Saturday, September 12, 2015

Ang Awkwaaaaarrrdddd!


     We've all experienced awkward moments in our lives. Some of it are just so unforgettable na kahit gusto mo na itong makalimutan ay di mo pa rin mabura-bura sa iyong isipan at magpahanggang ngayon ay matatawa ka pa rin pag ito'y iyong maaalala. Lalo na siguro kung recently lang naganap ang awkard moment na iyon, talagang mahirap i-forget. 'Yan mismo ang ikikwento ko sa inyo for today, tungkol sa aking mga ‪#‎AwkwardMoments‬ na kung sa inyo nangyari, malamang di niyo rin alam ang inyong gagawin.

Okay. Let's start off with Awkward Moment # 1. Isang tagpo na bibigyan ko ng pamagat na Bakit Mo Sinampal Ang Pisngi Ko? Heto ang istorya:

     2 weeks na ang nakakaraan. Sa aming PE class…

     “Today, magtuturo ako sa inyo ng sayaw. OK, stand up class. Tayo'y magwa-warm up muna”, wika ni professor.

Ayun, nag-warm up na kami. After that, gumawa kami ng walong linya para di magulo. Then, pumunta na kami sa aming kanya-kanyang mga pwesto. Nakatabi ko noon si crush (slight crush lang naman), itago natin siya sa pangalang Ramon. He's cute. Lalaking lalaki gumalaw. Medyo makulit. Pero di kami close, not even a little.

Anyway, nagsimula nang magturo ng choreography si ma'am. May mga patalon-talon na step. Mayroong pakembot-kembot. Meron din namang to-the-left-to-the-right. Medyo nakakahingal. Todo bigay daw dapat ang energy.
Di naiwasang maging hyper ng aking mga blockmates. Obviously, they are having fun. Meanwhile, itong si Ramon naging hyper na din. All out siya sa pagsayaw na parang bata. Pero di ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagsasayaw.

Bigla na lang akong natigilan when he suddenly slapped my butt. Yes, you read it right, he slapped my butt at malakas iyon. Naging question mark bigla ang facial expression ko. Tila nagtatanong ng "Why did you do that?"



Pagtingin ko sa mukha niya, siya ay tila nagulat rin sa pangyayari. Bakit niya nga ba ginawa yun eh hindi naman kami close. Besides, hindi rin nga kami nakakapag-usap and we do not even smile at each other.




Maybe, mistaken identity ang naganap. Siguro, yung isa talaga naming blockmate ang gusto niyang tampalin, na during that time eh nandun nakapwesto sa likod ko. Pareho kami ng body physique nun (patpatin) so I guess posibleng sa kanyang peripheral vision ay napagkamalan niyang ako iyon.

    Muli kaming nagkatinginan ni Ramon.Ang awkwaaarddd!!! Agad kong binaling sa iba ang aking paningin. I reacted as if nothing happened. 'Pag tinitigan ko uli siya baka isipin niyang ginagawa kong big deal yung pag-landing ng kamay niya sa pwet ko. Ang awkward talaga! Di ko alam kung dapat ba akong ma-offend dahil na-violate ang pagkababae ko (feelingera! hahaha, charut!) o maging thankful na lang dahil somehow na-enjoy ko naman (ang harowt! LoL). Pero alam niyo, parang gusto ko ring gumanti sa mga oras na iyon.  Brad, pahawak din oh!


Okay, let's move on to the next Awkward Moment. Aking pamamagatan ng: Ano yun? starring my another guy blockmate. This happened three days ago. And so my story goes like this:

     Waiting in vain ako at ang aking mga blockmates sa harap ng aming classroom. May nagkaklase pa kasi dito and we have to wait for 15 minutes before we can get inside. While we are waiting, kanya-kanya siyempre kami ng inaatupag para naman di ma-bored sa pag-aantay. Karamihan abala sa pakikipagchikahan, while yung iba naman ay busy sa pag-finger sa kanilang mga cellphone like me.

