Tuesday, July 1, 2014

Tungkol sa Akin

•Name: Secret! (Itago niyo na lang ako sa pangalang AnonymousBeki)
•Age: 18
•Birthday: secret din (pero dito sa blogworld June 27 na lang, kasabay ng anniversary nito para isahan na lang devah)
•Im a highschool graduate and kasalukuyang nag-stop dahil sa financial problem. Pero next year ay sureness na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko.

Bago ko ipagpatuloy ang chika about my life ay ikikwento ko muna sa inyo kung paano ako naging interested sa pagba-blog.



Na-inspire kasi ako sa ibang mga bloggers (beki bloggers to be specific) na nagsusulat ng mga nakakatuwang mga posts. Medyo matagal ko nang gustong gumawa ng sarili kong blog at ngayon lang ito natupad.

Gusto kong magblog dahil gusto kong i-chika sa inyo ang aking karanasan at mga saloobin. Dito ko ibubuhos ang aking mga emosyon at pananaw sa mga bagay-bagay na hindi ko mai-chika sa family & friends ko. Pinili kong maging anonymous blogger para itago ang aking tunay na katauhan. Pero malulurqs ako kung mapadpad dito ang family & friends kez. Baka kasi makilala nila akey. May mga balak akong isulat ditey at yung iba doon ay naikwento ko na sa kanila before. Nakakawindang kung mabuking nila atashi. 'Pag nangyari yon eh wala na akong magagawa, pero itutuloy ko pa rin ang pagbablog.

O siya, heto na ang continuation ng Story of My Life:

Ako si AnonymousBeki, isang beking hindi pa naga-out sa universe. Ang close friends ko lang ang nakakaalam ng totoo kong pagkatao. Sa house ay todo ako sa pakikichika at super halata na talaga. Ang family ko naman ay parang alam na nila at ramdam ko na wala silang reklamo tungkol dito, but still di ko pa rin kino-confirm.

Carry ko namang aminin sa familia ko. Pero hindi pa ako handa sa magiging intriga nila. Im sure na tatanungin nila ako tungkol sa mga crushes at kung ano-ano pa.

Sa public places tulad ng school ay pigil ang pagpihit ng aking balakang. Pero meron pa rin namang lambot na mapapansin ng mga taong may malakas na gaydar. Sa school ay super tahimik aketch, walang kaimik-imik at konti na lang eh baka mapagkamalan na akong estatwa.

Kaya ako naging mahiyain ay dahil sa orientation kez. Ito ang dahilan kung bakit super konti ng friends ko sa school. Hindi ako nakikihalubilo, di ako masyadong chumichika dahil baka may makaamoy sa lansa ko. Sabi kasi sa kasabihan: Less talk, less buko. Pero sa tingin ko ay marami naman ang nakakaamoy sa pagkatao ko. Kahit papano may konting kembot pa rin ang paglalakad ko. Di naman kasi ako super career sa pagpapakapaminta.

Bakit ayaw ko pang magladlad?


Isa sa mga dahilan kung bakit di pa ako naglaladlad eh natatakot akong mabully. Actually, nabully na ako nung highschool dahil na rin sa pagiging mahiyain. Paano pa kaya kung nagladlad ako noon eh baka kung napano pa ako.

Another reason ng aking pananatili sa closet ay natatakot akong ma-reject ng ibang tao lalo na ng mga kamag-anak ko. Kilala nila ako bilang mahiyain at di palakibo. Di nga ako uma-attend ng kanilang mga salu-salo. Advice sa akin ng cousins,auntie & uncle ko na wag na raw akong maging mahiyain. Paano kung magladlad na ako baka magulat sila sa akin, from mahiyain to maharot. Pero Im sure na wala namang kamag-anak ko ang nambugbog.

Takot din akong ma-judge ng aking former classmates lalo na ang mga teachers ko dahil pagkakakilala nila sa akin ay super tahimik, pinaka-behave sa klase at of course mahiyain.
Meron akong concern na teacher, nag-advice siya sa akin na wag na daw akong maging mahiyain. Alam ko na magugulat sila pag nakita nila akong kumekembot. Alam ko na ang ilan sa kanila ay huhusgahan nila ako. Sasabihin nilang "Ay, nagbago na siya. Di ba dati super behave yan bakit ngayon maharot na."

Ang totoo, hindi ako nagbago o magbabago dahil eversince ganito na talaga ako, di lang nila alam.
"It's not the person who changes, but the mask that falls off."

Naghahanap pa rin ako ng tamang tiyempo para umamin sa family ko pero I think that this is not the right time. 'Pag umamin na ako Im sure na di na sila magugulat. Pagdating ko sa college ay balak ko nang magladlad sa school. Di ko naman maiiwasan ang mga kontrabida. I cannot please everybody. Para maiwasan ang mga bully ay maghahanap ako ng maraming friends para magtatanggol sa akin in case na may mang-away. Excited na ako sa moment na yon.

