Happy New Year sa inyong lahats! Sorry for the long update mga ka-chika. I am supposed to write this post last week kaya lang dahil sa super na-enjoy ko ang holiday eh natengga ito. Pero ngayon I'm back na para ikwento sa inyo ang mga aking mga ganap from December 24, 2015 hanggang ngayong Bagong Taon. Medyo mahaba 'to so please bear with me. Okay so let's start this.
December 24, 2015
Thursday, 6:00 pm
Hinihintay namin ang fudams na galing sa aming pinsan. Sabi niya kasi kay mudra 'wag na daw kaming magluto ng food for
Noche Buena dahil siya na daw ang bahala para dito at aabutan niya na lang daw kami. So ayun naghintay kami sa arrival ng pagkain. Pinuntahan siya ng kapatid ko sa kanyang bahay upang tingnan kung luto na ang mga fudang pero wala siya dun. Nakasarado ang pintuan ng bahay niya. Nakapatay ang mga ilaw. Mukhang walang tao kaya naman nag-decide si sister na umuwi na at nag-assume na baka may pinuntahan si pinsan.
Natapos ang gabi na walang dumating na handa. Sabi ko mukhang niloloko ata kami nitong pinsan ko hehe. Despite that, di pa rin kami nag-prepare ng food for Noche Buena. Sabi kasi ni mudra sa Pasko (
kinabukasan) na lang daw kami magluto dahil kung gabi kami kakain ng sobra eh baka mategi kami the next day dahil sa bangungot dala ng kabusugan. So sabi ko sige. Ayun natulog na lang kami agad at sinabing bukas na lang ang handa.
December 25, 2015 - Christmas Day
Friday, 8:00 am
Pagkagising ko ay tumambad sa akin ang iba't-ibang handa. Thank God dahil inihatid na rin sa wakas ni pinsan ang pagkaing kaniyang ipinangako na dapat sana ay kagabi pa. Hayan tingnan niyo na lang below ang ilan sa mga pictures na inilatag namin sa aming mesa noong Pasko. (
I was hesitant at first kung ipo-post ko ba 'tong mga piktyurs dahil for sure 'pag nakita 'to ng family ko eh malalaman nila na ako si AnonymousBeki. Pero I told myself bahala na. I will do this for my readers. hihi. Pasensya nga pala dahil low quality ang images.)
|
Pancit Palabok |
Galing 'yan sa isa naming kapitbahay. Buti na lang at nagluto siya niyan dahil ang tagal ko nang nagre-request kay mudra na magluto ng
palabok pero hindi niya naman niluluto. Sawa na kasi ako sa spaghetti na hinahanda namin every year. In fairness sa dila ko huh, nag-mature na siya finally. Spaghetti kasi ang dating favorite food ko for the past 15 years. Buti na lang at nag-iba na ang taste ko dahil di na ata bagay sa edad kong decinueve na spaghetti pa rin ang peyborit haha.
|
Pancit Canton |
Si mudra naman ang nagluto nitong
Pancit Canton. Like the palabok, matagal ko na din itong nire-request na lutuin ni mudra. Sawa na kasi ang panlasa ko sa palagi niyang niluluto na pancit bato. Gusto ko pancit canton naman.
|
Puke Cake |