Sunday, February 14, 2016

Mr. Worth It

     Ano ba ang qualities na hinahanap mo sa isang taong pag-aalayan mo ng iyong puso? Well ako, I created a long list ng mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Heto ang mga iyon:



Hindi Boring→ Obvious naman na gusto ko yung mga taong nakakatuwang kausap. Ayoko ng boring. I am not really attracted sa mga boys na to the ninth level ang pagka-serious sa buhay and to those who don't even know how to make things a bit lighter paminsan-minsan. Well, hindi naman ako naghahanap ng joker or comedian-type na otoko. Basta ang gusto ko lang is someone na marunong tumawa, hindi yung mapagkakamalan mong comatose dahil wala man lang response. I think everyone will agree if I say na lahat naman tayo ay gusto ng taong masarap kasama.

Thursday, February 11, 2016

Love From A Man

     Wala akong kuya. Gusto kong magkakuya. Inggit ako sa mga may kuya. Ako ang panganay sa aming magkakapatid kaya technically ako ang kuya (ew).



Sabi nila sweet daw ang mga kuya, maalaga, mapagmahal at higit sa lahat protective sa kanilang younger siblings. Di ko 'yan na-experience kasi nga wala ako niyan as I have said kanina.

I grew up na mas madami ang babaeng kasalamuha ko kesa lalaki. Mas naging ka-close ko ang aking dalawang shupatid na merlat. Puro babae din ang naging kalaro ko noon dahil puro babae ang kapitbahay namin. Meron namang mga batang lalaki noon pero most of them ay medyo distant ang bahay sa amin (kaya di ko nakalaro) tsaka di ko rin kasi ma-take ang kakulitan nila at di ko masakyan ang kanilang mga trip.

Right now, I sort of feel a lack of love from men. I don't know if I am just being 'mapaghanap' pero parang nakukulangan ako (slight lang) sa sweetness mula sa aking father and brother. Pero huh, wala akong problema sa kanila dahil pareho silang super bait. In fact they never made me feel na hindi nila ako tanggap (kahit di nila sabihin) and they never got angry with me just because of my sexuality. Kung kabaitan lang ang pag-uusapan, perfect 10 ang score nila sa'kin. Ngunit, sweetness lang talaga yung hinahanap ko.
Sige na oo na. Mapaghanap nga talaga siguro at OA lang ako for me to feel this way.

     Meron akong younger brother, turning 18 na siya ngayon. Lumaki kasi siya sa poder nina uncle and auntie since he was just 4 years old. Doon na siya tumira since then. Approximately 30 kilometers ang kanyang tirahan (with uncle and auntie) mula sa aming tahanan (his real family). Umuuwi lang siya dito sa amin every Christmas at summer vacation. Ngayon since may pasok ay andun pa rin siya kina tito at tita umuuwi dahil dun siya nag-aaral. Ang ganoong set up ang isa siguro sa mga reasons kung bakit hindi ako naging gaanong malapit sa kanya.

Hindi ko masabi kung close ba kami ng kapatid ko dahil nag-uusap naman kami at nagkukwentuhan about movies, technology, gadgets and other stuffs pero we never talk about personal things. Besides, di siya masyadong nag-oopen up sa akin at sa iba pa naming kapatid about his feelings kundi kay mama lang. Minsan nga tahimik lamang siya.


Saturday, February 6, 2016

Natutunan ko sa Pag-ibig

     In fairness sa akin simula nang nag-18 ako ay lumawak na ang pang-unawa ko sa pag-ibig. Noong minor pa lang kasi ako ay hindi ko lubusang ma-distinguish ang pinagkaiba ng love sa crush (isip-bata eh). Noon ay sobra sobra ako kung magka-crush (baliwan levels) at dumarating pa sa point na akala ko'y love na. Noon ay nagkaka-crush ako sa isang tao for no apparent reason. Noon yun. Pero ngayon, in fairness nag-mature na talaga si beki.

Ngayon ay hindi na ako nagkaka-crush kung kani-kanino lang (unlike noong high school). Napansin kong choosy na ako ngayon sa taong magugustuhan ko. Siyempre sa una ay naa-attract ako sa lalaki lalo na't 'pag gwapo pero 'pag nakita kon na yun lang ang magandang katangian niya ay di ko na ito nagugustuhan. Ewan lang. Para sa akin kasi, aside sa pagiging pogi ay hinahanap ko siyempre sa isang lalaki ang mga katangian na masasabi kong kahanga-hanga at iyan ay tulad ng pagiging responsable, matalino, at masipag. For me, iyon ang mga katangian na nakakapagpabighani sa akin.



Tuesday, February 2, 2016

Tsokolate

     Kahapon ay nag-search ako sa Google about sa mga pagkaing dapat kainin ng mga taong anemic (anemic kasi ako). I found out na isa sa mga pagkaing may mataas na iron ay ang dark chocolate. My reaction was "Ang sosyal naman!" The first thing that came into my mind kasi was yung mga chocolates na galing sa ibang bansa. Nakalimutan ko na yung tablea ay considered din palang dark chocolate. lol

Doon ko napag-isip isip na dapat ay lantakan ko na yung natitirang mga tablea sa house bago pa ito makain ng iba.