O siya, hanggang dito na lang muna ako.
Salamat sa matiyaga niyong pagbabasa.
Hanggang sa susunod nating pagchichika.
Paalam!









11 comments:

  1. Bata ka pa pala, kaka-debut mo lang. *hehe*

    Nakangiti ako habang nagbabasa. Somehow kasi, nakaka-relate ako kahit papano. Naalala ko yung sarili ko nung kaedad pa lang kita (LOL, para namang antanda ko na). Halos magkapareho kasi tayo, ganyan din ang mga pananaw ko noon. Parang binabasa ko ang sariling kong thoughts, except dun sa way ng pagsasalita. *hehe*

    I hope to read more from you. Sana magtagal ka sa pagba-blog. ;)

    ReplyDelete
  2. more power sa iyo at sa iyong blog :)
    aabangan ko ang mga kwentong mailalathala mo dito :)

    ang naisulat mong ito ay maganda na bilang pasimula...
    napaisip ako, ano-ano kaya ang matutunghayan ko sa iyong blog.
    kaabang-abang! hehehe :)

    ReplyDelete
  3. @Sepsep: Gusto ko din sanang basahin ang blog mo kaso lang di ko pa carry ang ganyang tema, sori pohhh. I hope you understand.

    @jep buendia: Tenkyu sa compliment, na-flatter naman ako, naks. Simple lang naman po ang dapat ninyong abangan. Yung iba ay tungkol sa mga mabababaw na karanasan ko, mga pananaw, mga nakakaaliw na chika at meron ding umi-informational lang ang peg.

    ReplyDelete
  4. @Sepsep: I will visit visit your blog and write some comment about it, yung kapag carry ko yung topic.

    ReplyDelete
  5. bax! LILET (little badet) ka pa lang pala. darating din ang panahon na ipagsisigawan mo sa buong mundo kung ano ka talaga pero ang pinakaimportante ay tanggap mo mismo kung ano ka. deadma sa sasabihin ng iba. kasi 'pag may nagtatanong sa'ken kung badesa mae ako, isang matamis na ngiti lang ang sagot ko. kung tutuusin nga mas lalaki pa ako kumilos sa mga kakilala ko na hanggang ngayon nagkukubli pa rin sa closet. at hindi naman sa pagmamaganda, mas plunge sa jar ang fez ko kaysa sa mga straight guys. marami sa'ten ang mas gwapo pa kaysa sa mga straight at mga nagpapaka-straight. alam mo yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenkyuw sayong advice Nyora! Even if di pa akew naga-out ay proud na ako kung sino ako. Nag-iipon lang talaga ako ng confidence at kagandahan sa ngayon. Taray mo pala talaga Nyora. Kala ko beautiful ka lang yun pala handsime ka din. Pareho pala tayez, Im also beautiful & handsome (nakisali rin,hahah). Seriously speaking, I have pointed nose, long curly lashes(upper and lower) kaya may hitsura na(walang kokontra! haha. But I prefer to be beautiful. naks.

      Delete
  6. Omg. Ang bata mo pa. I feel so old.

    Dati rati tahimik ako sa family ko with the same reason as yours pero nung nakapag let it go na ako keri lang naman nila. Wag lang daw ako magcross dress which is di ko kaya naman talaga at di ko feel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akshuwali sa school lang naman akez tahimik but kapag nasa house eh chika-chika din ako always. Yun nga lang pigil ang pagtili.

      Delete
  7. Ineng, habang binabasa ko ang mga bagay-bagay tungkol sa iyo, tila nakikita ko ang sarili ko sa ibinahagi mo. Ganyan din ako noon - mahiyain, tahimik at di pala kibo, takot ma-bully at mahusgahan. Pero kinalaunan, napagtanto ko ang lugar ko sa paaralan. Mas nakilala ko kung sino ako, kaya naisantabi ko na yung pagtatago ko sa pagkabakla ko. Di pa ako nagladlad, pero nabawasan ang pag-iisip ko dun. Kasi ang pagkabakla ay maliit lang na bahagi yan ng buhay mo yan. Gatiting lang yan. Marami kang pedeng gawing mabuti at doon ka makikilala upang sa ganoon, isipin man nila o malaman nila na bakla ka, kebs na sila kasi may galing ka. Magaling ka. Yun na lang isipin at pag-aksayahan mo ng oras.

    PS. nakataas kilay ko dito sa sinabi mo, "from mahiyain to maharot." Di naman kailangang maharot pag nagladlad, iha. hehe

    PPS. exciting ang blog mo :) looking forward to reading more from you! Welcome!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po. Alam mo po sobrang masaya ako na marami sa aking nakakaintindi. Dati rati, akala ko mag-isa lang ako at walang kakampi. Pero ngayon marami
      palang sumosuporta sa"kin at nagpapadagdag sa akin ng confidence. Ang mga sinabi mo po pati na ng ibang mga bloggers sa itaas ay sobrang nakakagaan ng pakiramdam. Sobrang naa-appreciate ko po kayong lahat dahil naa-appreciate niyo din po ako. Mahal ko po kayong lahat!

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