Tuesday, February 2, 2016

Tsokolate

     Kahapon ay nag-search ako sa Google about sa mga pagkaing dapat kainin ng mga taong anemic (anemic kasi ako). I found out na isa sa mga pagkaing may mataas na iron ay ang dark chocolate. My reaction was "Ang sosyal naman!" The first thing that came into my mind kasi was yung mga chocolates na galing sa ibang bansa. Nakalimutan ko na yung tablea ay considered din palang dark chocolate. lol

Doon ko napag-isip isip na dapat ay lantakan ko na yung natitirang mga tablea sa house bago pa ito makain ng iba.



Binili pa 'yan ni mother last year. 15 piraso sa halagang100 pesos. Si mama lang naman ang mahilig kumain niyan while kaming mga junakis niya ay dinadaan-daanan lang. Ngayon lang ako natauhan na dapat ay lantakan ko na ito before it's too late. Bakit naman kasi ngayon ko lang naisipang papakin ang mga tsokolateng iyan kung kelan dalawa na lang sila. Sa totoo lang kasi, di ko naman talaga peyborit iyang tablea, yung liquid form o mainit na tsokolate talaga ang feyvorit ko.

Nostalgic para sa'kin ang lasa nito. Naalala ko kasi noong ako'y maliit pa lamang, laging nagtitimpla ang aking late grandmother ng mainit na tsokolate para sa aming magkakapatid kapag nagbabakasyon kami sa kanyang bahay. Yung solid form na tablea ay lulutuin at tutunawin muna sa kalderong may mainit na tubig. After nun ay reydi nang inumin ang pure hot chocolate drink! Perfect inumin sa malamig na umaga. Bongga rin i-tandem sa pandesal. I really miss those days.

Naiinggit ako kay mudra dahil noong bata pa lang daw siya ay always silang umiinom nito. Meron kasi silang sariling tanim na cacao (sa rural sila nakatira before). Sa tuwing namumunga ito ay kanila itong hina-harvest at tulong tulong sila sa pagdikdik ng cacao seeds o di naman kaya ay pinapagiling sa palengke. After that ay sila na mismong magkakapatid ang nagbibilog ng mga ito para gawing tablea for their home consumption only. Kainggit much!

Tabrilya or “chocolate balls” of Albay. Ganitez talaga ang itsura ng tablea sa amin. Bilog bilog na parang jackstones.
*credits sa owner ng pic

     Paalala ni mudra, kapag kakain ng tablea ay kailangan ng ibayong pag-iingat. Narito ang mga activities na dapat na iwasan after kumain nito:

•mag-electric fan
•tumakbo
•mag-bike
•magduyan
•sumakay ng motor, jeep, roller coaster, etc.

Sabi ni mudra, kapag ginawa mo raw ang mga iyan after kumain ng tablea ay maaaring makaranas ka ng pagkahilo at ang worst thing na maaaring mangyari ay —pagkahimatay. Si mudrakels herself ay nakaranas na ng pagkahilo at panghihina after kumain ng maraming tablea at tumakbo-takbo pagkatapos when she was young. I can't seem to find the reason behind it pero sabi ulit ni mudra it has something to do with hangin. Much better na iwasan ang mga ganoong activities kung saan masasalubong ng body mo ang hangin na siyang nakakapag-trigger ng nausea. I assume hindi ka naniniwala sa sinasabi ko pero there's no harm in avoiding those things. It's for your own safety anyway. Maidagdag ko lang, people with high blood pressure should consume this in moderation. Bawal ang sobra.

O siya goodbye muna for today. But before I leave, since Valentine month na ngayon ay nais kong mag-iwan sa inyo ng balentayn hugot na nagmula pa mismo sa kaibuturan ng puso ng inyong lingkod.


Ang pag-ibig ay parang tablea, matamis ngunit meron ding pait.”

14 comments:

  1. Ha ha tablea talaga ... masarap nga iyan tunawin sa mainit na tubig lalo kung madaling araw at saka sabayan mo ng ibos o suman .... pak na pak ang balentaym hugot mo sis he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chrew! Ang sarap nga i-partner ng ibos sa mainit na tsokolate. ♥

      Delete
  2. I prefer Meiji Black Chocolate na nabibili sa 7-Eleven. Ito ang paborito ko, eversince :D

    ReplyDelete
  3. I love tablea. lalo na yung matamis na. Fan ako ng mga dark chocolate ☺

    ReplyDelete
  4. Puwede kaya ito sa nagpupuyat ? Parang gusto ko rin subukan habang nagsusulat sa madaling araw. Gusto ko rin ang Analogy mo sa pag ibig... ang lalim ng hugot..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think so. Yun nga rin po kasi yung case ko. Sleep deprivation is the main reason why I am anemic kaya naman ngayon I am eating tablea para tumaas naman ang iron ko somehow.

      Ganun naman talaga sa love di po ba? Bittersweet ikanga. Dahil sa pait, marami ang na-trauma ngunit marami pa rin ang naaadik. It depends on a one's perspective.

      Delete
  5. I never liked dark chocolate. Ewww... but then i never liked anything that is actually good for the health. The fact is, mataas ang blood pressure ko. Lagi akong HB kaya hindi dapat sakin ang tsokolate na yan. Hehehe!

    Pero sosyal mudrakels mo, hot cocoa for breakfast. Hhehehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit naman ewww? Since tablea ay parang love, siguro bitter ka rin sa pag-ibig noh? hahaha. charots!

      Nag-research ako sa internet and I found out na ang tablea is different from the dark chocolate na galing sa ibang bansa. Tablea is made of pure "cacao" beans while the imported dark chocolate is made of pure "cocoa". Both are considered dark choco pero they have different health benefits. According pa rin sa nabasa ko, "A new Harvard study finds that eating a small square of imported dark chocolate (made of pure cocoa, hindi yung tablea) daily can help lower your blood pressure. It also helps lower risk of diabetes, heart disease."

      So that means pwede ka pa rin naman kumain ng dark chocolate, yung imported nga lang. Ikaw ang chuchal!

      Delete
  6. Hindi ako sure if tablea ba yung tawag sa inuuwi sa amin ni mudra from bikol...
    Yung nakabalot sa red na mala-papel de hapon.
    Matigas na magaspang ang texture at saka may tamis din at pait.
    Di namin hilig papakin o kainin iyon ng ganun lang, kaya madalas kapag may uwi syang ganun, inihahalo na lang namin sa pagluluto ng champorado.

    Tablea ba iyon? O baka namali lang ako hehehe.

    ReplyDelete
  7. sweet tooth here :)

    i love chocolates. though may mga tsokolate na nakakaumay when you take in excess.
    anyways, paborito ni mama ang tablea.
    i remember one time umuwi siya galing bulan, ang dami niyang dala.
    ako umiinom din naman but i really have to put milk and sugar to add to my taste.
    si mama kasi minsan tablea lang talaga.
    pag pumupunta ako ng pangasinan meron akong binibilhang cafe na nagttitinda din ng mga local tablea tas inuuwi ko kay mama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I heard na diyan sa Manila ay uso ang paghahalo ng tablea sa milk. Dito sa province pure tablea talaga.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