Tuesday, January 20, 2015

Churvahan sa Ere

Noong nakaraang linggo

Malalim na ang gabi at bet ko nang bumorlog. Papahiga na ako nun sa aking higaan nang makarinig ako ng mahinang tunog na nagmumula sa kung saan.

Pagkahiga ko ay dun ko na nakita ang dalawang butiki sa kisame na naghahabulan.

Siyempre noong una ay deadma lang ang lola niyo, pero nagimbal din ako eventually nang magsimula na silang magchurvahan. Aba aba! Dito pa talaga sa may tapat ko naglalandian. Mga walanghiya.

photo from: image.shutterstock.com



NKKLK! Iba-ibang powsisyon ang eksena ng mga hayuf. Para akong nanonood ng nyorn pero Animal Planet Edition. Ganun pala sila magchurvahan, yung isa ay nasa kisame while the other one is nakalambitin in the air. May mga acrobatic stunts pang nalalaman. Muntik ko na silang mapagkamalang cirque du soleil. lol

Siyempre hindi ako nag-enjoy sa aking nasaksihan. Karumal-dumal kaya. Pero mas naloka si bakla sa ending.

Parehong nalaglag ang dalawa at muntik pa akong mahulugan. Jusme! Buti na lang napabalikwas akiz nang nasa timing. Agad kong pinalayas ang dalawang nilalang na nang-istorbo sa aking byuri rest!

8 comments:

  1. ha ha kalokah pati mga walang malay na butiki ay napagtripan mo beki he he he ... in fairness magaling silang mag-do he he he

    ReplyDelete
  2. @ Edgar Portalan: Wala sana akong balak na pansinin sila kaya lang wit ko mapigilan kasi takot din ako na baka ako mahulugan kaya todo tutok ako nun. Oo nga, ang galing nila. Very talented creatures. char! ahahaha

    ReplyDelete
  3. una sa lahat, bravo sa meekchure! hontoroy with a hint of bongga! shetty buti pa yang mga hayop na yan may ganap! samantala ako nganga. nyeta.

    ReplyDelete
  4. @ nyabach0i: Haha. Ang lakas maka-emo/hugot quotes sa facebook ang sinabi mo.

    “buti pa yang mga hayop na yan may ganap! samantala ako nganga. nyeta”. (with matching sad face sa dulo) lol

    Salamat sa pagtambay. :)

    ReplyDelete
  5. Ahahaha! Mag butiki-watching na lang ak9 nang may matutunan ako sa sex. Hahaha!

    ReplyDelete
  6. Oh my gosh! Nakakaloka ang eksena mo, atey! Buti na butiki, wag lang ipis! Haha

    ReplyDelete
  7. @ citybuoy: ako din. witchikels ko bet majulugan ng ipis. shokot ako dun with matching pandidiri. Lol

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