Tuesday, February 24, 2015
Usad
Maraming beses ko nang napanood sa tv at nabasa sa mga blogs ang tungkol sa matinding trapiko na nararanasan diyan sa Maynila. Ngayon, naisipan kong ako naman ang mag-share sa inyo kung ano rin ba ang kalagayan ng trapiko dito sa aming probinsya.
Dito sa province, jeep ang pangunahing transportasyon ng mga tao. Tricycle naman ang uso sa mga barangay lalo na sa di naman kalakihang lugar. Samantala, medyo kakaunti naman ang bus na makikita dito.
I heard na diyan sa Maynila ay nag-uunahan ang mga pasahero sa pagsakay ng dyip. Dito sa amin hindi naman. Nagkalat lang ito sa aming kalsada. Dito, di uso ang makipag-unahan sa ibang pasahero para lang makasakay. In fact, keri lang dito ang maging choosy sa jeep na iyong sasakyan. For example, di mo type ang pintura ng dyip ni mamang driver eh keri lang na deadmahin mo ito. Ok lang din na deadmahin mo ang jeepney spears ni manong tsuper kung di mo type ang radio station na kaniyang pinakikinggan. Di naman ikaw ang lugi. Pwedeng deadmahin mo ang kahit ilang jeep na di mo magustuhan dahil di ka naman mauubusan.
Thursday, February 19, 2015
Prom
Naaala mo pa ba ang Prom experience mo? Ano ba ang naging outfit mo? Bongga ba? Eh sino naman ang naging ka-partner mo sa dance floor?
‘Yan ang mga tanong na gusto kong sagutin ninyo. Huwag niyo na akong tanungin ng sa akin dahil wala akong experience.
Nung high school ako ay pinili ko na wag na lang um-attend sa aming prom. Eh kasi naman feeling ko mabo-bored lang ako dun lalo na't wala naman akong masyadong friend na ka-chikahan so malamang nganga lang ako the entire night.
Few days before mag-prom ay nalaman ng iba kong classmates na hindi ako sasali sa nasabing event. Pinilit nila akong mag-join dahil sayang naman daw ang aking experience at tsaka malaking part rin daw ito ng buhay ng isang high school student.
Saturday, February 14, 2015
Love and Saxophone
February is the Month of Love. Ito rin ang buwan kung saan pinakamarami ang naitatalang “lindol" sa Pilipinas. Aba, huwag kang magtatangkang tumawag sa PHIVOLCS para magtanong kung ito ba ay tectonic o volcanic origin dahil malamang ito ang isasagot nila sa'yo: “Motel origin teh!” Haynaku, nangangamoy kaimito na naman ang paligid. CHOS!
Sweet na sweet na naman ang mga couples. Pero marami pa din ang mga single. Kung isa ka sa kanila, wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa, madami kayo. KAYO!? :)
Char! Siyempre kasapi din ang inyong lingkod. Kung single ka, wag ka nang malungkot. Gayahin niyo na lang ako.
Kahit wala akong jowa ay feeling in love pa rin ako. Ito ay sa pakikinig lang ng mga romantic saxophone music. Very relaxing kasi at talaga namang nakakainlab ang musikang ito. Yung kahit wala kang jowa eh pakiramdam mo ay in love ka. Yung kahit na wala kang partner eh pakiramdam mo ang taas taas ng (love hormone) oxytocin levels mo sa katawan.
Tatlo sa pinakapaborito kong saxophone music ay ang mga tinugtog ng sikat na American saxophonist na si Kenny G. Di nakakasawa ang kanyang musika. Kapag ito'y iyong marinig mararamdaman mong parang ikaw ay nasa alapaap.
Isa-isahin natin ang tatlo sa pinakapaborito ko.

Tuesday, February 10, 2015
Siya ata ang nag-off ng ilaw…
Buwan ng mga puso ngayon ngunit bakit parang pang-Halloween ang mga posts ko? Hopefully last na 'to this February kasi nashoshokot na ako.
Naikwento ko na sa previous post ang tungkol sa kababalaghan na naganap sa aming balur. Agad na sumagi sa isip ko kung sino ang posibleng may kinalaman dun. Pero siyempre di ko muna sinabi sa kanila at tsaka maging sa sarili ko ay ayokong mag-assume dahil parang ang sama ko naman. Ngunit pareho pala ang hula namin ni mudra.
Nabibigyang-linaw na ang lahat. Maaring ang nasa likod ng pangyayaring ito ay si grandma.
More than 1 week na ang nakalilipas ng may na-receive kaming text mula sa isang kamag-anak. Sabi sa text nadulas daw si grannie at di raw ito makabangon. Dinala nila ito sa hospital at napag-alaman na nagtamo ito ng bali sa katawan. Ilang araw siyang ni-confine.
Huwebes nang maganap ang naturang kababalaghan. Si grandma ay kasalukuyang nagpapagaling nung mga panahong iyon, so paano mangyayari yung naiisip namin? Maybe it has something to do with astral projection.
Ano ang astral projection?

image from beakingdeception.com |
Thursday, February 5, 2015
Sinong Nag-off ng Ilaw?
Kinikilabutan ako ngayon.
Kasi kanina, nagkekwentuhan kami ni mudra. Nagtatawanan pa nga kami. And then bigla na lang kaming nagulat nung namatay yung ilaw.
Kasabay ng pag-off nito ay narinig pa namin ang pag-click ng switch nito. Natigilan kami ng ilang sandali. Ilang minuto din kaming di nakapagsalita. Bakas sa aming mga mukha ang pagtataka.
Nilingon namin ito at na-shocked kami nang ma-confirm namin na naka-switch off na ito. Ibig sabihin, totoo nga yung narinig namin. Totoo nga na may pumatay ng ilaw.