Saturday, February 6, 2016

Natutunan ko sa Pag-ibig

     In fairness sa akin simula nang nag-18 ako ay lumawak na ang pang-unawa ko sa pag-ibig. Noong minor pa lang kasi ako ay hindi ko lubusang ma-distinguish ang pinagkaiba ng love sa crush (isip-bata eh). Noon ay sobra sobra ako kung magka-crush (baliwan levels) at dumarating pa sa point na akala ko'y love na. Noon ay nagkaka-crush ako sa isang tao for no apparent reason. Noon yun. Pero ngayon, in fairness nag-mature na talaga si beki.

Ngayon ay hindi na ako nagkaka-crush kung kani-kanino lang (unlike noong high school). Napansin kong choosy na ako ngayon sa taong magugustuhan ko. Siyempre sa una ay naa-attract ako sa lalaki lalo na't 'pag gwapo pero 'pag nakita kon na yun lang ang magandang katangian niya ay di ko na ito nagugustuhan. Ewan lang. Para sa akin kasi, aside sa pagiging pogi ay hinahanap ko siyempre sa isang lalaki ang mga katangian na masasabi kong kahanga-hanga at iyan ay tulad ng pagiging responsable, matalino, at masipag. For me, iyon ang mga katangian na nakakapagpabighani sa akin.



Ang pakikinig sa radio program ni Papa Jack noong 2014 ang isa sa mga nakatulong sa akin upang lubos kong maunawaan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nagkaroon ako ng mas malalim na pang-unawa dito. Doon ko mas naintindihan na ang tunay na pag-ibig ay masaya ngunit meron ring pighati, nakakapagpangiti ngunit maari ring makapagpaluha, nakapagbubuo ng pagkatao ngunit maaari ring makapagwasak nito, nakapagpapaligaya ngunit meron ding pagsasakripisyo.

Higit sa lahat, natutunan ko rin ang pagbibigay ng pagmamahal ay parang paggawa ng kabutihan, dapat walang hinihinging kapalit. Dahil kung maghangad ka ng kapalit, eh di hindi iyon kabutihan, hindi iyon pag-ibig.

To tell you honestly, hindi ko pa naranasang umibig (sa lagay na 'yan ha). Siguro ay dahil sa mapili ako at hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin yung taong karapat-dapat kong ibigin. Paniniwala ko kasi na kapag magmamahal ka dun dapat sa karapat-dapat. Do not ever give your heart to a person who doesn't deserve the love you can give. Dapat piliin mo yung deserving para at least kahit masaktan ka eh worth it naman yung pain (parang hindi rin. lols).

Hayy. Pag-ibig nga naman. O siya. Let's stop this na. Masyado ng madrama.

Katulad ng aking previous post, bago ako magpaalam ay nais kong mag-iwan sa inyo ng isa pang balentayn hugot.

12 comments:

  1. Ano bang merun sa February at parang ngarag at pressured ang lahat ng tao ? Parang wala akong alam ah ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love month kasi ngayon at marami ang alone na iseselebreyt ang balentayn kaya sa social media na lang naglalabas ng sama ng loob. haha

      Delete
  2. Replies
    1. Ayan ka na naman sa love guru. Last year pa 'yan ah. Hahaha.

      Delete
  3. dahil ba palapit na ng palapit ang valentines? ganun ba yun? kumalma ka lang kasi. darating at darating yan. kalmahan lang dapat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup. Dahil 'yan sa Valentines. Kainis din ang panahon, masyadong malamig. It reminds us na we are alone and no one can warm our lonely nights. haha

      Delete
  4. Hi Bebe Beki! Its good to be here again.
    Ang pinakamahalaga ngayon para sa akin e tiwala. Kapag sinira niya ang tiwala ko, ayos lang as long as hihingi siya ng paumanhin sa akin. PERO, huwag na siyang umasang magtitiwala pa ako sa kanya.
    Iyon na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, sabi nga ni Aris sa nobela niyang "Hangganan" e "Kung wala ang katapatan sa pag-ibig, hindi magiging ganap ang kaligayahan."

      Delete
  5. Sige nga kung nakikinig ka talaga kay papa jack nung 2014, sarsiado o escabeche? LOL

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