan naku-curious ako. Ano kaya ang feeling nang ma-stuck sa biyahe o kaya ang makipaggitgitan sa pagsakay sa tren? Sabi ng sister ko gusto niya daw masubukan just for experience ba. Sabi ko naman ayaw kong maranasan 'yan dahil naiisip ko pa lang ay parang nakakapagod na. At tsaka baka di kayanin ng payat kong shutawan ang makipagsiksikan sa mga maraming utaw, baka madurog aketch. Baka di ko rin makaya ang maka-encounter ng Power Rangers sa tren haha. Baka mamatay ako lol.
Sana'y maresolba na ang problema sa trapik diyan sa Maynila dahil affected din siyempre ang buong Pilipinas. Ang mabagal ng pag-usad ng trapiko ay mabagal rin na pag-unlad ng bansa. Nawa'y masolusyunan na ang problemang ito at sana naman mangyari ito sa ating lifetime.
~~~
photo credit: philstar.com
Hay naku wag mo nang i experience pa Beki at baka madismaya ka lang at isumpa mong pumunta ka pa ng Maynila ... ayos na jan sainyo at least walang traffic at easygoing ang life .... kami na lang pupunta sa inyo jan sa Bicol he he he : )
ReplyDeleteDi ko naman talaga bet. Na-curious lang ako. Pila pa lang sa LRT parang di ko na kaya yun pa kayang may Power Rangers sa loob di ba? Ewan ko ba sa sister ko kung bakit bet niya daw ma-try. Gusto niya ata machugi lol.
ReplyDeleteAt tsaka ayaw ko din maka-encounter ng nyoldaper, ew! (Hindi holdaper tinutukoy ko huh. Nyoldaper ay isang uri ng maerbog na pasahero na nangtututok daw ng nanghuhumindig na sandata. Ayon yan kay blogger nyoradexplorer.)
Nakaka-miss din magbyahe d'yan sa Bicol. Maluwag ang kalsada at saka malalayo ang sasakyan sa isa't isa dahil nga wala naman traffic. Di katulad dito, malas mo pag nakasakay ka ng sidecar tapus kotse ang nasa unahan mo, langhap-sarap mo ang usok hahaha :)
ReplyDeleteI-try mo ang LRT, lalo na kung rush hour, the best! lols. Basta tumambay ka lang malapit sa entrance ng train, makakapasok ka pa rin sa loob kahit di ka na mag-effort dahil madadala ka na ng bugso ng tao na nagpupumilit makasakay :) Ganun!
@ jep buendia: Very true. Sa probinsya mo talaga mararanasan ang tinatawag na joyride. At tsaka less pollution pa.
ReplyDeleteHaynaku 'yang LRT parang nakaka-trauma ata ang sumakay diyan. Sabi pa sa blog na nabasa ko mala-impyerno daw ang temperature diyan lol.
susme traffic din pala ang topic ng post mo lolz
ReplyDeleteHehe. Pero at least hindi naman lahat tungkol sa Maynila :)
Delete