Sunday, November 29, 2015

Munting Kahilingan

     Sa mga social media, once na ni-delete mo na ang iyong pinost, agad itong mawawala at hindi na ito mababasa ninuman ever. Yun ay kung facebook, twitter, at instagram ang pag-uusapan. Pero when we speak of blogger.com, it's not the case.

Personally, nangyari na sa'kin yung dapat sana naka-schedule na blog post ay na-publish ko nang wala sa oras. Automatic nag-appear ito sa Dashboard. (Sa mga readers na di nakakaalam, ang Dashboard ay katumbas ng Newsfeed sa Facebook.) So ang ginawa ko ay dali-dali kong ibinalik sa Draft ang post at aking ni-reschedule. Pero kainis lang dahil naga-appear pa rin ito sa Dashboard, may nakasulat pa ngang posted 20 minutes ago.

Malamang, pinindot ng aking mga followers ang link ng post sa pag-aakalang ito ay nage-exist pero what will happen is may lalabas na 404 URL NOT FOUND (something like that) which means ito ay temporarily unavailable or hindi nage-exist.

4 days pagkalipas nun, dumating na ang takdang panahon para i-publish ang ni-resched na post. Pagtingin ko sa Dashboard, walang changes. Ganun pa rin. Nasa Dashboard pa rin ito at may nakakalagay na posted 4 days ago (yun yung araw kung saan aksidente ko itong na-post). Hindi man lang ito umakyat para ma-inform ang followers na ito ay na-post na ulit. Ang masaklap, napatungan ito ng mga bagong posts ng ibang blogger kaya yung post ko ay napunta sa bottom. Akala tuloy ng mga followers, wala akong new post dahil yun ang nakalagay sa Dashboard.

Ang tanong ko ngayon, saan ba ang tanggapan ng Blogger para mapuntahan at makapagreklamo? charz! Ang tanong ko talaga is paano ba mag-send ng feedback sa kanila? Magbabakasakali lang na maiparating ko sa kanila ang aking hinaing. (it sounds so madrama. lol)

Sa mga hindi pa nakakabasa ng post na tinutukoy ko kanina, sana po ay basahin niyo 'yon 'pag may time. Ito ay may title na Santa Claus, wer na u? Ang post na 'yan ang may pinakakaunting views (kasalanan 'yan ng blogger.com) at nanghihinayang ako dun kaya naman ngayon pina-plug ko ulit sa inyo. 



That post is about sa dati kong classmate na sa edad na 16 ay naniniwala pa rin na Santa Claus really exists. Pramis matatawa kayo sa kuwento kaya sana basahin niyo. You can also leave a comment if you want.
***
New topic.


Wednesday, November 25, 2015

Art of Deadmatology


     Natutunan ko na kung paano i-ignore ang mga bad vibes sa internet. Di na rin ako nahu-hurt sa tuwing nakakabasa ako ng mga judgemental remarks about gay people sa social media. I am proud of myself dahil na-master ko na ang Art of Deadmatology!

Masasabi kong medyo mahirap din matutunan 'yan. I tried to search on Google kung paano 'yan gawin pero walang lumabas na result. I learned na self-taught pala ito. It takes time din para tuluyan itong ma-perfect. Ako nga inabot ng one year bago ko 'to tuluyang na-master. Heto ang aking detalyadong chika: (Please basahin niyo. Nag-effort talaga akong isulat 'to.)


     February last year nang mapadpad ako sa isang homophobic blog (na hindi ko na papangalanan). Ito ay naglalaman ng mga hate posts patungkol sa sangkabaklaan. Punong-puno ng pag-iimbot at poot ang nasabing post. Ang harsh ng mga salitang ginamit. Kasingtalim ng bagong hasa na kutsilyo.

Intro pa lang ng post, na-stress na agad ako. First time ko kasing makabasa ng ganoong ka-rude na language, hindi ako sanay. Di pa kayang i-take ng mura kong isipan ang ganung klase ng pananalita.

