Anyhow, ano nga pala ang balak niyo this Holy Week? Ako stay lang sa house. Nung isang linggo, ano ang ganap niyo? Heto ang sa akin:
Last week, kasama ko ang aking family na pumunta sa libing ng aking lola. Pagkarating namin doon ay nakita kong ang daming utaw. Nakita ko dun ang aking mga uncles, aunties at mga cousins na medyo matagal ko na ring hindi nasilayan sa loob ng maraming taon.
Nakaburol ang labi ng aking lola sa tahanan ng aking tiyahin. Pumasok ako. Dumungaw ako sa kabaong. Nakita ko ang bangkay ni lola. Medyo na-miss ko siya. Medyo nalungkot ako ngunit may parte sa akin ang nagsasabing tanggap ko na ang nangyari. Siya yung naikwento ko sa inyo sa isang post ko noong Pebrero [click here]. Ilang linggo din siyang nakaratay sa higaan. Dalawang linggo na ang nakakaraan at dumating na ang takdang araw— siya ay pumanaw na. Lagpas otchenta na si lola. May edad na kaya't marahil hindi na nakapagtataka kung bakit di na siya naka-survive sa kanyang karamdaman. Expected na din namin na ganito ang mangyayari pero siyempre may konting lungkot pa rin kaming nararamdaman.
Naalala ko noong bata pa ako, nagbabakasyon kami sa bahay niya. Medyo malayo ang lugar niya (which is rural) mula sa lugar namin. Yung place na iyon ay yung original place kung saan siya ipinanganak, lumaki, at nagkapamilya. Doon lumaki si mudra pati na rin ang aking mga tiyo at tiyuhin. Kami namang mga apo ay nakapagbakasyon na dun para ma-experience din namin kahit ang saglit lang na mabuhay sa lugar na pinagmulan ng aming angkan.
Gustong-gusto ko ang magbakasyon dun kasama niya lalo na't napakapresko ng paligid. Medyo malayo ang lugar na iyon sa pamilihang bayan kaya ang kadalasang meryenda namin dun ay kamote o kamoteng-kahoy na kadalasan siya ang nagluluto. Peyborit ko din ang mga araw noon kung saan ipinagluluto niya kami ng almusal na sinangag at pritong tuyo. Dahil payapa ang lugar at si lola pa ang nagluto eh mas lalong sumasarap ang pagkain. I really miss those days.
Image from www.clipartbest.com |
Nung nabubuhay pa si lola, siya ay istrikto sa kanyang mga anak pati na rin sa mga apo pero mahal na mahal niya ang mga ito. Marami din ang ang nagmamahal sa kanya including all of her nine children, mga apo at apo sa tuhod kaya naman marami rin ang nalungkot sa kanyang pagpanaw. Mami-miss talaga namin siya at ang kanyang mga naituro lalo na ang mga masasayang panahon kasama siya. Ang kanyang alaala'y mananatili sa aming mga puso. Di maglalaho. Walang kamatayan.
Condolence Beki ... pareho tayong may senti moments with our lolas and lolos .... miss ko din sila ... : )
ReplyDeleteNakikiramay ako anonbeks
ReplyDeleteAw... Hindi magandang balita. Namiz ko rin tuloy lola ko. Don't worry kung matagal na hindi nakakapag-blog! keri lang yan!
ReplyDeletebeks, condolence.
ReplyDeleteCondolence. Kaya hindi rin ako nagdalawang isip na habaam ang bakasyon ko sa Pinas, para makasama ko ang lola ko. Because it's true, higit pa ang pagmamahal ng mga lolo at lola sa mga apo kaysa sa sariling anak.
ReplyDeleteMaraming salamat sa inyong pakikiramay.
ReplyDelete