Sunday, February 14, 2016

Mr. Worth It

     Ano ba ang qualities na hinahanap mo sa isang taong pag-aalayan mo ng iyong puso? Well ako, I created a long list ng mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Heto ang mga iyon:



Hindi Boring→ Obvious naman na gusto ko yung mga taong nakakatuwang kausap. Ayoko ng boring. I am not really attracted sa mga boys na to the ninth level ang pagka-serious sa buhay and to those who don't even know how to make things a bit lighter paminsan-minsan. Well, hindi naman ako naghahanap ng joker or comedian-type na otoko. Basta ang gusto ko lang is someone na marunong tumawa, hindi yung mapagkakamalan mong comatose dahil wala man lang response. I think everyone will agree if I say na lahat naman tayo ay gusto ng taong masarap kasama.


•Matalino→ Sapiosexual ako mga teh. Major turn off sa'kin ang lalaking shunga (sorry for the word) kahit na gaano pa 'yan ka-gwapo. Di ko din gusto ang lalaking shallow (who does?).
Ang type kong lalaki ay average and up ang intelligence. Pero huh, ayaw ko naman sa taong 140 ang IQ levels, over naman ata yun. Baka naman imbes na magchikahan kami about love thingies eh quantum physics lang ang i-discuss niya sa akin. Jusme di ko yun kayang tapatan!
Gusto ko yung sakto lang ang intelligence. Ang gusto ko lang naman ay yung taong malalim mag-isip sa mga bagay-bagay at yung naturuang magsalita ng may sense.


•Matigas gumalaw→ Sobrang bet ko talaga yung mga ganitong tipo. Feeling ko kasi maa-accentuate namin ang personality ng isa't isa. Isang feminine at isang masculine. Just like the colors black and white. Black makes the color white appear whiter and vice versa.
Hindi naman sa ayaw ko ng less masculine guys. It's just that naisip ko lang na yung pagiging feminine ibalato na sa'kin yun, at yung pagiging masculine naman sa kanya na.


•Transparent→ I admire men who are not afraid to show their real emotions, and those who are not afraid to cry. Medyo naa-artehan ako sa mga lalaking ayaw umiyak. For me kasi it's a clear sign ng karuwagan. Karuwagan because they do not have the courage to express their true feelings. Inis din ako sa mga may motto ng "Ang lalaki hindi umiiyak". Kalokohan! Crying is never a crime. When you are sad, you cry. When you are happy, you smile. Smiling and crying has no difference. It makes us human.
I like a man who has a soft spot in his heart, a guy who is tough on the outside, but soft on the inside. For me that makes him way hotter and sexier.


     Ang mga nabanggit ko sa itaas ay ang mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Pero ha minor qualities pa lang yan. Heto sa ibaba ang mga (major) pinakahinahanap ko talaga sa isang guy:


•Responsible→ Sobrang naga-admire ako sa mga lalaking responsable at very hardworking. It has something to do din kasi with maturity, which I am also looking for a man.


•Mapagmahal→ A loving guy with a big heart is a guy who I find lovable. Gusto ko yung "family man" kung tawagin. 


•Acceptance→ Numero unong qualification siyempre ito for me. I will only give my precious heart to a man who will accept me for what I am regardless of my gender. Falling in love with a homophobic is a BIG NO! Major turn off sa'kin 'yan.


•Protective→ Ang gusto kong lalaki ay yung protective in all aspects. I want a man who is like a knight in shining armor who will slay a hundred dragons just to save the damsel in distress. Gusto ko yung mafi-feel kong safe ako 'pag kasama ko siya at mararamdaman kong no one can harm me as long as I am with him. Bet ko yung ipagtatanggol ako hanggang patayan. That type of a man that will catch a bullet for me. That guy na parang tatay o kuya kung mangprotekta.

Obviously alam niyo na ang psychological reason behind this. If you can still remember, na-discuss ko na sa aking previous post (click here) na naghahanap ako ng brother figure.

Mai-share ko lang. I was verbally bullied when I was in high school. Walang nagtanggol sa'kin sa skul noon. Alam ko yung feeling ng mag-isa at walang karamay. Kaya naman ngayon, gusto ko naman maranasan ang pakiramdam na may kakampi. 



