Wednesday, November 25, 2015

Art of Deadmatology


     Natutunan ko na kung paano i-ignore ang mga bad vibes sa internet. Di na rin ako nahu-hurt sa tuwing nakakabasa ako ng mga judgemental remarks about gay people sa social media. I am proud of myself dahil na-master ko na ang Art of Deadmatology!

Masasabi kong medyo mahirap din matutunan 'yan. I tried to search on Google kung paano 'yan gawin pero walang lumabas na result. I learned na self-taught pala ito. It takes time din para tuluyan itong ma-perfect. Ako nga inabot ng one year bago ko 'to tuluyang na-master. Heto ang aking detalyadong chika: (Please basahin niyo. Nag-effort talaga akong isulat 'to.)


     February last year nang mapadpad ako sa isang homophobic blog (na hindi ko na papangalanan). Ito ay naglalaman ng mga hate posts patungkol sa sangkabaklaan. Punong-puno ng pag-iimbot at poot ang nasabing post. Ang harsh ng mga salitang ginamit. Kasingtalim ng bagong hasa na kutsilyo.

Intro pa lang ng post, na-stress na agad ako. First time ko kasing makabasa ng ganoong ka-rude na language, hindi ako sanay. Di pa kayang i-take ng mura kong isipan ang ganung klase ng pananalita.

Habang patuloy ko itong binabasa, na-imbyerna ako ng bongga. Parang kumulo ang berde kong dugo. Totoong affected ako noon. I felt compelled to say something. That day, I commented and I strongly opposed what he was saying. Hindi naman ako palaaway na beki sa real life pero for once, nang-away ako ng narrow-minded na blogger. Natatawa na lang ako ngayon kapag naaalala ko yung aking ni-comment. May halo kasi itong death threat. Yes, you read it right, sinamahan ko ng death threat. Tinapatan ko ang harshness niya. hahaha. I commanded him na isara ang kanyang blog or else, mauubos ang kaniyang pamilya. Sabi ko pa “I have a cousin who is an IT student. He can trace your location using the IP address of your wifi. At kapag nahanap kita, I will kill you and all of your family." Ka-shokot ang banta ko di ba? Parang totoo. lol. Kung alam niya lang na pinag-eechos ko lang naman siya that moment at maging ako ay di ko naman alam yung mga pinagsasabi ko. haha. (Wala naman talaga akong alam sa technology eklavu.) Of course tinago ko identity ko para safe.


     Anyway, same month and the same year, naging viral sa Youtube ang video na may title na Bekitaktakan: Normal ba ang pagiging bakla? Layunin ng nasabing video na sagutin ang frequently asked question tungkol sa ikatlong lahi. 



Natuwa ako sa video. Very informative. Na-explain at nalinaw nila ng bongga ang ilan sa mga misconceptions tungkol sa LGBT.

Nagbasa ako ng mga comments. Marami pa rin ang nega. Sa kabila ng ma-effort na pagpapaliwanag ay marami pa rin ang nanatiling sarado ang pag-iisip. Marami pa rin ang nagbitaw ng masasakit na salita. Bible verses can also be seen on the comment section written by hypocrites who swear they are holier than thou.





Siyempre I was deeply hurt once again. Ikaw ba naman sabihan ng masasama. In spite of that, imbes na tumigil ako sa pagbabasa, ang ginawa ko ay binasa ko pa lalo. Alam kong masakit pero tinuloy ko pa rin. Ironic as it sounds pero naniniwala na ako na the other way to be stronger is to be hurt. Kailangan ma-immune muna sa mga negative comments. Ang tendency, the next time na mabasa ko ulit ito, di na ito kasing painful as before kasi nabasa ko na siya dati. Kumbaga hindi na siya bago sa akin. 

Ang maganda sa ganitong technique, yung mga hurtful words na aking nababasa ay siya ring nabubuo at naga-act as a shield of protection na siyang magpoprotekta sa akin na if ever may marinig ulit akong masakit na salita, wala na itong effect sa akin. Napapakanta na lang ako ng song ni Cristina Aguilera na Beautiful. Sakto ang lyrics na ♪ I am beautiful no matter what they say, words can't bring me down. Oohh oohh.♪

     Naalala ko nga pala, ang sabi, masasaktan lang daw ang isang tao kapag mahalaga at mahal niya ang isang taong nanakit sa kanya. Naisip ko, bakit nga ba ako masasaktan ng mga homophobes? Nosi balasi? Di ko naman sila kaano-ano. I then realized that they're just nobody so there's no reason for me to be hurt.

