Monday, December 29, 2014

Paputok

image from www.flickr.com


Naririnig ko na naman ang tunog ng mga paputok. Nakakagulat. Nakakabingi. Nalalanghap ko na naman ang amoy ng pulbura nito. Grabe, ang baho. Mga excited much sa New Year.

Naalala ko, nung bata pa ako ay nahilig rin ako sa pagpapaputok ng piccolo. Madali lang kasi ito gamitin. Pagkasindi nito ay meron ka pang limang segundo para tumakbo at iligtas ang iyong buhay. Isa pa sa gusto ko dito ay kaya nitong pumutok kahit underwater.


Heto ang ilan sa mga peborit kong paputukan ng piccolo:

1.) Bao- Pagkasindi ng piccolo ay saka ko ito tatakpan ng bao. Tuwang-tuwa ako sa tuwing lumilipad na ito sa ere. Ang maganda rin nito ay hindi ito nawawasak kaya pwede pa rin gamitin over and over again.

2.) Lata ng Coke- Katulad din ng #1. Lumilipad din sa ere nang di nawawasak. Parang rocket ship ito ‘pag nasa ere.

3.) Putik- Pasensya na kung salaula pakinggan. Pero hindi ko naman po hinahawakan yung putik. I just make the piccolo lubog down the mud without touching it. Pagkatapos sindihan ay lalayo ng malayong malayo dahil baka masabugan.
Naalala ko dati nung minsa’y nagsindi ako ng piccolo sa putik then yung kalaro ko ay hindi lumayo. Ayun, nalagyan siya ng buo-buong putik sa may siko.

Saturday, December 27, 2014

December 24, 25, and 26 (2014)

December 24, 2014
Wednesday, 11:00 pm

May party/Noche Buena sa aming kapitbahay na kamag-anak din namin. Um-attend doon ang dalawa kong kapatid samantalang ako ay mas piniling manatili na lamang sa aming bahay (palagi naman akong ganyan lol.)

Wala pa din ang food. Na-bored na ako kaya ako'y natulog na lang.


December 25, 2014
Thursday, 9:00 am

Nagising ako dahil sa alingawngaw ng isang babae.

“Hoy! Gumising ka na! May mga pagkain dito! Mag-almusal ka na at baka maubusan ka na naman!”, ngek. Yung nanay ko pala.

Bumangon na ako at tinungo ang dining area. Tumambad sa akin ang mga pagkain. Ito ang mga pagkaing ipinangako ng aming kapitbahay. Ang mga fudams ay baked mac and cheesechocolate cakeleche flan, at gulaman. Ang nakakaloka pa nito ay ako na lang pala ang hindi nag-aalmusal kaya pressure sa akin na ubusin ang lahat ng ito. Hindi kaya pumutok diyan ang tiyan ko?

Nakakaumay din pala kapag andame mo nang nakain. Maya-maya ay may pahabol pa. Spaghetti at macaroni salad na galing naman sa isa pa naming kapitbahay. Nung makita ko yun parang gusto ko nang maglungad.

Masaya talaga kapag meron kang mababait na kapitbahay/kamag-anak. Sari-saring pagkain ang dadating sa iyong tahanan tuwing Pasko.

Kinagabihan, dumating si Auntie para mamigay ng regalo. Pera ang aking natanggap mula sa kaniya. Actually mas gusto ko na lang ang pera dahil ako mismo di ko alam kung anong gusto ko.


December 26, 2014
Friday, 3:00 pm

Wednesday, December 24, 2014

Christmas Party and Notches Buena

image from www.breakmystyle.com

Maya-maya lamang ay Noche Buena na! Samut-saring food na naman ang ating matitikman sa hapag-kainan. Last week lang eh kabubusog pa lang ng karamihan sa atin sa kaliwa't kanang mga Christmas Party.