•Apologetic→ We all know na very low ang possibility na ma-in love din sa akin ang lalaking mamahalin ko. It is (almost) improbable for a straight man to love a gay man like me. Kung sakali mang hindi dumating sa'kin ang panahon na mahalin niya rin ako, kahit “pasensya” man lang ang marinig ko mula sa kanya oks na sa'kin yun. Pampalubag-loob kumbaga. Kahit sa ganoong paraan man lang ay malaman ko na he cares for me even just a little.

So, that's it.


I assume most of you think na napaka-choosy ko. Yes, choosy talaga ako and I have the right to be. Ang mantra ko kasi in life ay Don't settle for less. Wait for the best, because you deserve it.

We all know naman na someday I will fall in love and at the same time I will experience heartaches no matter what. That is inevitable. Kaya kung magmamahal ako ay doon na sa lalaking tama (Mr. Right) at sa karapat-dapat na alayan ng pagmamahal (Mr. Worth It).

I asked God for signs para malaman ko kung sino ba ang karapat-dapat kong mahalin. Sa ngayon, hindi ko pa siya nakikita. Saka ko na lang sa inyo ichi-chika ang mga signs na iyon 'pag natagpuan ko na siya, okey?

Sana mahanap ko na si The One para naman mahaba-haba ang aming mapagsamahan. 'Wag naman sanang magtagpo kami kung kelan mag-aasawa na siya. 




Dear Mr. Worth It,

     I've been waiting for the other half of my soul, the special someone that will fill the empty space in my heart, that is you. I've been missing you so bad. I can strongly feel your energy. I've been longing for you all these years. As weird as it may sound, I already love you even we haven't met yet. I can't wait to see you. Please come into my life soon.

Waiting for you,   
 AnonymousBeki

14 comments:

  1. Naks may listahan ka talaga :)

    Minsan naisip ko lang, if all of us will be very idealistic sa mga taong nais nating mahalin, baka dumating yung araw na wala na talagang taong magmamahal dahil di na natin naa-appreciate ang totoong characteristics ng mga taong nasa paligid natin. As we all know, wala naman talagang individual na napaka-ideal.

    Wala lang. Pa-deep lang ako hahaha.
    Happy V day AB!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point ka. Wala naman talagang mahahanap na taong perfect o kaya'y taong nasa kanya na ang lahat. Besides kapag dumating na si The One eh hindi ko na din naman machi-check isa-isa yung mga required qualities dahil sa sasabihin na (sobconsciously) ng puso ko na siya na nga, agad agad.

      Delete
    2. Belated Happy Valentines din pala sa'yo. Ginaya lang din kita. Pa-deep lang :D

      Delete
  2. where can we find naman our Mister RIght? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko rin alam eh. Si God lang ang nakakaalam. Basta ako hinihintay ko lang ang pagdating niya at alam kong darating siya in God's time.

      Delete
    2. I need one right now nga :) Hope to see post again soon naman sis

      Delete
  3. Pwede pong pa-copy and paste? Pak na pak eh! Idagdag ko lang saking list na dapat Straight sya. Hahahahaha :)

    ReplyDelete
  4. ha ha very ideal but I guess walang Mr. Perfect o Mr Right para sakin ... it all depends if you're going to be Miss Perfect or Ms. Right and vice versa ha ha ha : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Point well taken. Kung sabagay meron tayong kanya-kanyang definition ng Mr. Right.

      Tulad ng Horoscope, gabay lamang ang mga 'yan para magpaalala sa akin kung ano ba ang nais ng puso ko.
      I know that it is hard to find a guy who possesses all the abovementioned qualities. Kung hindi man ako makahanap ng ganoong klaseng lalaki, gusto ko at least nasa kanya ang top 3 qualities na ito:
      1) Protective
      2) acceptance→ dapat gay-friendly.
      3) Will treat me the right way. Will treat me the way I wanted to be treated.

      Delete
  5. Hindi na masama. Basta ako, tanggap ko ang lahat sa kanya as long as ako lang ang mahal niya at tiwala kami sa isa't isa. Lovelots!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bongga ka naman kuya Jay. Wala kang hinahanap na qualifications sa taong maga-apply sa puso mo.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