Naisip ko din, kailangan kong gayahin ang aking mga kafatid na beki na nananatiling positibo at masaya sa kabila ng mga panlalait sa kanila. Sa kanila ko na-acquire ang art of deadma. Dahil dun, mas minahal ko ang aking sarili. Ako ay naging mas masaya at hindi ko na hinahayaan na mahawaan ako ng kanegahan sa buhay ng mga taong nagsu-suffer sa homophobia. Homophobes are nothing but poor creatures who are consumed by hatred. Maaaring may napagdaanan o napagdadaanan sila kaya sila naging ganon. Ang reason behind sa pagiging homophobic ay either:

a) •di nabayaran ng maayos ng bakla
b) •di pinatulan ng bakla
c) •mas gwapo pa sa kaniya ang bakla
d) •siya mismo ay in-denial na bakla

Want a proof? Here:




Ako na lang ang iintindi sa kanila since ako ang mas may capability na umunawa. Besides, sa buhay nilang puno ng lungkot, panglalait na lang ang tangi nilang kaligayahan sa life kaya hayaan na natin. Kawawa naman di ba.

Natutunan ko na rin ang hindi pagdibdib sa kanilang mga negang opinyon kasi nga opinyon lang nila yun and it does not necessarily mean na totoo na. Opinion is just subjective and not necessarily based on fact or knowledge. At tsaka bakit naman ako magpapaapekto sa kanila? I know myself more than they do. Ang ironic lang kasi it's the people that know you the least that judge you the most. #‎true‬

Hindi ko na rin sinasayang ang time ko sa kanila. Ang daming bagay na dapat mas pagkaabalahan kaysa sa mga unimportant people like them. Life is too short to stress myself with people who don't even deserve to be an issue in my life.



Never na akong nag-aabalang mag-reply sa mga nega comments. I won't stoop down to their level. In addition to that, ang bagal ng internet sa Pinas kaya hindi worthy na sayangin ko ang precious minutes ko sa kanila. Mabuti pang mag-bake na lang ng cupcake at least nabusog pa ako. Ay teka, wala nga pala kaming oven haha.


     Nga pala, February ngayong taon ay nakita ko uli yung anti-gay blog na pinatulan ko last year. Surprisingly, ni-delete na ng blogger ang mga hate posts niya about sa mga beki. Apparently, natakot ata siya sa kiyemeng pagbabanta ko. Kung alam niya lang na hindi naman yun totoo hahaha.

The same month, napadpad naman ako sa isa pang anti-gay blog. Binasa ko din. Guess what? Grabe ang tawa ko. Imbes na ma-hurt eh napahagikhik lang ako habang binabasa ang bawat words na puno ng poot. Dun ko na-realize na na-master ko na ang Art of Deadma. Malalaman mong na-master mo na ito kapag hindi ka na nasasaktan kahit 0.1%. Ganun pala 'yon, kapag nasanay ka na ay tatawanan mo na lang ang pagkamiserable ng mga negang tao at wala ng makakasira pa sa araw mo dahil alam mo kung gaano ka kasaya sa buhay.

Ang Art of Deadmatology (AoD) ay hindi lang para sa mga homophobes kundi pwede din itong i-practice sa mga haters, bashers, at mga netizens na nababalot ng bad vibes. Furthermore, hindi lang 'to sa internet kundi pwede rin itong mai-apply sa real world para sa inggetera mong workmate, blockmate, professor, kaaway, at sa chismosa mong kapitbahay.
Ang AoD is not just about ignoring judgemental remarks. Hindi lang ito tungkol sa hindi pagpatol sa mga negatibong komento kundi ito ay tungkol rin sa hindi pag-let sa mga negang words na makapagdulot ng sakit sa iyong puso.

Tanggapin na natin, People will always judge you whether you do good or bad. But it's your choice to be affected or not.
Hindi ka magugustuhan ng lahat ng tao. Katulad rin 'yan ng fact na hindi lahat ng tao ay magugustuhan mo. Amarite?
So patas lang.

