Thursday, February 11, 2016

Love From A Man

     Wala akong kuya. Gusto kong magkakuya. Inggit ako sa mga may kuya. Ako ang panganay sa aming magkakapatid kaya technically ako ang kuya (ew).



Sabi nila sweet daw ang mga kuya, maalaga, mapagmahal at higit sa lahat protective sa kanilang younger siblings. Di ko 'yan na-experience kasi nga wala ako niyan as I have said kanina.

I grew up na mas madami ang babaeng kasalamuha ko kesa lalaki. Mas naging ka-close ko ang aking dalawang shupatid na merlat. Puro babae din ang naging kalaro ko noon dahil puro babae ang kapitbahay namin. Meron namang mga batang lalaki noon pero most of them ay medyo distant ang bahay sa amin (kaya di ko nakalaro) tsaka di ko rin kasi ma-take ang kakulitan nila at di ko masakyan ang kanilang mga trip.

Right now, I sort of feel a lack of love from men. I don't know if I am just being 'mapaghanap' pero parang nakukulangan ako (slight lang) sa sweetness mula sa aking father and brother. Pero huh, wala akong problema sa kanila dahil pareho silang super bait. In fact they never made me feel na hindi nila ako tanggap (kahit di nila sabihin) and they never got angry with me just because of my sexuality. Kung kabaitan lang ang pag-uusapan, perfect 10 ang score nila sa'kin. Ngunit, sweetness lang talaga yung hinahanap ko.
Sige na oo na. Mapaghanap nga talaga siguro at OA lang ako for me to feel this way.

     Meron akong younger brother, turning 18 na siya ngayon. Lumaki kasi siya sa poder nina uncle and auntie since he was just 4 years old. Doon na siya tumira since then. Approximately 30 kilometers ang kanyang tirahan (with uncle and auntie) mula sa aming tahanan (his real family). Umuuwi lang siya dito sa amin every Christmas at summer vacation. Ngayon since may pasok ay andun pa rin siya kina tito at tita umuuwi dahil dun siya nag-aaral. Ang ganoong set up ang isa siguro sa mga reasons kung bakit hindi ako naging gaanong malapit sa kanya.

Hindi ko masabi kung close ba kami ng kapatid ko dahil nag-uusap naman kami at nagkukwentuhan about movies, technology, gadgets and other stuffs pero we never talk about personal things. Besides, di siya masyadong nag-oopen up sa akin at sa iba pa naming kapatid about his feelings kundi kay mama lang. Minsan nga tahimik lamang siya.


Yung father ko naman, ganoon din. Nag-uusap din naman kami pero hindi namin napag-uusapan ang mga bagay tulad ng about sa crushes, at pati na nga rin tungkol sa aking likes and dislikes.

Dahil sa mga ganoong sitwasyon, may mga pagkakataon na I am having a dream or fantasy of having a kuya. Naiisip ko kung ano kaya ang feeling ng magkaroon ng kapatid na sweet, and overprotective. Isa din kasi yun sa mga hinahanap ko. I envy those people na may super protective na brother. Gusto ko yung mga tipong bubugbugin ang sinumang mang-api sa akin. Yung ipagtatanggol at ireresbak ako sa mga taong gagaguhin ako. Feeling superhero lang ang peg. Yung always to the rescue ang drama. I think that would be so much fun.



I sincerely hope that someday makahanap ako ng ganoong klaseng mga kaibigan that would be protective over me in all kinds of situation. And sana, ganon din si Mr Right. 

13 comments:

  1. "kuya wag po. wag po kuya"

    hahaha
    naalala ko lang sa isang comedy movie.

    nyways, we grew up almost likely the same when it comes to childhood company.
    lumaki din ako na halos puro magagandang babae ang kasama sa bahay.
    kaya siguro lumaki din akong maganda. charot!

    dalawa lang kaming ng sister ko. i'm the youngest.
    aside from her, puro female couzins na ang natatandaan ko na kasama namin nuon sa bahay.
    wala akong exposure sa brotherhood not even fatherhood dahil lumaki din akong wala na si papa (rip).

    kaya din siguro ang type ko or minsan pag naghahanap ako ng partner, mas inclined ako sa mas older sakin. like wayyyy older.
    mga 60 years old ganyan. chos!
    dahil yun din ang longing ko. yung brother or father figure.

    i know the feeling bessy :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. We have so much in common talaga bessy! Relate much ako sa mga kinikwento mo.

