Wednesday, December 23, 2015

AnonymousBeki is the Godfather




     Noong isang araw, a friend of mine came into my house. May dala siyang papel at ballpen. Mukhang importanteng dokumento. Nagtaka ako.

Iniabot niya sa'kin yung papel at ballpen. Then sinabi niya ang kanyang pakay. Kailangan ko na daw pirmahan ang papers sa pagpapatunay na tinatanggap ko na ang pagiging ninong ng kaniyang anak.




Sunday, December 20, 2015

Devastated


     Kamustasa na kayo mga ka-chika? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hahabaan ko na lang itong post na 'to para sulit ang inyong paghihintay.

I hope na nasa okay kayong situation right now despite the typhoon na dumaan kelan lang. Don't worry about me dahil ako'y keribells naman. Hindi naman masyadong na-devastate ang aming lugar dahil apparently nadaan sa mga dasal. Thank you Lord. Thank you thank you for the love!

Happy din ako dahil mabilis na naibalik ang kuryente dito sa province especially sa aking siyudad. Ngayon ay kumikislap-kislap na naman ang mga Christmas lights. Nakatayo na naman ang mga Christmas Tree sa mga kabahayan na simbolo ng aming pagbangon mula sa naranasang bagyo. Simbolo din ito na life goes on. Tuloy na tuloy pa rin ang pag-celebrate ng Pasko. Balik na naman sa dati ang pamumuhay ng mga taga-rito.

Feel na feel ko na talaga ang Yuletide season. Damang-dama ko na rin ang masayang vibe sa atmosphere dala ng Kapaskuhan. Tiningnan ko ang kalendaryo. 5 days na lang pala at Pasko na. Time flies so fast talaga.


Saturday, December 5, 2015

Karagumoy

     December na! Damang-dama na talaga ang Kapaskuhan. Pinailawan na ang mga makikislap na Christmas lights sa mga tahanan. Nagniningning na rin ang mga higanteng Christmas Tree sa iba't-ibang panig ng bansa. Karamihan dito ay na-feature na sa tv. Hayaan niyong i-feature ko din dito sa aking blog ang pinagmamalaking Christmas Tree ng aking probinsya, Albay.


Karangahan Albay Green Christmas Tree 2015
ShantiSerrano
Photo grabbed from Governor Joey Sarte Salceda's Facebook Account
Photo grabbed from Governor Joey Sarte Salceda's Facebook Account
Updated on ThursdayTaken at Province Of Albay
[marlo-PEO]

Ang piktyur sa itaas ay ang bonggang 36 feet na Christmas Tree sa aming lugar na yari sa karagumoy. In case you are asking, ang karagumoy ay ang materyales na ginagamit sa paggawa ng banig. Pero huh don't get confused. Iba ang karagumoy sa buri. Pasensya na at hindi ko alam kung ano ang translation niyan sa Tagalog.