Sunday, March 1, 2015

"Init" sa Tindahan ng DVD

Magti-three years na ang nakalipas pero natatawa pa rin ako kapag naalala ko ang eksenang ito. Samahan niyo ako na balikan ang alaala mula sa aking dalaginding days.

***

Almost 3 years agoBuwan ng Abril

Bandang alas singko na ng hapon. Palubog na ang haring araw. Kulay kahel na ang kalangitan. Ako'y sakay ng jeep pauwi galing sa eskuwelahan. 3rd year high school ako nung panahong iyon, kinse anyos.

Bumaba na ako ng jeep. Pagkatapos bumaba ay kailangan ko pang sumakay ng tricycle para tuluyang makauwi. Nakita ko na ang paradahan. Ngunit imbes na umuwi na ay mas pinili ko ang tumingin-tingin muna sa baratilyo. Malapit na kasi ang Festival sa aming probinsya kaya naman sa lungsod ay makikita na ang mga itinayong ukay-ukay, mga tindahan ng DVD, at kung ano-ano pang mga tinda na mura lang ang presyo.

Para akong nagwi-window shopping pero hindi sa mall. Favorite part ko sa lahat ay ang tindahan ng DVD. Gustong-gusto ko ang tumingin sa mga paninda dahil may mga bagong pelikula akong nalalaman. Kung minsan paghahalungkat ang eksena ko. Bet kong kalkalin yung mga DVD na animated katulad ng Shrek, Toy Story, Up, Despicable Me, and the likes (forever young at heart kasi ang lola niyo).

Ngunit ang forever young at heart ay nabahiran sa oras ding iyon. Natuon ang aking pansin sa DVD na nakasabit sa dingding, sa pinakadulong sulok ng tindahan. Pang-adult yun, at hindi lang basta pang-adult kundi gay themed pa. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit medyo malayo ang pwesto ko ay parang luminaw bigla ang aking paningin at sinipat kong mabuti ang nasabing paninda. Dalawang nakajubad na otoko ang nasa larawan, mga gwafu, macho, at talaga namang "complete package"! Ininitan ako bigla, so to speak. Nakaka-LV talaga mga teh. As in "le vogue" (what a word!).




Ganito yung reaction ko that time.
photo credit: deskofbrian.com

First time ng mga mata ko ang makakita ng ganoong klaseng larawan ng dalawang nud_ na hombre, at nalurkey pa ako dahil hardcore pa. Nabasa ko ang title. Ang nakasulat: Bel Ami and Corbin Fisher. Hodevaahh, karumal-dumal talaga ahaha!

Patingin-tingin lang ako. Gusto ko sanang lapitan para lubusang masilayan kaya lang andun yung may ari. Baka pagalitan ako lalo na't minor pa ako that time.

Ang ginawa ko bumalik na lang ako sa pagkalkal ng mga pambagets na Dvd na nakahilera na parang mga libro sa lalagyan. Pagkatapos sa isang lalagyan ay doon naman sa isa. Di ko namalayan na papunta na pala ako dun sa dulo. Hanggang sa ang susunod na lalagyan ay puro nyorn na ang nakalagay! Hinalungkat ko ito ng pasimple. Sa wakas may nakita ulit akong gay themed na Dvd hehe. Pero this time naka-bripang na lang ang nakita ko, pero keri na rin dahil matsoo naman at mala-Brazilian hihi. May-I-halukay pa sana ako kaya lang mukhang nahahalata na ni manong tindero ang aking pinaggagagawa, at mukhang halata na din niya na baklut ako. Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin. Hindi naman mukhang galit pero natatakot pa rin ako.

So ayun, balik ulit sa pambagets then punta ulit sa nyorn 'pag hindi nakatingin yung tindero. Super kaba ang aking nararamdaman. May nginig factor ang aking laman.

Lubog na ang araw at medyo madilim na ang kalangitan pero di pa rin ako umuuwi. Ang taas ata ng landi hormone ko that time hihi. Sayang naman kasi. Bibihira lang ako makakita ng ganun so pagbigyan niyo na.

Bukod sa hirap ako sa paghahalungkat dahil baka mahuli ako ni mamang tindero, hirap na din ako sa powsisyon ko dahil kanina pa ako nakatayo, literally and figuratively. Napaka-uncomfortable kaya nun. Alam niyo 'yan mga beks.

Kinabahan ako ng todo nang lumapit sa akin si manong. Super kabog ang dibdib ko. Akala ko sisitahin niya ako. ‘Yun pala may kailangan lang siyang i-entertain na costumer.

Tuloy lang si manong sa kanyang business while I am also busy with my own business. Pero maya-maya lang ay lumapit uli sa akin si manong.

photo credit:  i.istockimg.com
"Bilhin mo na. Mura lang 'yan" pabulong na sabi niya.


Na-shock akes. Di ko in-expect na iyon ang sasabihin niya. Kunsintidor pala si mamang tindero. Parang siya tuloy ang gusto kong pagalitan. Chos.

Parang nahiya ako sa sarili ko hehe. Regarding sa alok niya, hindi ko bibilhin yun.
       Una sa lahat, wala akong anda.
       Ikalawa, parang imposible ko atang mapanood iyon dahil bibihira lang mabakante ang aming balur.
       At pangatlo, baka mahuli ako ng parents ko, lagot ang byuti ko at baka ako'y palayasin.