      Delete
  2. I agree with CHRISTIAN, father or brother figure ang hanap mo.

    Well, nabanggit ang sweetness. Ganyan ako sa kapatid kong kinagigiliwan kong tawaging 'kuya' kasi siya ang bunso na mas (medyo) matangkad sa akin. Masasabi ko ngang parang natamaan mo nga ang katangian naming dalawa ni kuya (bunsong kapatid) kasi masyado kaming overprotective sa isa't isa at open sa lahat ng bagay like who's our first sex (ako meron, siya WALA!) and we really care each other lalo na kapag dumadating sa bahay galing school (nagbibigayan ng inumin kapag napagod o damit 'pag pawis).

    Ang ayaw ko minsan na gusto ko e makikipagharutan muna si kuya sa akin bago matulog. Masasabi kong we're very close and sweet na walang ibang tao ang makakasira.

    Ang pareho lang sa amin e hindi na namin ganoon ka-close si daddy kasi sa Mindanao siya naka-assign bilang sundalo. No time for conversation and bonding but it's okay.

    I feel you, kahit hindi ko pa nararamdaman ang nararamdaman mo for now.

    ReplyDelete
    Replies
    1. For me, "kuya figure" has nothing to do with age. I have this belief na I can find "kuya figure" with anyone kahit sa guy pa 'yan na younger than me. Basta may presence of care, I consider it as such, para sa'kin.

      Ang sweet niyo namang magkapatid. Kainggit much. Masasabi kong larawan kayo ng perfect example ng mabuting magkapatid, sort of like best friends. Pwede po bang maging kapatid ko kayo, ha kuya Jay? hehe

      Since na naikwento mo na din naman ang tungkol sa inyong magkapatid, nais ko sanang mag-request Pwede po bang gumawa ka ng post about sa inyong dalawa that will discuss about your most memorable memories together and other chika? Wala lang. Gusto ko lang mainggit (lols). I would love to read that.
      ‪#‎requestlangnaman‬

      Delete
    2. Kuya Jay? Sure! :D Bakit hindi?
      From now, you can call me Kuya Jay kung gusto mo *_^
      And for that, oo nga ano. Sige nga, susubukan ko kapag nagkaroon ako ng oras. Malakas ka sa akin eh

      Delete
  3. Im grateful I grew up with kuyas and an ate. And yes, it feels good to be protected and safe and have someone to the rescue and sumbungan and most of the time kunsitidor :P

    Most of all, it's best to have a family and good friends around pero it would also be nice to have somebody as Mr. Right <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kainggit much ka naman. Buti ka pa. PAhingi namang isa. chos.

      Gusto ko yung sinabi mo sa last part. Bonus na siyempre si Mr. Right.

      Delete
  4. I sort of feel the same way.. Maybe we really do need a father or older brother figure earlier in our lives :) In my case however sometimes Cheng treats me like his younger brother.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At least you have finally found your Mr. Right na magpapa-feel sa'yo ng love that you were longing for.

      Delete
  5. Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay at pareho pang lalaki
    ( nga ba ako ha ha ha ? ) ... so ako ang Kuya kuyahan sa house ... but in terms of maturity , medyo mas mature mag-isip at sa disposisyon ang younger brother ko than me ... mas madami rin siyang achievements kesa sakin admittedly he he he ... siguro ay dahil sa pagpapalaki sa kaniya na mas favorite nila mother and father kaya lahat ng favors ay napunta sa kaniya ...but I am not bitter and I love my brother so much kahit madalas kaming pinagkukumpara he he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo ganyan din kami ni lil bro. Mas mature siya sa'kin mag-isip (and more responsible). PArang siya nga ang kuya when it comes to maturity.

      Delete
  6. Wala rin akong kuya hahaha.
    Kaya yung mga ate ko dati ang umaaway sa mga nambu-bully sa akin lols.

    Minsan, naisip ko rin what if nabuhay yung kuya ko (kasi namatay sya pagkapanganak) eh di sana ang lakas namin rumesbak sa mga kaaway hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same din tayo. Meron din sana akong older sibling kaya lang nalaglag siya nung 5 months old fetus pa lang siya. It's too early kaya yung gender niya eh hindi namin na-determine.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