Habang patuloy ko itong binabasa, na-imbyerna ako ng bongga. Parang kumulo ang berde kong dugo. Totoong affected ako noon. I felt compelled to say something. That day, I commented and I strongly opposed what he was saying. Hindi naman ako palaaway na beki sa real life pero for once, nang-away ako ng narrow-minded na blogger. Natatawa na lang ako ngayon kapag naaalala ko yung aking ni-comment. May halo kasi itong death threat. Yes, you read it right, sinamahan ko ng death threat. Tinapatan ko ang harshness niya. hahaha. I commanded him na isara ang kanyang blog or else, mauubos ang kaniyang pamilya. Sabi ko pa “I have a cousin who is an IT student. He can trace your location using the IP address of your wifi. At kapag nahanap kita, I will kill you and all of your family." Ka-shokot ang banta ko di ba? Parang totoo. lol. Kung alam niya lang na pinag-eechos ko lang naman siya that moment at maging ako ay di ko naman alam yung mga pinagsasabi ko. haha. (Wala naman talaga akong alam sa technology eklavu.) Of course tinago ko identity ko para safe.


     Anyway, same month and the same year, naging viral sa Youtube ang video na may title na Bekitaktakan: Normal ba ang pagiging bakla? Layunin ng nasabing video na sagutin ang frequently asked question tungkol sa ikatlong lahi. 



Natuwa ako sa video. Very informative. Na-explain at nalinaw nila ng bongga ang ilan sa mga misconceptions tungkol sa LGBT.

Nagbasa ako ng mga comments. Marami pa rin ang nega. Sa kabila ng ma-effort na pagpapaliwanag ay marami pa rin ang nanatiling sarado ang pag-iisip. Marami pa rin ang nagbitaw ng masasakit na salita. Bible verses can also be seen on the comment section written by hypocrites who swear they are holier than thou.





Saturday, November 14, 2015

Sino nga ba si AnonymousBeki?



     Everyone seems to be asking, sino ba talaga ako? Ano ba ang totoo kong pangalan? How do I looked like? Sino ba talaga ang beking nasa likod ng pseudonym na AnonymousBeki?

Sorry to disappoint you pero hindi ko ire-reveal sa post na ito ang aking real identity. I am only writing this post para i-discuss ang ilan sa mga rason kung bakit pinili kong maging isang anonymous blogger.
Heto ang mga iyon:


Wednesday, November 11, 2015

Starting Over Again


     Busy na naman ang inyong lingkod kaya naman di ako nakapag-update agad. Monday last week nang nag-resume ang aming classes after the sembreak. 2nd semester na mga teh, bagong simula. Kasabay nito ay na-shock ako dahil may naganap na reblocking. Yung mga dating blockmates ko noong 1st sem, ngayon nagkawatak-watak na. Mga 15 na lang ata ang natirang original, the rest napunta na sa ibang section, I mean sa ibang block.

Medyo nalungkot ako nung nalaman kong magkakaroon ng reblocking. All I thought kasi was yung blockmates ko nung unang semester ay magiging blockmates ko pa rin until now. Chika ng kaibigan kong si Charee which is 2nd year college na ngayon sa parehong university, yung blockmates niya noong 1st year, blockmates niya pa din daw hanggang ngayon; and probably blockmates niya pa rin until she graduate. Buti pa sa department nila ganun ang sistema. Ewan ko ba kung bakit may reblocking ekek sa aking course. Siguro depende ata sa trip ng department.

     Naalala ko yung mga dati kong blockmates. Super mababait lahat. Walang bully. Walang annoying. Mami-miss ko talaga sila. Alam niyo bang last year ay panay yung dasal ko na sana 'pag college ko ay friendly ang aking maging blockmates. Binigay naman ni God, pero nagbago ito ngayong ikalawang semestre.

Friday, October 30, 2015

May Kilala Akong Aswang

     Malapit na ang Halloween at uso na naman ang pagpapalabas ng mga nakakatakot na istorya sa telebisyon. Naisipan kong mag-share din sa inyo ng true-to-life kahindik-hindik na story that will surely scare you. And for sure, this terrifying story will creep up in your dreams and will give you nightmare tonight. Read on and be ready for goosebumps.


My chika for you is about sa isang matandang babae na nakatira dito mismo sa aming barangay na pinaniniwalaang aswang ng mga taga-rito. Matagal ng grapevine ito sa aming lugar at halos lahat ng mga taga-rito ay narinig na ang tungkol dito.



photo grabbed from www.oddityworld.net

Ang sinasabing aswang ay itago natin sa pangalang Aling Dolores (AL). Kayumanggi ang kulay niya. Mala-brown ang kulay ng kanyang buhok, may pagkakatulad sa kulay ng buhok ng mais. Payat ang kanyang pangangatawan. Matangos ang kanyang ilong, malalim ang kaniyang mga mata. Lubog ang hollow ng kanyang pisngi at humpak ang kanyang cheekbones. Edgy ang kanyang face, mataas ang kanyang brow ridge, at define ang jawline. Ang kanyang mukha ay katulad ng stereotype na hitsura ng mga mangkukulam at aswang na makikita sa pelikula. May resemblance siya sa matatandandang gypsies, old Turkish women, at kay Mrs. Ganush ng pelikulang Drag Me to Hell. (i-google mo na.)


Friday, October 23, 2015

Words of Wisdom mula kay Guidance Counselor

     Tapos na ang first semester. This week ay pagpapapirma na lang ng clearance ang sadya namin sa pagpunta sa school. Hindi siyempre mawawala sa listahan ng dapat hingian ng autograph ang guidance counselor (GC). Kahapon lang ng umaga nang pumunta ako sa office ng aming GC para magpa-sign. Solo flight aketch dahil yung mga blockmates ko ay tapos na, mga two days ago pa ata. Kaya naman mag-isa akong pumasok sa pintuan ng opisina. Napansin kong si madam guidance counselor lang ang taong naroon.

     “Good morning po ma'am. Magpapapirma po ako ng clearance.” magalang na sabi ko.

Umupo ako sa chair while waiting na matapos ang kaniyang paglalagda. Ngunit sa halip na pirmahan agad ay tiningnan niya muna ang aking papel at siya ay nagtanong sa akin.

     “Kumusta naman ******** ang pag-aaral mo this college?” tanong niya sa akin.

     “Okay naman po,” ang magalang kong sagot.




Nase-sense ko na may magaganap na one-on-one interview between us, siya ang host at ako ang guest. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan. Dapat pala sumabay na ako sa iba kung blockmates nung nagpapirma sila dito two days ago. Ang tanging pinagawa lang sa kanila noon ay ang i-recite ang Mission/Vision ng aming university; and I assume na hindi naman sila nilahat kasi madami sila. 

Saturday, October 10, 2015

I don't understand...

     A pleasant day to all of you my dear ka-chikas! If you can still recall on my previous post, punong-puno ito ng pighati, lungkot, at sakit. Pero ngayon, I'm glad to say that I am now already okay (actually 2 weeks ago pa). Maybe tama nga ang sinabi ng isa nating ka-chika na si Teh Edgar, infatuation lang aking naramdaman. And siguro din, the pain that I felt was not real (?). Sobrang stress lang ata ako sa school nung mga panahong iyon kaya siguro napa-emote ako ng todo 3 weeks ago. Right now, my feelings for him is not that intense as before. Crush ko pa naman siya pero hindi na OA levels. Hay naku, hindi ko maintindihan.

photo grabbed from: here

Speaking of hindi ko maintindihan, meron akong nae-encounter na mga salita sa internet na wala akong idea kung ano ba ang kahulugan ng mga ito. Ang mga salitang aking tinutukoy ay ang mga sumusunod:
•aryahin
•nilalantod
•inumang
•kinukupa