Kahit libre pa yun di ko pa rin tatanggapin. Sa'n ko itatago? Mahirap na baka gumulong sa sahig ang disc. Pero kung cover lang pwede na, di naman mahirap itago yun eh. Pero paano at saan? Siguro iiipit ko na lang sa libro or notebook. Kaya lang baka madala ko sa school, baka mapa-check-an ko pa sa teacher. KALOKA.

Finally umuwi na ako. Nahiya na kasi ako noh. At tsaka gabi na. Baka pagalitan na ako ni mudra.

Pagkauwi ko ay sinabihan ako ni mudra na dapat daw ay nag-text ako na ako'y gagabihin. Sabi ko naman na-lowbat kasi ang kiyelpon ko kaya di ako nakapag-text which is totoo naman. Sinabi ko sa kanya na kaya ako ginabi ay dahil sa pagwi-window shopping sa baratilyo. Di naman siya nagalit, mabait kasi siya. Basta magte-text lang daw ako next time. Di ko na siyempre kinwento sa kanya na tumingin-tingin ako sa mga nyorn na paninda. 'Pag sinabi ko 'yun baka di niya ako pakainin ng hapunan.

10 comments:

  1. Ha ha kaloka .... marami din talagang anekdota kung tungkol sa first time mo makanuod ng x rated na dvd he he he .... punta ka dto samin maraming m2m na dvd he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pupunta pa talaga ako diyan para manood? Hahaha. Ewan ko ba sa sarili ko pero sa ngayon di ko pa masyado nae-enjoy ang m2m lalo na yung hardcore. Sa ngayon mas bet ko munang panoorin yung mga "solo" videos hihihi. Todo build up sa intro tapos ang bongga ng climax sa ending. Kumbaga sa Festival may pa-fireworks sa closing, hahaha.

      Delete
  2. Hahaha, ang aga mo naman namulat sa mga ganyan lols.

    Siguro dahil di naman ako palanuod ng mga dvd kaya hanggang pag-graduate ko ng college ay di pa ako nakakita ng mga porn dvds. Nakakita lang ako niyan nung minsang papunta kami ng Laguna ng mga kaibigan ko, akala ko dati hindi nailalantad sa public ang mga ganitong tipo ng dvd, at dahil wala naman talaga akong nakikita. Nagulat na lang ako na may nakalantad sa bangketa sa daanan habang naglalakad kami, nakasipit pa sa alambre yung iba hahaha. Ang nasabi ko na lang "Meron pala talagang ganun" tapus tawa na lang hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ko na nga ba banal ka sir. Nag-hesitate nga ako ng very very slight kung ipo-post ko ba 'to dahil alam ko na kapag nabasa mo 'to parang di ka naman makaka-relate haha. Baka madungisan ko ang iyong inosenteng pag-iisip lols.

      Delete
  3. Is it just me or this is the month when we actually talk about porn? Hahaha! Just finished writing an entry about the first porn na napanood ko. Obviously, hindi dvd. VHS tape pa noon. hahaha!

    I could go on and on here and talk about gay porn. Pero nakakahiya kasi pa virgin effect pa ako eh. hahaha!

    Speaking of Bel Ami, it was one of those days na nagreresearch din ako. At totoo ha, nagreresearch ako about French culture. I heard about the Hollywood movie, Bel Ami. so ayun, nakita ko- the most handsome, the biggest, and sexiest Czech boys in the internet. saka ko na lang pinanood yung Hollywood Bel Ami, matapos ako mapagod sa kapapanood ng sexy Bel Ami. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pa-summer na kasi ngayon, papainit na ang panahon kaya naman umiinit na rin ang ating mga body hahaha!
      .

      Delete
  4. hahahaha ateng panalo ka sa gay porn kemerloot mo na yan.
    infair may gatas pa akey sa labi nung namulat ako sa pornarnia.

    prep ako nung masight kong nanunood ng straight porn ang mga workers (lakas makamatapobre nitong workers. haha) namin noon.

    pagdating sa gay porn, well high school na rin. haha
    keri lang part of growing up ate. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. umaygad prep talaga ateng?!?! gravecious naman hehe. Yung iba nga nagsisimula pa lang matuto ng ABC 123 tapos ikaw nakanood na. haha

      Delete
  5. nung nagaaral pa ako,at mahilig akong pumunta sa mga rock gig,one time,naglalakad kami sa cubao ng mga tropang rakista, nakakalat ang mga porno sa bangketa at talagang nakalantad ang m2m. siyempre pasimpleng tingin ako. pero sabi ko bibili ako pag me time. so nung nasa recto naman ako. kinakaahan ako pero yung manong sumigaw agad "ano gusto mo vcd? dvd? bold? meron ako dito mga man 2 man" ang nasagot ko nalang ay "oo gusto ko yun" dinala niya ko sa tagong lugar at pinakita sakin ang isang sako ng m2m cds... Naalala ko lang.hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Taray ni kuya huh infair sa kanya alam niya agad ang bet mo. Malakas ata talaga ang ESP ng mga manong sa bangketa.


      Anyway, Mar.15- 3:00pm maga-update na ako.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