|
image from happynewyearwishes2015.blogspot.com |
“Happy New Year sa inyong lahats!”
“Chupi 2014 … (sabay tulak dito)
and Welcome 2015!” (sabay beso-
beso.)
|
image from www.dazzlingwallpaper.com |
Thank God dahil isa na namang taon ang ating nalagpasan. And I would also like to thank all of my readers na patuloy na sumusubaybay at nagtiyatiyagang basahin ang aking blog na wala namang katuturan. Sana’y may napulot din kayo dito kahit papano
(meron ba? parang wala naman. Ahaha!)
2015 na at heto ang aking mga kahilingan this year para sa aking sarili, sa inyong lahat, at sa pangkalahatan:
(siyempre naman! ano ‘to makasarili? lols)
•more blessings to come
•good health
•mas tumatag ang relationship with the family and friends
•mapagtagumpayan ang mga ninanais sa buhay
•maisakatuparan ang mga pangarap
•prosperity
•makaahon sa kahirapan
•lumago ang ekonomiya ng bansa
•kumonti ang mga mahihirap
•makulong at mapanagot ang mga dapat na makulong tulad ng mga kriminal, hunghang na pulitiko, atbp.
(may poot? charms!)
•peace of mind
•tuluyang pagtanggap sa sangkabaklaan
(ganern!)
•kapayapaan/World Peace
•and most importantly, gumanda ako, at pati na din kayo.
(Pak!)
Kidding aside, looking forward ako this
2015. This year kasi ay magka-college na ako. Yey! Dalawang taon din kasi akong natengga sa pag-aaaral, so happy dahil this year ay tuloy na ito.
Balak ko na mag-out sa college. Mahirap din kasi ang mag-school na merong tinatago, lalo na sa college eh todo-bigay ka dapat.
Ico-conquer ko na rin ang aking pagiging mahiyain. Palalayasin ko na ang mahiyaing kaluluwa na sumapi sa katawang lupa ko. Makikipag-socialize na din ako sa mga future classmates ko. I want to make friends with them, cause I had never done it when I was in highschool. ‘
Tulaley creature’ lang kasi ako sa entire hayskul layp. At tsaka, 19 na ako pagkatapos ng first-half ng taon. Baka masayang lang ang teenage life ko ‘pag nagkataon. Ayoko magkaganun.