image from community.dipolog.com |
Magandang araw mga ka-chika! Sobra ang saya ko nung nalaman ko na pumasa ako sa kursong in-apply-an ko sa kolehiyo. Abot-langit ang aking galak. Pero bago ko nalaman ang resulta ay sobrang kabog muna ng dibdib ang aking naranasan. Mas matindi pa sa kaba na nararamdaman ko sa tuwing nanonood ako ng Miss U pageant.
Pero ngayon, ang nerbyos ay nasapawan na ng tuwa at ligaya. Pero di pa rin siyempre maaalis sa akin ang kaba dahil alam naman natin na bagong mundo na ang aking papasukan sa Hunyo. Idagdag pa diyan ang medyo challenging na course na aking napili which is BS Information Technology.
Ngunit pinakakinakabahan ako ng todo sa subject na Math/Algebra. Kakayanin ko kaya ito? Mahina pa naman ako sa asignaturang 'yan. Batid mo ba yung pakiramdam na kahit mataman mong pinakikinggan ang tinatalakay ng iyong guro sa Sipnayan ay para bang hindi ito maarok ng iyong isipan dahil hindi talaga ito ang iyong kagalingan (ang lalim!)
Mathematics makes my head feel like it is going to explode and I'm just worried that my brain would splatter all over the floor (ang arte! char). Pero sana talaga makaya ko 'to.
Anyway, napaisip lang ako. Bukod sa akin, may mag-enrol kayang beki sa napili kong course? May magiging classmate kaya akong beki? Sana meron para naman may mag-support sa akin 'pag nag-out na ako this college. Pero sa tingin ko medyo maliit ang chance kasi sa pagkakaalam ko sa course na AB English karamihan na natitipon ang mga baklut. Pero I'm still hoping na magka-beki classmate pa rin ako para naman hindi lang ako ang nag-iisang maganda sa aming block. CHOS LANG!!
***
Note: Ie-edit ko ang post na ito next time. Baka kasi may makabasang kakilala ko, baka mabuko kung sino talaga ako. Sa mga magco-comment, pls wag niyo pong babanggitin sa comment box ang course ko. Parang awa niyo na oh. Tenkyu!
Wow congrats naman Beki at welcome back sa blogging .... na miss kita he he he
ReplyDeleteAt may disclaimer ka pa talaga huh sige di ka namin ibubuking he he he
I miss you too teh beks. *hug*
DeleteNung highschool ako nagpahayag na ko ng war against Math lolz
ReplyDeleteCongtrachumaleyshen
Hahaha. Sino ba ang nagwagi sa labanan?
DeleteNung highschool ako nagpahayag na ko ng war against Math lolz
ReplyDeleteCongtrachumaleyshen
Lols
Deleteay college ka pa lang pala.. haha congrats. naalala ko ang panahon ko nang nakapasa ako ng B.S. Mechanical Engineering para lang makasama ang matitipuno at poging mga M.E boys sa mapua hahahaha O diba lalaki agad ang punterya ko hehe.. wag mo alalahanin ang algebra ng IT. madali lang yan kumpara sa mga mga major subjects niyo. keri mo yan. ;) *wink*kindat*chupa*
ReplyDeleteThank you. *mwah*
DeleteP.S. Kaloka naman ang last word mo haha.
Juice ko! Lilet ka pa lang pala, sizzums! Manalig ka, maraming brainy na badaf at panigurado may magiging prendsyip ka jan! Enjoy your college life teh! Wag puro landi ah, aral din ng mabuti. - ate nyora
ReplyDeleteTenk you ate nyora for your support and for your paalala as well. *flying kiss*
DeleteTiyaga lang at kaya mo 'yan! Enjoy your college years. Isa 'yan sa pinakapaborito kong chapter sa buhay hehehe
ReplyDeleteMaraming maraming salamat sa'yo Bb. Melanie. Ang iyong mga sinabi ay nakakatulong sa akin upang mas madagdagan ang aking kumpyansa sa sarili :)
Delete