Using my Browser, meron akong gino-Google na kung ano, I can't remember exactly what it is. Medyo mabagal ang internet sa mga oras na iyon kaya habang ito'y naglo-loading pinindot ko muna ang Saved Pages at nag-scroll ako pababa. Di ko namalayan na yung blockmate kong lalaki ay nakatingin pala sa phone ko. Well, I know naman na nandun siya pero wit ko knows na tinititigan niya na pala ang aking mga pinipindot.

     “Ano 'yun?” ang masiyasat niyang tanong sa akin. Gustong malamang kung ano ba ang kanyang nakita.



Bigla akong kinabahan, siguro nakita niya yung mga pica ng mga machong hubad na otoko na naka-save dun sa Saved Pages. Malilit lang naman yung picture, pero sa taong may malilinaw na mata, maaaring makita yun. Buti na na lang half-body lang ang makikita sa thumbnail. Pero kinakabahan pa rin ako knowing na may nakakita sa laman ng aking browser.

     “Ano yun?” tanong ulit niya.

     “Ah eh, wala yun. Mga paintings lang yun ni Leonardo da Vinci.” ang tanging naging palusot ko sa kanya. (Awkward!)  Infuhrnez sa palusot ko, na-witty-han ako.

     “Di ba magaganda ang mga paintings niya. Patingin nga ulit”, ang wika niya na may kahalong pangungulit.

Halata sa mga mata niya na di siya naniniwala sa palusot ko. Halatang gusto niyang makita ito with his own eyes.

     “Patingin nga ulit.”

     “Wag na. Ayoko nga.” ang matigas kong sabi sa kaniya. Mas nag-intense pa ang kaba ko. Pinagpawisan ako ng malamig. Nagpawis ako ng todo.

Balak ko sanang i-Google yung mga paintings ni da Vinci, at yun ang ipapakita ko sa kanya. Pero naisip ko wag na lang. At tsaka naalala ko puro mother and child nga pala ang mga paintings niya, bibihira lang ang lalaki. Hahaha! Kung makapagpalusot wagas. Dapat pala ang ginawa kong palusot ay yung mga sculptures ni Michelangelo, kasi mas madami ang lalaki dun, nude pa kaya mas safe gawing palusot. Hay naku grabe, ang awkward ng ganoong situation. Doon mate-test kung gaano kabilis ang neurons mo sa pag-process na gumawa ng alibi.

Ang ending, di niya ako napilit. Hehe.

Lesson learned: Be wary of people standing near you ‘cause they may see what you are hiding.

So, that would be all for today. I hope that you enjoyed my story.


Ikaw, may mga Awkward Moment chika ka ba?

11 comments:

  1. Kilig ako dun kay medyo crush mo. Galingan mo pa ang paggiling sa PE class para lalo siyang manggigil. CHAR!

    ReplyDelete
    Replies
    1. What a great piece of advice coming from you Ms. Melanie! Sige po, tatandaan ko 'yan. Haha.

      Delete
  2. Ha ha ung blockmate mo na tumampal sa pwet mo maaaring A. Nagustuhan niya ang matambok mong pwet at bet niyang aryahin B. Naalala niya ung nakasex niya kaya bigla siyan naexcite
    nang makita ang pwet mo C. Napagkamalan ka niyang ung kaklase nyo na ang totoo ay kalaro niya sa larong sundot sundutan ng puwet ha ha ha ha : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kinaloka ko ng bongga ang mga words mo teh. Masyadong vulgar. Bawal po 'yan sa blog ko. charz!!

      Anyway, ano bang ibig sabihin ng aryahin?

      Delete
  3. pag nasa situation ako na awkward gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan/kinatatayuan ko.

    ReplyDelete
  4. Sa tingin ko, para makaiwas talaga sa mga awkward moments kelangan talaga walang itinatago. kaya yang pwet na yan, ipakita na yan na walang tumatapik o sumasampal diyan. I wanna see that butt!!!! Now!!! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I did not expect na yung pwet ko ang magiging main idea ng blog post na ito. Nyahaha

      Delete
  5. I just found this blog thru the link from ms melanie's blog. I also like the stories, nakakatuwa rin ;) keep it up!

    ReplyDelete
  6. I just found this blog thru the link from ms melanie's blog. I also like the stories, nakakatuwa rin ;) keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you so much Zarly for dropping by. Glad to know I made you happy.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