Tuesday, January 6, 2015

Paano Mapapaibig ang Lalaki?


Wala akong lablayp. Hindi pa ako nagkakalablayp. Ako ay certified NBSB.

Bakit? Heto ang ilan sa mga dahilan:


1.) Hindi pa ako completely nakakapagladlad. Hindi pa nasisilayan ng buong universe ang kabuuan ng aking rainbow-colored wings.


2.) Masyado akong mahiyain at hindi gaanong nakikipag-socialize sa maraming tao. It has something to do with my hidden sexuality. Pero this year ay sisikapin ko nang tanggalin ang hiyang bumabalot sa buo kong pagkatao. Kailangan ko ding dagdagan pa ang aking self-confidence.


3.) Hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon at hindi ko rin alam kung kelan ako magiging handa para dito. Ayoko naman kasing madaliin, at gusto ko kung makikipagrelasyon  ako ay dun sa taong mahal ko. Ayoko kasi ng trip trip lang. Ayokong magpadala sa pressure ng lipunan.


Way back then, hindi na ako umaasang may magkakagusto pa sa akin. Parang alam ko na kasi sa sarili ko na walang straight ang magkakagusto sa isang tulad ko. Pero nagbago ang pananaw kong iyon nung last year ay napakinggan ko sa programa ni Papa Dudut sa radyo ang love story ng isang straight at bi male na nagka-in-love-an. Dahil dun, nabuhayan ako ng kaunting pag-asa na balang araw ay may straight rin na lalaki ang magmamahal sa‘kin.


Dahil naging interested ako, nag-research ako sa internet ng mga stories/confessions tungkol sa straight guy na nagkagusto  sa gay/bi. Heto ang ilan sa aking mga nakalap: (click the link to read it)

Gay SG Confessions-Facebook (Isang straight guy na may gay lover. Very touching story indeed!)
My straight bestfriend says he loves me (Haba ng hair ni beki. Tarush!)
I thought I was straight male, but I think I’m falling for my male roommate. I need advice. (Isang Scottish guy na nagkagusto sa isang Japanese gay roommate niya. Nakakakilig ‘to!)
I’m a mostly heterosexual male, currently in a in a homosexual relationship with my gay best friend (Ang swerte ni beki, naka-getlak ng straight na otok.)
BESTFRIEND-Facebook (Tagalog. Ganda nito! Aylaveett!)
MCDONALD BI LOVE STORY-Facebook (Tagalog. Pang-MMK ang story, naluha ako. Super ganda! Medyo mahaba nga lang.)

Ang mga ‘yan ay binasa ko nang mabuti. Pinag-aralan ko ng mabuti kung ano ba ang mga magagandang katangian ni beki na nagustuhan ni lalaki. Feeling ko kasi magagamit ko ‘to para magkaroon ng lover.


Para mapaibig ang lalaki dapat alam mo ang takbo ng isip nila, kailangang gamitan ng male psychology. Kailangang tumagos ka sa puso nila. Paano? Personality siyempre! They’re attracted to magaganda and sexy, we all know that, pero kung ganda lang ng fez ang meron ka eh hanggang isipan ka lang nila. Ang dapat eh bumaon ka sa kanyang puso (ganung level!), at makakamit mo yun sa pamamagitan ng wonderful personality. At dahil hindi naman ako kagandahan eh very applicable sa‘kin ang kowt na “Beauty catches the eyebut Personality captures the heart”.



I have came up with an idea kung Paano ko Mapapaibig ang Lalaki? Heto ang mga ‘yon:


1.) Pasasayahin at patatawanin ko siya ng uber hard. Gusto kasi nila ng humorous (actually parang karamihan naman sa kanila di ba?). Since humorous naman ako (sabi nila) eh gagamitin ko ‘to nang todo-todo. Bubuuin ko ang araw niya at bibigyan ko ng kulay ang kanyang mundo. Ipaparamdam ko sa kanya na being with me is super nakaka-good vibes, very magaan lang. Pangingitiin ko siya nang non-stop, walang humpay, walang tigil. Sa pamamagitan nito ay babaon ako sa kanyang isipan. Ako’y kanyang maalala sa tuwing siya ay nag-iisa, at higit sa lahat ako’y kanyang mami-miss kapag di niya ako kasama.


