Whaaatt'ssss uupppppp mga ka-chikaaaaaaaa!!! First of all I wanna say sorry dahil jusme 2 years pala akong nawala sa blogosperya at sorry kasi wala akong maibigay na excuse sa inyo kung bakit ganon.
Image from https://www.mickeyellison.com/wp-content/uploads/2016/08/2-years.png
Anyway, sobrang na-miss ko kayong readers ko. In fairness huh, may mga bumibisita pa rin pala sa blogelya kong ito. Maraming salamat po sa patuloy na pagtakilik. Oh siya eto na. May chika ako sa inyo and I promise, meron itong kwenta this time. hahahhaha
Kamustasa na kayo mga ka-chika? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hahabaan ko na lang itong post na 'to para sulit ang inyong paghihintay.
I hope na nasa okay kayong situation right now despite the typhoon na dumaan kelan lang. Don't worry about me dahil ako'y keribells naman. Hindi naman masyadong na-devastate ang aming lugar dahil apparently nadaan sa mga dasal. Thank you Lord. Thank you thank you for the love!
Happy din ako dahil mabilis na naibalik ang kuryente dito sa province especially sa aking siyudad. Ngayon ay kumikislap-kislap na naman ang mga Christmaslights. Nakatayo na naman ang mga ChristmasTree sa mga kabahayan na simbolo ng aming pagbangon mula sa naranasang bagyo. Simbolo din ito na life goes on. Tuloy na tuloy pa rin ang pag-celebrate ng Pasko. Balik na naman sa dati ang pamumuhay ng mga taga-rito.
Feel na feel ko na talaga ang Yuletideseason. Damang-dama ko na rin ang masayang vibe sa atmosphere dala ng Kapaskuhan. Tiningnan ko ang kalendaryo. 5days na lang pala at Pasko na. Time flies so fast talaga.
Busy na naman ang inyong lingkod kaya naman di ako nakapag-update agad. Monday last week nang nag-resume ang aming classes after the sembreak. 2nd semester na mga teh, bagong simula. Kasabay nito ay na-shock ako dahil may naganap na reblocking. Yung mga dating blockmates ko noong 1st sem, ngayon nagkawatak-watak na. Mga 15 na lang ata ang natirang original, the rest napunta na sa ibang section, I mean sa ibang block.
Medyo nalungkot ako nung nalaman kong magkakaroon ng reblocking. All I thought kasi was yung blockmates ko nung unang semester ay magiging blockmates ko pa rin until now. Chika ng kaibigan kong si Charee which is 2nd year college na ngayon sa parehong university, yung blockmates niya noong 1st year, blockmates niya pa din daw hanggang ngayon; and probably blockmates niya pa rin until she graduate. Buti pa sa department nila ganun ang sistema. Ewan ko ba kung bakit may reblocking ekek sa aking course. Siguro depende ata sa trip ng department.
Naalala ko yung mga dati kong blockmates. Super mababait lahat. Walang bully. Walang annoying. Mami-miss ko talaga sila. Alam niyo bang last year ay panay yung dasal ko na sana 'pag college ko ay friendly ang aking maging blockmates. Binigay naman ni God, pero nagbago ito ngayong ikalawang semestre.