Oftentimes, we blame others for hurting us. But we don't realize that the only one who is hurting us is ourselves. So always remember this:


7 comments:

  1. It will take time for one to learn such art. Ako talaga, i try to show them na wala akong pakialam. pero sa isip ko, marami na akong pinaplano kung paano ko paparusahan at pahihirapan hanggang sa mamamatay ang mga putragis na haters na yan. hahaha!

    One must be magnanimous. Pero magdadaan pa sa process ng pagiging mature, at pagiging wise, at pagiging charitable.

    Are you on twitter ba or Facebook? Gusto kong i-follow ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Yan ang dapat. We must show them na wala tayong pakialam sa kanila. Ang tanging goal lang naman nila ay ang makapanakit ng damdamin. So, kapag pinatulan natin, matutuwa sila dahil na-achieve nila ang kanilang ultimate goal which is to inflict hurt on us.

      Pero much better, wag ma-hurt at all. Kapag kasi hindi pinatulan pero deep inside na-hurt pa rin, na-achieve pa rin nila somehow ang gusto nila na makapanakit.
      Buti na lang, malaki ang nai-mature ko from the last year.

      Pasensya na sa fb thingy pero na-discuss ko sa previous post ko na hindi pa ako ready magpakilala. 'If ever' handa na ako don't worry ipapaalam ko din naman sa'yo/sainyo.

      Delete
    2. I hear you. I understand. Bakit nga ba? Ganyan din ako eh. That's why I'm using T.G. as an alternative identity. So far, isa pa lang ang na add ko sa personal kong FB account. Sige, take your time. Mahuhuli din kita. hahaha!

      Delete
  2. Ms Beki, hayaan mo na. Biktima din ako ng ganyan pero huwag lang sana dumating yung point na sumosobra na sila sa iyo. Tignan mo yung mga kamag-anak ko, pinagtulung-tulungan ako over internet pero papayag ba ako sa ganoon? Na tawaging bading kahit hindi naman? Nakakagago kasi e pero sa kalagayan mo, hayaan mo na... as long as hindi mo sila inilalagay sa panganib. Labanan mo sila hanggang sa kaya mo. Push mo 'yan! I will cheer up for you pa! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa awa ng Diyos eh never naman ako nakarinig ng panghuhusga mula sa aking family. Wala pa naman akong nae-experience na discrimination at panglalait mula sa ibang tao. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ako naging masyadong affected last year kasi hindi ako sanay.

      I feel sorry for you. Over naman mga kamag-anak mo. No one deserves to be humiliated, beki man o hindi. I assume you've gotten used to it and siguro naman na-master mo na 'yang art of deadma (hindi ba?).

      Isa sa mga masasakit na salita na narinig ko sa mga homophobes ay ang "gays are evil daw". Eventually, I realized na hindi ako dapat masaktan dahil hindi naman totoo yun. Sa case mo, matutunan mo rin (o natutunan mo na?) na wag masaktan kapag tinatawag kang beki dahil alam mo sa sarili mo na you are not.

      Delete
  3. Ha ha ngayon ko lang narinig yang Art of Deadmatology , merun palang sining na ganiyan ... at any rate talagang kailangan ay creative ka sa pagiging deadma sa dami ng negativities na nagagagnap sa mundo at kailangang hindi ka magpaapekto deadma at keribels lang lagi , apir tayo jan : ) ..... na-sad naman ako dun sa FB at Twitter request deadmatology mo hu hu hu .... talagang pati sa pag-accept ng FB friends ay inaaral mo iyang Art of Deadmatology ha ha ha ... anyway wala namana akong magagawa kundi maghintay ng tamang panahon na i-accept mo ang mga friend request namin , lakas maka-Aldub he he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga ba? Akala ko nung una ako na ang last beking nakaalam ng word na 'yan. Well for sure kahit ngayon mo lang ito narinig ay matagal mo na itong pina-practice dahil nasa DNA na ata ng mga beki ang art of deadma dahil kailangan natin 'yan panlaban mga nega sa paligid.

      Oi ha, grabe ka. Hindi totoo 'yan. haha. Na-explain ko na di ba sa previous post ang tungkol sa identity ko. Nagkataon lang na ngayon nagtanong si Mr Tripster at tumanggi naman akiz. Wala 'yang kinalaman sa art of deadma huh. haha

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