image from happynewyearwishes2015.blogspot.com |
“Happy New Year sa inyong lahats!”
“Chupi 2014 … (sabay tulak dito)
and Welcome 2015!” (sabay beso-beso.)
image from www.dazzlingwallpaper.com |
Thank God dahil isa na namang taon ang ating nalagpasan. And I would also like to thank all of my readers na patuloy na sumusubaybay at nagtiyatiyagang basahin ang aking blog na wala namang katuturan. Sana’y may napulot din kayo dito kahit papano (meron ba? parang wala naman. Ahaha!)
2015 na at heto ang aking mga kahilingan this year para sa aking sarili, sa inyong lahat, at sa pangkalahatan: (siyempre naman! ano ‘to makasarili? lols)
•more blessings to come
•good health
•mas tumatag ang relationship with the family and friends
•mapagtagumpayan ang mga ninanais sa buhay
•maisakatuparan ang mga pangarap
•prosperity
•makaahon sa kahirapan
•lumago ang ekonomiya ng bansa
•kumonti ang mga mahihirap
•makulong at mapanagot ang mga dapat na makulong tulad ng mga kriminal, hunghang na pulitiko, atbp. (may poot? charms!)
•peace of mind
•tuluyang pagtanggap sa sangkabaklaan (ganern!)
•kapayapaan/World Peace
•and most importantly, gumanda ako, at pati na din kayo. (Pak!)
Kidding aside, looking forward ako this 2015. This year kasi ay magka-college na ako. Yey! Dalawang taon din kasi akong natengga sa pag-aaaral, so happy dahil this year ay tuloy na ito.
Balak ko na mag-out sa college. Mahirap din kasi ang mag-school na merong tinatago, lalo na sa college eh todo-bigay ka dapat.
Ico-conquer ko na rin ang aking pagiging mahiyain. Palalayasin ko na ang mahiyaing kaluluwa na sumapi sa katawang lupa ko. Makikipag-socialize na din ako sa mga future classmates ko. I want to make friends with them, cause I had never done it when I was in highschool. ‘Tulaley creature’ lang kasi ako sa entire hayskul layp. At tsaka, 19 na ako pagkatapos ng first-half ng taon. Baka masayang lang ang teenage life ko ‘pag nagkataon. Ayoko magkaganun.
Gusto ko na rin magkaroon ng beki friends this year. Never pa kasi ako nagkaroon ng beki real friends. May mga kakilala naman ako but we’re not close, kangitian lang ba. Kaya nga I’m so happy na makakilala ng beki bloggers na tulad niyo dito sa online world. Hopefully sa college ay madagdagan pa ‘yan at sa totoong buhay na. I want to personally make chika with mga ateng!
Female friends? Given na ’yan. Madali lang naman makipagkaibigan sa mga babae.
Male friends. Heto talaga ang pinakapangarap ko. Ang totoo kasi niyan, never pa ako nagkakaroon ng male real friends.
Noong hayskul, hmm … meron naman akong male seatmates. Sila’y aking kakwentuhan paminsan, pero hindi nila alam ang tunay kong katauhan.
May younger brother naman ako, batid kong amoy na niya ang pagkatao ko pero hindi ko pa rin ito kino-konpirm. Limitado ang topic ng aming chikahan dahil dito.
Pinakaaasam-asam ko talaga ang magkaroon ng lalaking kaibigan. I want to befriend with guys, gay-friendly guys. Gusto ko din makipagkwentuhan sa kanila sa walang awkwardness na paraan, yung wala akong dapat na ilihim. Gusto ko yung matatanggap ako kung ano ako nang buong-buo, yung hindi ko na kailangang magpanggap. Gusto kong maramdamang secured ako, yung may magtatanggol sa akin. Yung di ko na mararamdamang nag-iisa ako.
***
Sana’y ulanin at bahain tayo ng swerte ngayong taong ito. Nawa’y maging mabait sa atin ang 2015 Year of the Sheep katulad ng isang maamong tupa.
“Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!”
Magandang Buhay!”
*thumbs up with wink*
Hello, ateng! Nakita ko na rin ang blogerya mo! so happy! I wish you more-more belssings to come para more and more ang entries mo! Labyow
ReplyDelete@Mc Wright: Thank you din ateng. Nawa’y maging
ReplyDeletesupercalifragilisticexpialidocious
talaga ang taong ito para sa ating lahat. Salamat sa pagdaan! :)
Happy New Year sa iyo! :)
ReplyDeleteGood luck sa pag-aaral sa kolehiyo, nakaka-excite naman hehehe. Sana ay mapili mo ang nararapat na kurso, at marami ka sanang ma-explore at matutunan :)
At marami ka talagang makikilala sa mas malawak na mundo mo sa darating na panahon, kaya hangad kong makatagpo ka ng iyong mga kaibigan :)
More power sa iyo!
Happy New Year
ReplyDeleteHappy New Year din sayo Anon Beks ... so panu yan sa college mo out ka na hindi ka na anonymous beki kundi proud beki na he he he ... I am proud of you kafatid ... puwede mo ako maging mentor pagdating sa male friends he he he ... God bless us all
ReplyDelete@jep buendia: Salamat po sir! Nakakadagdag pag-asa ang iyong mga sinabi. Kinakabahan ako ng kaunti ngunit ako’y mas nasasabik.
ReplyDelete@Rix: Ganun din sa’yo. :)
@Edgar Portalan: Tenkyu po Teh Edgar! Mentor? Pwede din. he he he
happy new year :)
ReplyDelete@KikomaxXx: Happy New Year din! God bless po!
Delete