Speaking of it, I really miss the Christmas Party sa school. Kawawa nga me dahil Grade 6 elementary pa nung last ko na-experience ‘yan which was 6 years ago.

I'm so malas talaga dahil hindi man lang ako naka-attend ng kahit-isa man lang noong highschool dahil sa iba't-ibang rason.

First year highschool. Wala kaming Christmas Party dahil busy sa pag-aalburuto ang Mayon Volcano (alert level 4 ito) nung mga panahong iyon at kailangang gawing evakyuweyshen cener ang aming school. Ang tanging reaction ko lang was “OK sige, may next year pa naman.”

Nung second year ay na-dissapoint lang ako dahil wala din pala ulit. I can't remember the exact reason why we had no party that time. Basta parang tungkol ata sa school, sa teachers, may seminar sila? Di ko na matandaan.

Friday, December 19, 2014

Santa Claus, wer na u?

image from cdn.vectorstock.com

Karamihan sa atin ay minsang naniwala na totoo si Santa Claus lalo na nung bagets days natin. May mga bagets na hindi nauto, at meron din namang mapahanggang sa ngayon ay nabubuhay pa rin sa kasinungalingan. Halimbawa na diyan ang kaklase kong itago natin sa pangalang Rico (sinadya kong itago ang kanyang katauhan para mailayo siya sa kahihiyan).

Naging kaklase ko siya noong huling taon ko sa hayskul. Seatmates kami.

Ang eksena

Pasado alas tres na ng hapon. Last subject na. Malapit na ang uwian. Mega chikahan ang aking mga klasmeyts dahil wala naman seatwork na binigay si teacher. Parang free time na din. As usual,
tulaley lang ako dahil mahiyain me.

Nang biglang may tinanong sakin si Rico.

Monday, December 15, 2014

Christmas Around The World

Christmas is in the air na talaga!
Marahil marami sa inyo ang nag-iisip na kung saan ba ang perfect place para mag-lamyerda ngayong Kapaskuhan. Marami akong napapanood na magagagandang pasyalan na fini-feature sa TV at karamihan nito ay matatagpuan sa NCR. Alam mo yung feeling na gustong-gusto kong pumunta dun kaya lang taga-probinsya ako at nasa probinsya ako ngayon. Hanubayan! Pero buti na lang meron din sa amin. After this post baka ma-feel niyo rin finally yung feeling na parang gusto mong magkapakpak at mag-fly fly just to visit a place such this.

Dito sa province ng Albay, sa bayan ng Malinao, ay dinarayo ng mga tourists ang sikat na pasyalan na binansagang Christmas Around The World.
Tampok dito ang samu't saring replica ng mga famous landmarks sa mundo gaya ng Eiffel Tower, Great Wall of China, Pyramid of Giza, Taj Mahal, Leaning Tower of Pisa, The Colosseum, Big Ben, Statue of Liberty, Sydney Opera House, Windmill of New Zealand, Venice Gondola, and The Golden Gate Bridge.

Thursday, December 11, 2014

Hinaing



Mejo matagal ng hinaing ng puso ko ang privacy issue nitong selpown ko.

5 months ago, gamit itong mobile ko ay gumawa ako ng blogger account para dito sa blogelya ko. And then one day, naisipan kong pindutin yung Gmail App. Hindi ko pa kasi ito nabubuksan before. Pagkabukas ay nakita kong automatic na naka-log in na ang aking account.

Ang nakakainis, hindi ko mahagilap kung asan yung log-out. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ma-sightsung.

Ang tanging naisip kong solusyon ay lagyan ito ng security code/password para hindi mabuksan ng sinumang magtangkang tuklasin ang aking lihim.

***

Akala ko tapos na ang aking pangamba. Meron pa pala. Ito ay muling nakapagdulot ng pagkaligalig sa aking fuso.

Monday, December 8, 2014

Bagyong Ruby

Kumusta kayo diyan? I’m hoping na OK lang kayo there. Thank God dahil very safe naman kami dito.

