Personally, nangyari na sa'kin yung dapat sana naka-schedule na blog post ay na-publish ko nang wala sa oras. Automatic nag-appear ito sa Dashboard. (Sa mga readers na di nakakaalam, ang Dashboard ay katumbas ng Newsfeed sa Facebook.) So ang ginawa ko ay dali-dali kong ibinalik sa Draft ang post at aking ni-reschedule. Pero kainis lang dahil naga-appear pa rin ito sa Dashboard, may nakasulat pa ngang posted 20 minutes ago.
Malamang, pinindot ng aking mga followers ang link ng post sa pag-aakalang ito ay nage-exist pero what will happen is may lalabas na 404 URL NOT FOUND (something like that) which means ito ay temporarily unavailable or hindi nage-exist.
4 days pagkalipas nun, dumating na ang takdang panahon para i-publish ang ni-resched na post. Pagtingin ko sa Dashboard, walang changes. Ganun pa rin. Nasa Dashboard pa rin ito at may nakakalagay na posted 4 days ago (yun yung araw kung saan aksidente ko itong na-post). Hindi man lang ito umakyat para ma-inform ang followers na ito ay na-post na ulit. Ang masaklap, napatungan ito ng mga bagong posts ng ibang blogger kaya yung post ko ay napunta sa bottom. Akala tuloy ng mga followers, wala akong new post dahil yun ang nakalagay sa Dashboard.
Ang tanong ko ngayon, saan ba ang tanggapan ng Blogger para mapuntahan at makapagreklamo? charz! Ang tanong ko talaga is paano ba mag-send ng feedback sa kanila? Magbabakasakali lang na maiparating ko sa kanila ang aking hinaing. (it sounds so madrama. lol)
Sa mga hindi pa nakakabasa ng post na tinutukoy ko kanina, sana po ay basahin niyo 'yon 'pag may time. Ito ay may title na Santa Claus, wer na u? Ang post na 'yan ang may pinakakaunting views (kasalanan 'yan ng blogger.com) at nanghihinayang ako dun kaya naman ngayon pina-plug ko ulit sa inyo.
That post is about sa dati kong classmate na sa edad na 16 ay naniniwala pa rin na Santa Claus really exists. Pramis matatawa kayo sa kuwento kaya sana basahin niyo. You can also leave a comment if you want.
***
New topic.