2.) Mag-iinis-inisan sa kanya sa tuwing siya ay mang-aasar. Men really love to tease women but what they really love the most is the reaction of that person they are teasing. Pinakagusto nila ay ang naiinis-ngunit-parang-natutuwa reaction ng taong kanilang inaasar. Ito’y nakapagdudulot sa kanila ng kakaibang saya at ligaya, ewan ko ba sa kanila. Pero since na gusto nga nila ito eh di sasakyan ko.

Feeling ko ang pang-aasar ng lalaki ay maaring makapag-develop ng kanyang feelings para sa taong kanyang inaasar. Eh di magpapaasar ako sa kaniya at tingnan ko lang kung hindi niya ‘ko ma-miss ‘pag di niya ako nakita ng ilang araw. Hihi.

3.) Ngingiti nang ubod ng tamis habang naka-direct eye contact sa kanya. Natutunaw at nababaliw sila diyan. Ito ay nakapanghihina sa kanilang mga tuhod. (Ewan ko lang kung umepek sa akin. Haha.)


4.) Give him compliments. Ang pambobola ay pwede din gamitin sa lalaki. The basic rule to give him compliments is to emphasize and accentuate his manhood. Ang pagsabi sa kanya ng “Ang pogi mo” sabayan pa ng “Ang ganda pala ng mga mata mo” ay todong makakapagpapakilig sa kanya. Hindi lang sila showy pero deep inside ay magiging super flattered siya. Pwede din makapagpangiti sa kanya ang pagsabi sa kanya ng “Gusto ko ang porma mo, bagay sa’yo.”

Also compliment his strength, basically. Telling him “Wow! You’re so strong!” will make him even more inspired and he will give an extra effort to please you more. I-compliment din ang kanyang talents. Sabihin sa kanya na “Ang swabe ng boses mo ‘pag kumakanta”, or “Ang galing mong sumayaw! Mas lalo kang pumo-pogi”, o pwede din ang “Wow! Ang galing mo naman maggitara” (kung marunong siya). But make sure na magaling talaga siya dahil kung hindi mahahalata niya na pawang ka-echosan lang ang pinagsasabi sa kanya.

  Ang numbers 1, 2, 3, & 4 ay pampatatak lamang sa kanyang isipan. Kailangan ko ito karirin nang sa ganon mas madali akong bumaon sa kaibuturan ng kanyang puso. At para mas ma-trigger yun, heto pa:


5.) I will make him feel that he is a great man. I will believe in him. I will inspire him. I will be supportive. I will try to bring out the best in him.

Sabihan siya ng pampa-push na mga kataga like “Alam kong kaya mo ‘yan! Ikaw pa.”, it will boosts his self-esteem. At sa tuwing magsa-succeed siya I will also acknowledge his accomplishments, kasama na yung maliliit na bagay. Kung kanina ay pampa-push na mga kataga ngayon naman sabihan siya ng acknowledgement na kataga like “Sabi ko naman sa‘yo kaya mo ’yan. Ang galing mo talaga!”. By that, he will never ever feel he’s worthless, instead he will feel he is good enough. Sabi nila “Behind every great man, there’s a great woman”, sana maging ganun ako sa kanya, even if I myself is not a woman. Gusto kong lang maka-inspire.  :)

6.) I will always say Thank you”. Ang pagsabi ng “Thank you” ay malaking bagay para sa mga boys. Sa ating mga beks at pati sa mga girls kung minsan di na tayo nagte-tenkyu sa isa’t-isa dahil understood na sa atin yun, di ba? Pero sa boys iba, kailangang sabihin para mas madama nila. Hindi sila tulad natin na magaling manghula at kayang magbasa ng body language.

I will never fail to say “Thank you” to him kahit na maliliit na bagay lang ‘yan. I want to show him that I appreciate all his efforts. Ang interpretation ng mga boys kapag hindi ka nag-“Thank you” is you are taking him for granted. Yun pa naman ang pinakaayaw nila.

