Tuesday, August 25, 2015

Buhay Kolehiyala

Hello there!

Grabe ha. Ang daming event sa school. Last week lang ay midterm exam namin kaya naman witchelz ako nakahanap ng time para makipagchikahan with you as I was busy siyempre na mag-review. Pero ngayon since free ako, susulitin ko itong moment para magbahagi sa inyo ng aking kwento. As promised, ichichika ko na sa inyo ang mga experiences ko ngayong college na akik. Medyo mahaba lang 'to. Sana basahin at tapusin niyo. Wag mag-skip reading ha. Enjoy!





 June 8, 2015
Monday


    Ito ang aking first day of school. 7:30 am ang aking first subject. Nagmamadali ako sa pagrampa papunta sa aking unibersidad dahil male-late na ako. Super kinakabahan ako that day, kasi siyempre new school, new environment, new experience, new classmates, new professors, at siyempre new chapter ito ng life ko. Besides, di naman lingid sa inyong kaalaman na natigil ako sa pag-aaral ng 2 years kaya naman bonggang adjustment ito for me.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong andun na ang aking mga blockmates. Agad akong naghanap ng mauupuan at buti na lang meron akong natagpuan. Pagkaupo ko ay diretso paypay ang lola niyo dahil sa hingal sa paglalakad. Hello?! Hinanap ko pa kaya itong room. Buti na lang wala pa yung professor.

About 20 minutes after, saka dumating ang aming prof. Nagpakilala siya at mukhang mabait naman. After ng kanyang subject ay vacant/free time namin so what I did was umuwi na ako ng balur. Alangan namang mag-hintay ako dun hanggang sa sumapit ang second subject namin which is mamaya pang ala-una. Imagine 3 and a half hours kaya yun.

Pagsapit ng hapon, 2nd subject na. Bet ko ang classroom kasi naka-aircon. Actually laboratory ito wherein may mga computer sa loob for the students.
Maya-maya lamang, I started to feel uneasy kasi sabi ni prof isa-isa daw kaming magpapakilala. Instant kabado na naman ako. Alam niyo bang ako pa yung unang natawag. So ang ginawa ko ay nagpakilala ako with my name, kung saan nakatira, saang school grumadweyt, and other chuchu details. Di ko na sinabi kung ilang taon na ako. Baka kasi tawagin nila akong kuya. Ayoko nga. Mostly, 16 years old pa lang ang aking mga blockmates (turning 17 pa lang this year). While me, 19 na ako (nag-birthday ako nung June. Pwede niyo po akong batiin kahit belated na.)
Meron nga akong ibang kaklase na 15 yrs old pa lang. Oh davah ang babagets. I feel so old. Pero when it comes to face, parang di naman nagkakalayo ang aming mga edad. Di naman sa pagmamaganda pero parang hindi tumatanda ang aking hitsura, kaya naman hindi halata na ako'y diecinueve na. Yung iba nga parang mas matured-looking pa sa akin. Yung blockmate ko ngang lalaki, 15 lang daw siya, but he looks like a father already, seriously.
Thankful ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balbas sa chin, samantalang yung mga blockmates ko meron na sila. Yung isa nga eh nakita kong may happy trail na. Na-shock ako dun ng very very light. lols :-0