Whaaatt'ssss uupppppp mga ka-chikaaaaaaaa!!! First of all I wanna say sorry dahil jusme 2 years pala akong nawala sa blogosperya at sorry kasi wala akong maibigay na excuse sa inyo kung bakit ganon.
Image from https://www.mickeyellison.com/wp-content/uploads/2016/08/2-years.png
Anyway, sobrang na-miss ko kayong readers ko. In fairness huh, may mga bumibisita pa rin pala sa blogelya kong ito. Maraming salamat po sa patuloy na pagtakilik. Oh siya eto na. May chika ako sa inyo and I promise, meron itong kwenta this time. hahahhaha
Kamustasa na kayo mga ka-chika? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hahabaan ko na lang itong post na 'to para sulit ang inyong paghihintay.
I hope na nasa okay kayong situation right now despite the typhoon na dumaan kelan lang. Don't worry about me dahil ako'y keribells naman. Hindi naman masyadong na-devastate ang aming lugar dahil apparently nadaan sa mga dasal. Thank you Lord. Thank you thank you for the love!
Happy din ako dahil mabilis na naibalik ang kuryente dito sa province especially sa aking siyudad. Ngayon ay kumikislap-kislap na naman ang mga Christmaslights. Nakatayo na naman ang mga ChristmasTree sa mga kabahayan na simbolo ng aming pagbangon mula sa naranasang bagyo. Simbolo din ito na life goes on. Tuloy na tuloy pa rin ang pag-celebrate ng Pasko. Balik na naman sa dati ang pamumuhay ng mga taga-rito.
Feel na feel ko na talaga ang Yuletideseason. Damang-dama ko na rin ang masayang vibe sa atmosphere dala ng Kapaskuhan. Tiningnan ko ang kalendaryo. 5days na lang pala at Pasko na. Time flies so fast talaga.
Busy na naman ang inyong lingkod kaya naman di ako nakapag-update agad. Monday last week nang nag-resume ang aming classes after the sembreak. 2nd semester na mga teh, bagong simula. Kasabay nito ay na-shock ako dahil may naganap na reblocking. Yung mga dating blockmates ko noong 1st sem, ngayon nagkawatak-watak na. Mga 15 na lang ata ang natirang original, the rest napunta na sa ibang section, I mean sa ibang block.
Medyo nalungkot ako nung nalaman kong magkakaroon ng reblocking. All I thought kasi was yung blockmates ko nung unang semester ay magiging blockmates ko pa rin until now. Chika ng kaibigan kong si Charee which is 2nd year college na ngayon sa parehong university, yung blockmates niya noong 1st year, blockmates niya pa din daw hanggang ngayon; and probably blockmates niya pa rin until she graduate. Buti pa sa department nila ganun ang sistema. Ewan ko ba kung bakit may reblocking ekek sa aking course. Siguro depende ata sa trip ng department.
Naalala ko yung mga dati kong blockmates. Super mababait lahat. Walang bully. Walang annoying. Mami-miss ko talaga sila. Alam niyo bang last year ay panay yung dasal ko na sana 'pag college ko ay friendly ang aking maging blockmates. Binigay naman ni God, pero nagbago ito ngayong ikalawang semestre.
I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.
He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin? Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.
More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.