7.) I will be myself. I know na narinig niyo na ang “Be Yourself” nang ilang libong beses, pero totoo naman kasi.

Ipapakita ko sa kanya ang tunay kong sarili. Magiging mabait ako sa kanya at puro kabutihan ang aking ipadadama.
Ang lalaki ay nai-in love sa higit na nakikita ng kanilang mga mata. Oo napapatingin sila sa mga magaganda, pero mas nabibihag ang kanilang puso sa mga may ginintuang-puso, sa mga may admirable na pagkatao, sa mga taong sa tingin nila ay kahanga-hanga.

8.) Hindi ko sasabihing gusto ko siya. Bakit naman? Eh baka kasi i-take advantage. Gusto ko kung magugustuhan niya ako ay siya ang makaalam nun sa sarili niya. (Ganern!)


Sana naman hindi ‘to mabasa ni future love interest ko, ‘pag nagkataon baka maglaho ang mga plano ko. Wah.


Ang mga naisulat ko diyan sa itaas ay mga hinuha ko lamang, di ko alam kung effective nga ba o hindi. Alam kong ang taas ng pangarap ko, kasing taas at kasing tarik ng bundok, mahirap akyatin. Pero ita-try ko pa rin, malay niyo naman. Kung sakaling hindi umepekto, eh di hindi. Kung sakali namang oo, eh di mabuti. Alam kong wala itong kasiguraduhan. Goodluck na lang sa akin. :)




(photo credit: www.hsmagazine.net)




19 comments:

  1. nice ... pumapag-ibig ka na huh ... feeling veterano ka na sa larangang yan he he he ... apir tayo jan : )

    ReplyDelete
  2. feeling ko magagamit ko din ang mga ‘yan para makakuha ng male friend/bestfriend, yun nga lang dapat di romantic ang arrive.

    super korek ka sa ‘feeling veterano’ comment mo. hehe

    ReplyDelete
  3. @jep buendia: Hindi naman. Feelingerang nagmamarunong lang, haha.

    ReplyDelete
  4. fahfah Jack---OL (on-line) kana ha! hahah! Ayos.. parang based sakung saan. Masubukan nga yan. LOL. Btw, AB! na-curious ako sa'yo. Add kita sa FB! kasi si koya Edgar and Bb. Melanie.. friends ko na and we've been chatting from time to time. Ikaw.. kelan ka ba magpapakita sa amin? kahit virtual lang! :) Plith/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang taas naman ng Papa Jack, hahah! Go teh subukan mo rin, wala namang mawawala diba? Balitaan mo na lang kami ‘pag nag-succeed ka na. :)

      Delete
  5. Dear Readers,

    Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng post na ito. Pero mga teh try niyo din basahin ang mga new posts ko. Ano 'to ito na lang palagi? Chos! Pero tenkyu very much ulit. Oi ha, balitaan niyo 'ko 'pag may mga lablayp na kayo. Para naman malaman ko kung may napala kayo sa sinulat ko. Ok? Salamat!

    Nagmamahal,
    AnonymousBeki

    ReplyDelete
  6. Thank you for all the people na walang patid na bumibisita sa post na ito. Actually, there are so many things na nakalimutan kong i-discuss about this topic. I am planning to write a part 2 neto wherein I will explain and elaborate things even more at magdagdag ng iba pang tips base na rin sa aking mga nabasa. Guys, what do you think? Kindly email me or comment here if you want me to. If not, well alam ko na ang sagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi I have lots of questions kaso diko alam kung sumagot na kyu po

      Delete
    2. hi I have lots of questions kaso diko alam kung sumagot na kyu po

      Delete
  7. Hi there ! I have some question lang po. Can a guy fall in love with straight woman ?

    Alam mo young feeling na in love ka sa kaibigan mong beki but, he doesn't love me back. Kasi, type niya mga lalaki din. Sakit sa bangs 👩👩

    ReplyDelete
  8. Based on your tips. Yes. Exactly. Yun nga lang kapag kasi straight ang guy, talagang malabo maging kayo someday.

