Friday, October 30, 2015

May Kilala Akong Aswang

     Malapit na ang Halloween at uso na naman ang pagpapalabas ng mga nakakatakot na istorya sa telebisyon. Naisipan kong mag-share din sa inyo ng true-to-life kahindik-hindik na story that will surely scare you. And for sure, this terrifying story will creep up in your dreams and will give you nightmare tonight. Read on and be ready for goosebumps.


My chika for you is about sa isang matandang babae na nakatira dito mismo sa aming barangay na pinaniniwalaang aswang ng mga taga-rito. Matagal ng grapevine ito sa aming lugar at halos lahat ng mga taga-rito ay narinig na ang tungkol dito.



photo grabbed from www.oddityworld.net

Ang sinasabing aswang ay itago natin sa pangalang Aling Dolores (AL). Kayumanggi ang kulay niya. Mala-brown ang kulay ng kanyang buhok, may pagkakatulad sa kulay ng buhok ng mais. Payat ang kanyang pangangatawan. Matangos ang kanyang ilong, malalim ang kaniyang mga mata. Lubog ang hollow ng kanyang pisngi at humpak ang kanyang cheekbones. Edgy ang kanyang face, mataas ang kanyang brow ridge, at define ang jawline. Ang kanyang mukha ay katulad ng stereotype na hitsura ng mga mangkukulam at aswang na makikita sa pelikula. May resemblance siya sa matatandandang gypsies, old Turkish women, at kay Mrs. Ganush ng pelikulang Drag Me to Hell. (i-google mo na.)


Friday, October 23, 2015

Words of Wisdom mula kay Guidance Counselor

     Tapos na ang first semester. This week ay pagpapapirma na lang ng clearance ang sadya namin sa pagpunta sa school. Hindi siyempre mawawala sa listahan ng dapat hingian ng autograph ang guidance counselor (GC). Kahapon lang ng umaga nang pumunta ako sa office ng aming GC para magpa-sign. Solo flight aketch dahil yung mga blockmates ko ay tapos na, mga two days ago pa ata. Kaya naman mag-isa akong pumasok sa pintuan ng opisina. Napansin kong si madam guidance counselor lang ang taong naroon.

     “Good morning po ma'am. Magpapapirma po ako ng clearance.” magalang na sabi ko.

Umupo ako sa chair while waiting na matapos ang kaniyang paglalagda. Ngunit sa halip na pirmahan agad ay tiningnan niya muna ang aking papel at siya ay nagtanong sa akin.

     “Kumusta naman ******** ang pag-aaral mo this college?” tanong niya sa akin.

     “Okay naman po,” ang magalang kong sagot.




Nase-sense ko na may magaganap na one-on-one interview between us, siya ang host at ako ang guest. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan. Dapat pala sumabay na ako sa iba kung blockmates nung nagpapirma sila dito two days ago. Ang tanging pinagawa lang sa kanila noon ay ang i-recite ang Mission/Vision ng aming university; and I assume na hindi naman sila nilahat kasi madami sila. 

Saturday, October 10, 2015

I don't understand...

     A pleasant day to all of you my dear ka-chikas! If you can still recall on my previous post, punong-puno ito ng pighati, lungkot, at sakit. Pero ngayon, I'm glad to say that I am now already okay (actually 2 weeks ago pa). Maybe tama nga ang sinabi ng isa nating ka-chika na si Teh Edgar, infatuation lang aking naramdaman. And siguro din, the pain that I felt was not real (?). Sobrang stress lang ata ako sa school nung mga panahong iyon kaya siguro napa-emote ako ng todo 3 weeks ago. Right now, my feelings for him is not that intense as before. Crush ko pa naman siya pero hindi na OA levels. Hay naku, hindi ko maintindihan.

photo grabbed from: here

Speaking of hindi ko maintindihan, meron akong nae-encounter na mga salita sa internet na wala akong idea kung ano ba ang kahulugan ng mga ito. Ang mga salitang aking tinutukoy ay ang mga sumusunod:
•aryahin
•nilalantod
•inumang
•kinukupa