Tuesday, November 18, 2014

Traydor si Friend (Part 2)

Mejo nabo-bored ako ngayong araw na ‘to. Makapag-sound trip nga.

♪♪ Sa t*ti mo jump out my bed…♪♪

Ay! Sorii! Mali pala ang leyriks ko! Kasi naman 'tong Magic, hindi malinaw ang pagkakakanta ng intro ng Rude. Honestly, ganyan ang pagkakaintindi ko nung first time ko 'yang narinig. Buti na lang di ako sumali sa Singing Bee dahil kung ginawa ko yun maliban sa maaga akong mae-eliminate eh baka ma-MTRCB ako. ahahahaha

Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Parang ang layo sa title ng post ah. Pagpasensiyahan niyo na ako mga kapanalig, sadyang malikot lang talaga ang imahinasyon ng inyong lingkod.
O siya, punta na tayo sa main topic ng araw na 'to. Narito na po ang Part 2 ng “Traydor si Friend”. Kung hindi niyo pa nababasa yung Part 1 i-click niyo lang ito.

------------------------------------

PART 2

Pagpapatuloy…


As the days passed into weeks, non-stop pa rin ang palihim na pagchi-chismisan ng mga girl classmates ko tungkol sa akin. Alam ko din na ilan sa mga boys ang may alam na sa sikreto ko, dahil nararamdaman ko. Buti nalang at hindi nila ito ipinagsisigawan sa iba pa naming kaklase dahil pag nagkataon eh matinding pang-aasar ang aabutin ko sa kanila.

Pati pala si Rick alam na ang tungkol dito. Jeske nakakaloka! Anong gagawin ko? Sa katunayan, si Rick pala ang isa sa mga naunang pinagkwentuhan ni Ina about sa lihim ko. Isiniwalat niya kay Rick ang pagkakaroon ko ng lihim na pagtingin dito at ang nakamaskara kong sekswalidad. But wait, there's more! Inilahad niya pa dito ang tungkol sa childhood ko at kung ano-ano pang mga maliliit na detalye. Bwishit, nag-effort talaga ang bruha na siraan ako kay Rick pati na rin sa iba kong kaklase. Marahil ay ikinwento niya rin dito ang aking talambuhay, binudburan niya ng negatives ngunit inalis ang positives, hindi ko rin alam baka sinahugan niya pa ito ng imbento. Dahil sa paninirang-puring iyon ay bumaba ang tingin nila sa akin. Fuchsia!

Sa kabila ng mga nangyari ay nanatili pa rin akong paminta. Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit nangyari sa'kin 'to. Ako'y isang simple at mahiyaing estudyante lang na naghahangad lamang ng katahimikan. Is that too much?

Simula nun ay pansin kong nagbago ang tingin sa akin ni Rick. Ang kanyang mga tingin ay puno ng pangungutya at may kahalong pangmamaliit. Halatang ayaw niya sa akin na makipagkaibigan. Kahit di niya sabihin ay ramdam ko ang kanyang panghuhusga na para bang kilala niya na 'ko ng buong-buo. Wala siyang bait sa sarili dahil naniniwala siya sa mga sabi-sabi. Hindi niya man lang ako kinilala ng personal.

Na-imbyerna ako kay Ina, sobra. Ang sarap niyang ipakulam. CHOS! Ayokong gawin, bad yun.

Puspusan pa rin ang isinasagawang paglalandi ni Ina kay Rick. Di nagtagal ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaaasam-asam. Naging mag-syota sila. Ouch! Huhubels. Eng seket nemen! Mga syota sila!
Pero di naman nagtagal ang kanilang relasyon, nag-break din sila agad.
Isang beses, narinig ko ang pag-uusap ni Rick at ng kanyang mga barkada. Ang sabi ni Rick pinatulan niya lang daw si Ina dahil ito daw ang lapit ng lapit sa kanya. Bwahahaha! Ang cheap naman kasi ni nyetang Ina na yan. Aspiring fokfok amp*ta.

Pinakakinaiinisan ko kay Ina ay ang pagiging insensitive niya. Hindi man lang siya nag-sorry sa akin. Wala siyang pakialam kahit makasakit siya ng feelings ng iba basta ang mahalaga sa kanya ay makamit ang kanyang gusto. She's so manhid to the ninth level! Kahit siguro magpatikalkal  ako e deadma lang ang nyuta. Bakit kaya siya ganon? Siguro nung bata pa siya anaesthesia ang pinalagok/pinadede sa kanya. Aba matende!

Hindi ko akalain na kaya niya palang gawin iyon. Akala ko kilala ko na siya pero nagkamali ako.

Hindi ko siya kinompronta dahil alam kong wala naman akong mapapala. Insensitive nga diba. Higit sa lahat, I don't wanna waste my precious time just for a stupid girl like her.

Haynaku, hobby na talaga ng hitad na yan ang manira ng buhay. Premyado na siya sa kontrabida role na iyan. Maging si Charee na aming common friend ay nakaranas din ng pangtatraydor mula sa kanya. Charee is just a simple girl, mahiyain at meron din siyang katago-tagong lihim na pagtingin sa isang ombre. Ibinuyangyang ni Ina ang sikreto nito at nalaman tuloy ng madlang people. Ang saklap naman ng sinapit niya.
Foot rag talaga si Ina. Ang sarap lamusakin ng feslak! Ang sarap din ipabarang. Chos ulet!!

image from www.sarahscoop.com

Wichelz ko na siyang pagtitiwalaan, never ever! I've had enough, tama na. Bahala na ang karma sa kanya. Tongue in a lungs.
Ang mga ganyang babae ay walang karapatang magka-lovelife, selfish eh.


Sa ngayon, deadma na akesh sa kanila. Ang muhi sa post na ito ay ang muhi na naramdaman ko 3 years ago pa. Shempre nag-move on na akiz dahil di magandang magtanim ng poot sa fuso. Di naman pwedeng forever na lang akong sawimpalad. Duh? Baka yan pa ang makasira ng byuri ko noh! CHOS!

O siya hanggang dito nalang ang kwento ko. Salamat sa inyong matiyagang pagbabasa!


~WAKAS

3 comments:

  1. ha ha natawa ako sa tongue in a lungs ... chillax lang girl : )

    ReplyDelete
  2. oo naman po, chillax lang me. what you have read was just pagbabalik-tanaw. bet ko lang sainyo i-share yung story and how did I felt before.

    ReplyDelete
  3. Ah okay . So Past Tense na pala 'yan he he he : ) ... promoter ba ako ng movie ?

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