    Oo pwede magkaroon ng mutual feelings kahit di ka or sya umamin pero yung as in magsasama kayo is napaka imposible.
    Isa sa mga hardest factor is yung environment. Iba kasi pag magkasama kayo ng kayo lang dalawa at in public. Medyo awkward sa kanila yun pag kayo is magkasama dalawa in public.

    Kaya lang ibigay ni guy is yung friendship. Special friendship naandun pa rin yung care pero di ikaw ang pinaka priority. Masakit talaga.

    At yung pinaka last mo, is totoo yun! Wag na wag ka aamin sa kanya. Iiwasan ka talaga nya. Kung tutuusin talaga, kung meron man sya "special" feelings sayo, mas madali na nila tong maiiwasan. Kasi nga straight sila, kaya agad nila umiwas. Tumingin lang sila sa babae okey na sa kanila yun. At magiging result nun is iiwasan ka na.

    Para saken, is ok na saken yung friendship. As long as may care pa rin sya sken. Kuntento na ko dun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap talaga imibig ang isang Straight Guy sa isang bisexual, pero hindi imposible, possible naman mangyari yun. Mas mataas pa siguro ang possibility na magkagusto at possible magkaroon ng forever ang Straight Guy sa shemale or transgender kasi babae na tingnan yun, at kadalasan naman mas maganda pa at sexy sila sa tunay na babae, at meron na ngayun na ganyan mga prominent person pa. But sa case ng Straight Guy to bisexual pwede naman, but it takes a lot of effort and sacrifice on the part of the bisexual, you need to invest a lot of time, patience and even monetary. Hindi ko naman sinasabi na pera pera lang ang usapan dito, pero wala ng ibang paraan para mapalapit ang lalaki sayo kung hindi sa ganitong paraan lang. Isipin mo na hindi ka babae para habulin o ma love at first sight, pero kung lahat ginawa mo na at hindi pa rin nagkakafeelings ang guy, bitawan na at mag mag move on pero kung successful naman at nagka feelings ang guy sayo, ang saya nun ....pero for sure hanggang feelings lang yan ....walang forever dahil at the end of the day ...babae pa rin ang hahanapin niyan....ang bisexual ay magiging part lang ng buhay ng guy na hindi nya malilimutan kahit kailan. Thats love, may mga bagay na gusto mo pero hindi mo makukuha, mararamdaman mo pero hindi mo maisasatao. Lets just be happy kung anu ang meron...

      Delete
  9. Haisstt,,sana umepek yung mga love guru advice mo����������kc ako,,,eto hindi mka move-on��

    ReplyDelete
  10. "Pasasayahin at patatawanin ko siya ng uber hard"Ginawa ko na po to sis kaso nga lang po na gone too far po siya di ko lahat kaya ang sinasabi niya halos taga po sis sa puso ko ang kanyang pangangasar, ano po ba ang gagawin ko dito sis. Atchaka yung gusto po ay yung lalake kaso nga lang po bad boy po siya masama po ugali pero di pa po kami nag uusap minsan pero di naman po siya gaano kasama saakin tapos minsan po nilalayuan ko po siya Atchaka pinapahalata ko po Sakanya na nilalayuan ko siya kaso po natatakot po ako na malaman niya kalayuan niya na po ako pag nalaman nya o baka sakali Abusuhin po nila ako ano po ba ang gagawin ko Atchaka wala po ako alam sa mga joke joke.

    please replay :-D :-)

    ReplyDelete
  11. parang may ka name po kaya sa wattpad na profile (AnonymousBeki), ewan ko lang po pero kayo po ba yun? I read all his stories and i loved it. Tanong lang naman po, ayaw ko mag assume agad na kayo nga yun.

    ReplyDelete
  12. Nag Ka gusto po ako sa long time friend ko pero straight po siya☹️ tapos both of as po sacristan

    ReplyDelete
  13. Hi! May karelasyon akong 8years younger than me. And we both ended cheating each other. To restore our relationship, we've decided to start over again. Pano ka kaya sya mapapakilig ulet? Salamat

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