Saturday, January 31, 2015

Hindi Ako Maka-Relate, Friend



Dalawa lang ang aking close friends. Pareho silang girl. Mga kababata ko sila na nakatira di kalayuan sa aking bahay. Sila ang aking nakakasama sa tuwing manonood ng sine o kung gumagala sa parke. Mababait sila, walang kaduda-duda. Sila ang aking mga kakwentuhan.

Pero ngayon, nararamdaman ko na nag-iiba na ang aming mga interests. Pakiramdam ko parang hindi na ako belong. Way back then ang dalawang friend kong ito at ako ang pinaka-close pero ngayon parang mas nagiging close na nila ang younger sister ko. Puro babae kasi sila kaya malamang na mas magkakaintindihan sila compared sa akin.

Kung minsan hindi ako maka-relate sa kanilang mga pinag-uusapan. Isa sa mga ayaw kong topic nila ay yung K-pop. Di ko masyadong bet ang ganoong klaseng music pati na rin ang fashion nito. Kaya minsan di na lang ako sumasali sa mga ganoong kwentuhan dahil feeling ko maa-out of place lang naman ako.

Iba din ang mga type nilang boys compared sa type ko. Ang crush nila ay yung mga boys na maputi, kaedad nila, medyo slim, papogi, pa-cute, baby face, teen heartthrob, chinito, yung karaniwang crush ng mga kabataan. Samantalang ako naman ang pinagpapantasyahan ko ay yung mga otoks na gwapo talaga, mowdel o mala-mowdel (ng bripang, minsan afam), edad bente pataas, hunk o kahit may kaunting mga maskels, yung karaniwang bet ng isang tipikal na bading. Crush ko din naman yung ibang mga kaedad ko pero hindi sila yung tipong pinagnanasaan ko noh.

Sunday, January 25, 2015

Palpak English

Kahapon, may nakita akong mga nakakatawang pictures sa isang Facebook page. I burst out laughing upon seeing these photos. I’m still on the floor trying to catch my breath! Ay teka, ayokong mag-English. Baka tawanan niyo din ako. LOL

So ayun na nga, gusto kong idamay kayo sa headache na naranasan ko (ang sama) after kong makita itong mga pictures tungkol sa mga facebook users na trying hard mag-English. Pramis nakakatawa ‘to. Heto oh tingnan niyo na lang.


Nakakabingi naman ang hearstyle mo.
Ang hirap mag-choice ano? Pakalbo ka na lang ate.




Sige teh mag-camping ka. Lol

Tuesday, January 20, 2015

Churvahan sa Ere

Noong nakaraang linggo

Malalim na ang gabi at bet ko nang bumorlog. Papahiga na ako nun sa aking higaan nang makarinig ako ng mahinang tunog na nagmumula sa kung saan.

Pagkahiga ko ay dun ko na nakita ang dalawang butiki sa kisame na naghahabulan.

Siyempre noong una ay deadma lang ang lola niyo, pero nagimbal din ako eventually nang magsimula na silang magchurvahan. Aba aba! Dito pa talaga sa may tapat ko naglalandian. Mga walanghiya.

photo from: image.shutterstock.com

Thursday, January 15, 2015

Paano Magmahal si AnonymousBeki?




Sa totoo lang, hindi pa ako nai-in love. Nagka-crush oo na pero ang ma-in love hindi pa. Pero, alam ko kung ano ang tunay na pag-ibig, at malalim ang pagtingin ko dito.

Kung sakaling dumating man ang takdang panahon na ako’y iibig, hindi ko siya pipilitin na mahalin din niya ako. Ano’ng magagawa ko kung di niya talaga ako gusto.

Di na ako aasa na masuklian niya rin ng buo ang pag-ibig ko. Oo, hindi ko itatangging aasa ako kaunti, pero di ako aasa ng todo-todo. Ayoko ring ipagpilitan ang sarili ko na makuha ang bagay na alam kong mahirap abutin. Di na rin ako makikipaglaban, mahirap ang mag-isang magsagwan samantalang ang isa ay walang pakialam, nakatunganga at ine-enjoy lang ang biyahe sa bangka.

Para sa akin, ang maging magkaibigan lang kami ay sapat na. Kung papayagan na kami’y maging matalik na magkaibigan ay higit na mas mabuti. Ang kaunting atensyon mula sa kanya ay sobra nang ligaya ang maidudulot nito sa akin. Basta’t nandito siya sapat na sa'akin iyon. Kuntento na ako dun.

Saturday, January 10, 2015

Pulbos ni Beki

image from topclassactions.com

Sa panahon ngayon ay super liberated na ang sangkatauhan when it comes to paglalagay ng pulbos sa kanilang mga feslak, mapa-babae man o lalaki.

Napatunayan ko na 'yan nung ako ay nasa hayskul pa. ‘Yan ang ichi-chika ko sa inyo ngayong araw na ito.

Nung 3rd year ako ay uso sa amin ang panghihingi ng mga lalaki ng powder sa mga babae. Mga straight po sila huh, I’m very sure of that. Tuwing uwian ay karaniwang nang makikita ang mga nakabukas na palad ng mga otoks na itey na naghihintay na mabiyayaan ng pulbos. Mga walang pakundangan. Hingi lang ng hingi. Mga hindi naman nga marunong gumamit. Grabe makalagay ng pulbos, akala mo ay inubos ang isang kilo nito at nilagay lahat sa fez. Konti na lang at mapagkakamalan mo na silang mga geisha ng Japan.

