Saturday, September 19, 2015

Arjohn

     I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.

He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin?
Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.


More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.

Saturday, September 12, 2015

Ang Awkwaaaaarrrdddd!


     We've all experienced awkward moments in our lives. Some of it are just so unforgettable na kahit gusto mo na itong makalimutan ay di mo pa rin mabura-bura sa iyong isipan at magpahanggang ngayon ay matatawa ka pa rin pag ito'y iyong maaalala. Lalo na siguro kung recently lang naganap ang awkard moment na iyon, talagang mahirap i-forget. 'Yan mismo ang ikikwento ko sa inyo for today, tungkol sa aking mga ‪#‎AwkwardMoments‬ na kung sa inyo nangyari, malamang di niyo rin alam ang inyong gagawin.

Okay. Let's start off with Awkward Moment # 1. Isang tagpo na bibigyan ko ng pamagat na Bakit Mo Sinampal Ang Pisngi Ko? Heto ang istorya:

     2 weeks na ang nakakaraan. Sa aming PE class…

     “Today, magtuturo ako sa inyo ng sayaw. OK, stand up class. Tayo'y magwa-warm up muna”, wika ni professor.

Ayun, nag-warm up na kami. After that, gumawa kami ng walong linya para di magulo. Then, pumunta na kami sa aming kanya-kanyang mga pwesto. Nakatabi ko noon si crush (slight crush lang naman), itago natin siya sa pangalang Ramon. He's cute. Lalaking lalaki gumalaw. Medyo makulit. Pero di kami close, not even a little.

Anyway, nagsimula nang magturo ng choreography si ma'am. May mga patalon-talon na step. Mayroong pakembot-kembot. Meron din namang to-the-left-to-the-right. Medyo nakakahingal. Todo bigay daw dapat ang energy.
Di naiwasang maging hyper ng aking mga blockmates. Obviously, they are having fun. Meanwhile, itong si Ramon naging hyper na din. All out siya sa pagsayaw na parang bata. Pero di ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagsasayaw.

Bigla na lang akong natigilan when he suddenly slapped my butt. Yes, you read it right, he slapped my butt at malakas iyon. Naging question mark bigla ang facial expression ko. Tila nagtatanong ng "Why did you do that?"



Friday, September 4, 2015

Happy Blogsary!

     BER months na naman. Naririnig ko na naman ang ilang mga Christmas songs sa tv at radyo. Time flies so fast talaga. Yung feeling na June pa lang kamakailan tapos September na agad. Parang kahapon lang nung luminya ako para magpa-enrol tapos ngayon halos di ko namalayan na nangalahati na pala ako ng semester. One of the factors kung bakit di natin namamalayan ang paglipas ng oras ay dahil sa pagiging busy natin sa iba't ibang bagay. Ako nga ngayon ko lang na-realize na nag-anniversary na pala itong blog ko.
Obviously, belated na naman itong post ko. But I promise, ang susunod kong post ay latest chika na.


credits to the owner of the pic


     June ng last year nang nilikha ko ang blog na ito. Wala pa talaga sana akong balak na mag-blog nung mga panahong iyon dahil di pa ready yung mga stories ko at pati nga yung blog header & blog background ay hindi pa handa. Ang gusto ko lang that time eh ang mag-exist ang blog kong ito at saka na lang ako magba-blog ng bongga kapag na-prepare ko na ang lahat.
 June 27, 2014 ang date kung saan isinulat ko ang aking first post. Sinulat ko ang post na iyon para if ever na may mapadpad man na readers alam nilang nire-ready ko pa ang aking mga kwento. Di ko naman in-expect na may magco-comment pala agad-agad at sinabing excited na raw siyang mabasa ang aking susunod na mga chika. Dahil dun napilitan akong simulan karakaraka ang pagba-blogging dahil ayaw ko naman silang pag-antayin ng ilang months. Doon na nag-start ang pag-eksena ko sa blog world.

Na-inspire akong mag-blog dahil sa mga bloggers na dati ko nang nababasa. Napapasaya nila ako sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga sinulat tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Doon ko napagtanto na gusto ko rin magsulat. Everyone has their own story and I want to share mine to the world.

Iniisip ko dati, may tatangkilik kaya sa blog ko? May magbabasa kaya dito lalo na't bata pa ako, makaka-relate kaya sila sa'kin kahit na magkalayo ang aming mga edad? Iyan ang mga katanungan na iniisip ko dati. Ngayon, na-realize ko na di ko naman pala kailangang mag-isip ng sobra. Happy ako dahil meron naman akong mga nauto na readers at kasalukuyan silang nagbabasa ngayon, hehe biro lang.