Sabado ng afternoon ng nagsimulang magparamdam ng bagsik itong Bagyong Ruby dito sa province namin. Umulan ng malakas ngunit humihina naman  paminsan-minsan, ganon din ang bugso ng hangin. Bandang alas-diyes ng gabi nang putulin ang supply ng kuryente for safety purposes.

Kinaumagahan, mas lumakas ng bahagya ang ulan at hangin ng nag-landfall ang bagyo sa Masbate, which is di naman kalayuan sa aming province.

Pagsapit ng hapon ay lumayas na sa amin si Ruby. Pero meron pa ring panaka-nakang ulan at hangin na dulot ng paghila ng amihan. Masasabi kong medyo mahina ang naramdaman naming bagsik mula kay Ruby compared sa super fierce na ipinadama ni Bagyong Glenda noong nag-landfall ito sa amin noong Hulyo.

Lunes. Pagkagising ko may kuryente na. I'm so happy. Peaceful na rin ang aming paligid-ligid. Natapos itong Lunes nang walang sumilip na araw. Bukas pa ata ito magpapakita.

Nakakahinayang lang kasi nang  dahil sa bagyo, di natuloy ang Apec Summit na supposedly dito sa Albay ang venue ngayong araw at bukas, Dec. 8-9.

Ilang months pa naman na pinaghandaan ng aming Gobernador ang nasabing event. Pinapinturahan pa niya ng bonggang bongga ang mga pampublikong mga gusali. Pinalagyan niya ng sari-saring bandila ng iba’t-ibang mga bansa sa parke bilang pag-welcome sa mga afam. Sadly, ilang araw bago dumating si Ruby ay kinansela ang nasabing event at ni-move ito sa Manila. Aww. How sad. Madami pa namang pera ang naggastos ni Gov.

Pero keri lang yan, ang dapat na ikatuwa ay walang nashigik sa aming probinsya. Na-achieve namin ang target na zero casualty. Yehey! Thanks sayo Gov. Joey Salceda.

Thank you din talaga kay Lord dahil pinakinggan Niya ang aming mga prayers. Salamat din dahil hindi nalaspag ang bubot kong shutawan at never man lang ako nabasa.

Mag-ingat po kayo diyan dahil papalapit na diyan si Ruby. Pray lang po tayo kay Lord at siguradong di po niya kayo pababayaan.

Thursday, December 4, 2014

Nilaspag niya ako…

Siya ay nakakatakot. Hindi ko napaghandaan ang pagdating niya. Namalayan ko na lang na andiyan na siya. Agad-agad niyang sinimulan ang pagbayo sa mura kong katawan. Hinambalos at winasiwas niya ako gamit ang kanyang lakas. Mas malakas siya sakin at wala akong laban sa kanya. Wala akong mahingan ng tulong. Di ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin ang kalupitan niya sa akin. 

Ilang oras na ang nakalipas pero ayaw pa rin niyang tumigil. Sobrang nanghihina na ako. Parang di ko na kaya. Animo'y isa siyang mabangis na hayop na nanggaling mula sa kagubatan.

Monday, December 1, 2014

Favorite m2m

Hobbies: m2m
Favorite Movies: m2m
Favorite Actors: m2m
Favorite TV Shows: m2m
Favorite Channel: m2m
Favorite Cartoons: m2m
Favorite Books: m2m
Favorite Subject: m2m
Favorite Sports: m2m

Naalala ko tuloy yung slum book ko noong ako'y nasa elementarya at hayskul pa lamang. Ganyang-ganyan yung mga sagot ng mga klasmeyts ko. Puro na lang m2m! Kay babata niyo pa nanonood na kayo niyan!? Charaught!
Alam ko namang abbreviation yan ng many to mention, pero sadyang iba talaga sumasagi sa utak ko pag nakakabasa ako niyan ngayon. Medyo green-minded lang si baks faminsan-minsan.