Buti pa sila. Parang gusto ko ring magpulbos. Nakaramdam ako ng konting inggit ngunit di naman ako makahingi sa kanila dahil di ko naman sila ka-close.

Aha! Buti na lang at may naisip akong bright idea. Ninenok ko ang ekstrang pulbos sa aming bahay at dinala ko ‘to sa school nang sa ganun ay pwede na rin ako makapag-retouch kapag breaktime. Hehe.

Pagsapit ng tanghali, nagkaroon ako ng pagkakataon para makapagpaganda. Saktong ako lang ang nasa room noong mga oras na ‘yun. Kailangang walang makakita, pagkakaguluhan ang aking pulbos ‘pag nagkataon. At higit sa lahat, baka magtaka sila kung bakit ako nito meron.

Habang walang utaw ay sinimulan ko na ang paglalagay ng Johnson's baby powder sa aking feslaboom, with feelings huh. Sinamantala ko ang moment para sa aking transformation. Habang damang-dama ko ang pagdampi ng aking mga palad sa aking pisngi ay di ko namalayang meron palang dumating.

“Hala! Ba’t may pulbo ka? Bakla ka ba?
(Jusme! Si crush pala! Nakita niya yung pulbos ko sa bagnakalimutan kong isara. Waaaahhhh!)
“Hala bakla ka. Ayyy bakla. Bakla ka!”

Tuesday, January 6, 2015

Paano Mapapaibig ang Lalaki?


Wala akong lablayp. Hindi pa ako nagkakalablayp. Ako ay certified NBSB.

Bakit? Heto ang ilan sa mga dahilan:


1.) Hindi pa ako completely nakakapagladlad. Hindi pa nasisilayan ng buong universe ang kabuuan ng aking rainbow-colored wings.


2.) Masyado akong mahiyain at hindi gaanong nakikipag-socialize sa maraming tao. It has something to do with my hidden sexuality. Pero this year ay sisikapin ko nang tanggalin ang hiyang bumabalot sa buo kong pagkatao. Kailangan ko ding dagdagan pa ang aking self-confidence.


3.) Hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon at hindi ko rin alam kung kelan ako magiging handa para dito. Ayoko naman kasing madaliin, at gusto ko kung makikipagrelasyon  ako ay dun sa taong mahal ko. Ayoko kasi ng trip trip lang. Ayokong magpadala sa pressure ng lipunan.


Way back then, hindi na ako umaasang may magkakagusto pa sa akin. Parang alam ko na kasi sa sarili ko na walang straight ang magkakagusto sa isang tulad ko. Pero nagbago ang pananaw kong iyon nung last year ay napakinggan ko sa programa ni Papa Dudut sa radyo ang love story ng isang straight at bi male na nagka-in-love-an. Dahil dun, nabuhayan ako ng kaunting pag-asa na balang araw ay may straight rin na lalaki ang magmamahal sa‘kin.


Dahil naging interested ako, nag-research ako sa internet ng mga stories/confessions tungkol sa straight guy na nagkagusto  sa gay/bi. Heto ang ilan sa aking mga nakalap: (click the link to read it)

Thursday, January 1, 2015

Happy New Year 2015!

image from happynewyearwishes2015.blogspot.com

“Happy New Year sa inyong lahats!”


“Chupi 2014  (sabay tulak dito)

and Welcome 2015!” (sabay beso-beso.)


image from www.dazzlingwallpaper.com


Thank God dahil isa na namang taon ang ating nalagpasan. And I would also like to thank all of my readers na patuloy na sumusubaybay at nagtiyatiyagang basahin ang aking blog na wala namang katuturan. Sana’y may napulot din kayo dito kahit papano (meron ba? parang wala naman. Ahaha!)

2015 na at heto ang aking mga kahilingan this year para sa aking sarili, sa inyong lahat, at sa pangkalahatan: (siyempre naman! ano ‘to makasarili? lols)

•more blessings to come
•good health
•mas tumatag ang relationship with the family and friends
•mapagtagumpayan ang mga ninanais sa buhay
•maisakatuparan ang mga pangarap
•prosperity
•makaahon sa kahirapan
•lumago ang ekonomiya ng bansa
•kumonti ang mga mahihirap
•makulong at mapanagot ang mga dapat na makulong tulad ng mga kriminal, hunghang na pulitiko, atbp. (may poot? charms!)
•peace of mind
•tuluyang pagtanggap sa sangkabaklaan (ganern!)
•kapayapaan/World Peace
•and most importantly, gumanda ako, at pati na din kayo. (Pak!)

Kidding aside, looking forward ako this 2015. This year kasi ay magka-college na ako. Yey! Dalawang taon din kasi akong natengga sa pag-aaaral, so happy dahil this year ay tuloy na ito.

Balak ko na mag-out sa college. Mahirap din kasi ang mag-school na merong tinatago, lalo na sa college eh todo-bigay ka dapat.

Ico-conquer ko na rin ang aking pagiging mahiyain. Palalayasin ko na ang mahiyaing kaluluwa na sumapi sa katawang lupa ko. Makikipag-socialize na din ako sa mga future classmates ko. I want to make friends with them, cause I had never done it when I was in highschool. ‘Tulaley creature’ lang kasi ako sa entire hayskul layp. At tsaka, 19 na ako pagkatapos ng first-half ng taon. Baka masayang lang ang teenage life ko ‘pag nagkataon. Ayoko magkaganun.