image from www.flickr.com |
Naririnig ko na naman ang tunog ng mga paputok. Nakakagulat. Nakakabingi. Nalalanghap ko na naman ang amoy ng pulbura nito. Grabe, ang baho. Mga excited much sa New Year.
Naalala ko, nung bata pa ako ay nahilig rin ako sa pagpapaputok ng piccolo. Madali lang kasi ito gamitin. Pagkasindi nito ay meron ka pang limang segundo para tumakbo at iligtas ang iyong buhay. Isa pa sa gusto ko dito ay kaya nitong pumutok kahit underwater.
Heto ang ilan sa mga peborit kong paputukan ng piccolo:
1.) Bao- Pagkasindi ng piccolo ay saka ko ito tatakpan ng bao. Tuwang-tuwa ako sa tuwing lumilipad na ito sa ere. Ang maganda rin nito ay hindi ito nawawasak kaya pwede pa rin gamitin over and over again.
2.) Lata ng Coke- Katulad din ng #1. Lumilipad din sa ere nang di nawawasak. Parang rocket ship ito ‘pag nasa ere.
3.) Putik- Pasensya na kung salaula pakinggan. Pero hindi ko naman po hinahawakan yung putik. I just make the piccolo lubog down the mud without touching it. Pagkatapos sindihan ay lalayo ng malayong malayo dahil baka masabugan.
Naalala ko dati nung minsa’y nagsindi ako ng piccolo sa putik then yung kalaro ko ay hindi lumayo. Ayun, nalagyan siya ng buo-buong putik sa may siko.