Monday, March 30, 2015

Libing

Hello mga ka-chika. Kamusta kayo? Ako heto ok naman. Dalawang linggo din akong di nakapag-blog at pasensya na kung wala akong magandang rason kung bakit mashogal akong nawala.
Anyhow, ano nga pala ang balak niyo this Holy Week? Ako stay lang sa house. Nung isang linggo, ano ang ganap niyo? Heto ang sa akin:

Last week, kasama ko ang aking family na pumunta sa libing ng aking lola. Pagkarating namin doon ay nakita kong ang daming utaw. Nakita ko dun ang aking mga uncles, aunties at mga cousins na medyo matagal ko na ring hindi nasilayan sa loob ng maraming taon.

Nakaburol ang labi ng aking lola sa tahanan ng aking tiyahin. Pumasok ako. Dumungaw ako sa kabaong. Nakita ko ang bangkay ni lola. Medyo na-miss ko siya. Medyo nalungkot ako ngunit may parte sa akin ang nagsasabing tanggap ko na ang nangyari. Siya yung naikwento ko sa inyo sa isang post ko noong Pebrero [click here]. Ilang linggo din siyang nakaratay sa higaan. Dalawang linggo na ang nakakaraan at dumating na ang takdang araw— siya ay pumanaw na. Lagpas otchenta na si lola. May edad na kaya't marahil hindi na nakapagtataka kung bakit di na siya naka-survive sa kanyang karamdaman. Expected na din namin na ganito ang mangyayari pero siyempre may konting lungkot pa rin kaming nararamdaman.

Sunday, March 15, 2015

Yehey!

image from community.dipolog.com

Magandang araw mga ka-chika! Sobra ang saya ko nung nalaman ko na pumasa ako sa kursong in-apply-an ko sa kolehiyo. Abot-langit ang aking galak. Pero bago ko nalaman ang resulta ay sobrang kabog muna ng dibdib ang aking naranasan. Mas matindi pa sa kaba na nararamdaman ko sa tuwing nanonood ako ng Miss U pageant.

Pero ngayon, ang nerbyos ay nasapawan na ng tuwa at ligaya. Pero di pa rin siyempre maaalis sa akin ang kaba dahil alam naman natin na bagong mundo na ang aking papasukan sa Hunyo. Idagdag pa diyan ang medyo challenging na course na aking napili which is BS Information Technology.

Sunday, March 1, 2015

"Init" sa Tindahan ng DVD

Magti-three years na ang nakalipas pero natatawa pa rin ako kapag naalala ko ang eksenang ito. Samahan niyo ako na balikan ang alaala mula sa aking dalaginding days.

***

Almost 3 years agoBuwan ng Abril

Bandang alas singko na ng hapon. Palubog na ang haring araw. Kulay kahel na ang kalangitan. Ako'y sakay ng jeep pauwi galing sa eskuwelahan. 3rd year high school ako nung panahong iyon, kinse anyos.

Bumaba na ako ng jeep. Pagkatapos bumaba ay kailangan ko pang sumakay ng tricycle para tuluyang makauwi. Nakita ko na ang paradahan. Ngunit imbes na umuwi na ay mas pinili ko ang tumingin-tingin muna sa baratilyo. Malapit na kasi ang Festival sa aming probinsya kaya naman sa lungsod ay makikita na ang mga itinayong ukay-ukay, mga tindahan ng DVD, at kung ano-ano pang mga tinda na mura lang ang presyo.

Para akong nagwi-window shopping pero hindi sa mall. Favorite part ko sa lahat ay ang tindahan ng DVD. Gustong-gusto ko ang tumingin sa mga paninda dahil may mga bagong pelikula akong nalalaman. Kung minsan paghahalungkat ang eksena ko. Bet kong kalkalin yung mga DVD na animated katulad ng Shrek, Toy Story, Up, Despicable Me, and the likes (forever young at heart kasi ang lola niyo).

Ngunit ang forever young at heart ay nabahiran sa oras ding iyon. Natuon ang aking pansin sa DVD na nakasabit sa dingding, sa pinakadulong sulok ng tindahan. Pang-adult yun, at hindi lang basta pang-adult kundi gay themed pa. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit medyo malayo ang pwesto ko ay parang luminaw bigla ang aking paningin at sinipat kong mabuti ang nasabing paninda. Dalawang nakajubad na otoko ang nasa larawan, mga gwafu, macho, at talaga namang "complete package"! Ininitan ako bigla, so to speak. Nakaka-LV talaga mga teh. As in "le vogue" (what a word!).