Saturday, September 19, 2015

Arjohn

     I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.

He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin?
Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.


More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.


I am one of those people who he wants to be friends with. Lagi niya akong binabati sa pamamagitan ng kanyang matatamis na ngiti kapag umaga (parang good morning na rin), kapag hapon, and anytime na magkakasalubong ang aming mga mata. Ngiti din ang kaniyang ibinibigay sa tuwing uwian, the simplest way for him to say "Goodbye. Take care". But most of the time, mas physical siya mag-express kaysa verbal. Tuwing dismissal, lagi niya akong tinatapik sa balikat, like he's saying "I'll go ahead, ingat sa pag-uwi".

Minsan ang pagiging pisikal niya ay hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikaiinis (pero I think malabo mangyari yun.) Mahilig kasi siya mangtapik ng malakas sa likod (sort of palo na rin) every time na natutuwa siya sa kanyang kausap. Mga ilang beses ko na ring na-experienced yan. Malaki pa naman ang braso niya samantalang patpatin ako kaya siyempre malakas ang impact. Minsan nga parang gusto kong magpa-Xray bigla para malaman ko kung ayos pa ba ang lungs ko o baka nalaglag na. chenes lang! Hindi naman ako totally naiinis, hindi lang ako sanay na may gumaganon sa akin. Pero I admit, it makes me a little bit kilig (touchy kasi si koya.
Bukod sa malakas na pagtapik sa likod, another response niya kapag siya'y natutuwa ay ang mang-aakbay siya sabay hila ng leeg nito towards him. Maraming beses ko siyang nakita na ginaganon niya ang kanyang mga friends. Sadly, I haven't experienced that yet. Gusto ko din sana maranasan, hihi.



Feeling close siya sa'kin. Halata sa mga actions niya na gusto niyang makipagkaibigan. One morning, ang tagal dumating ng aming prof. We stayed in our classroom habang nag-aantay. Kaunti pa lang kami noon na nasa room dahil yung iba kong blockmates ay hindi pa nagsisidatingan.
     Nakita ko si Arjohn sa kanyang upuan malapit sa may bintana sa right side ng aming room, siya'y mag-isa. Dahil siguro sa kaniyang pagka-bored at naghahanap ng makakausap, lumapit siya sa'kin at naupo sa tabi ko (malapit din ang upuan ko sa may bintana pero sa left side ito ng aming room). Binati niya ako ng ngiti at nginitian ko din siya. After that balik ulit ako sa pag-kalikot ng aking phone which is kanina ko pa pinagkakaabalahan.
Di kami nakapag-usap that time. Parang nag-aalangan kasi siya na kausapin ako. Wala kasi akong kakibo-kibo at marahil iniisip niya na baka hindi ako interesadong kausapin siya, but the truth is nahihiya lang naman ako. Since na parang ayaw kong makipag-communicate sa kanya verbally (yun ang nakikita niya), dinaan niya na lang ito in a physical way. Na-dyahe ako ng slight nang sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. He then gently closed his eyes. I find it weird pero hindi naman ako nag-react at hinayaan ko na lang siya. Tinanong ko siya ng "Ok ka lang ba?", (malay mo kasi masakit lang ang ulo) pero sabi niya naman "Oo, ok lang ako". Well maybe gusto niya lang iparating sa akin na he's comfortable with me.
     Ilang minuto din kami sa ganoong posisyon. Siyempre may kilig effect ito kay bakla. Yun nga lang it came to an end. After several minutes kasi ay dumating na si prof kaya he has to go back on his respective seat. Although we just sat together in silence and never said a word, it feels like it was the best conversation we've ever had.

I remember din one afternoon, sa isa naming subject ay absent ang katabi niya. Nagsabi siya na “Dito ka na lang umupo sa tabi ko.” Magalang akong tumanggi at sinagot siya ng “Salamat. Pero dito na lang ako sa pwesto ko.” Somehow I felt bad kasi na-reject ko siya. I hate myself because I have rejected him for several times na, most of it ay sa tuwing gusto niyang makipag-usap sa'kin at ako naman ay para bang walang interes sa kanya.

     Ngayon, I notice that he is pushing himself close to me much lesser kesa nung dati. He smile pa rin at me pero yung gustong makipagkwentuhan sa'kin, hindi na masyado. Siguro napagod na siyang ipagsiksikan ang kanyang sarili sa'akin. Because of my shyness, maybe he perceives me as cold and aloof. Iyon marahil ang dahilan kaya tumigil na siya. Tama nga siguro yung nabasa ko sa internet na Guys don't go for shy girls (gay in my case), because they know they are not easy to be with.

I get jealous kapag nakikita ko siyang nakikipagtawanan with my blockmates, na dapat sana ako yun. Parang gusto kong mag-sorry sa kanya kasi nabalewala ko siya pero I think di naman siya affected kung gagawin ko man iyon o hindi. Nakikita kong masaya siya kahit wala ako, and it pains me a lot. Hindi naman siya ang naapektuhan sa pagiging snobber ko kundi ako lang din mismo. Hindi ko nabigyan ng chance ang sarili ko na maging masaya at ako lang din ang may kasalanan kung bakit may kalungkutan akong nararamdaman ngayon.

I know that this is all my fault. Kasalanan ko kasi I took him for granted. Ang shunga ko di ba? Oo alam ko, ako na ata ang pinakashungang tao sa mundo. Shunga ako dahil di ko nabigyan ng halaga ang taong nais maging parte ng buhay ko. Dapat noon pa lang pinansin ko na siya. Ngayon ako lang din naman ang nalulungkot at hindi naman siya. Dapat pinakita ko sa kanya na nandiyan lang ako sa tabi niya especially in times na pinakakailangan niya ako. Four days ago, he was not feeling well. May headache siya and is feeling sick dahil na rin siguro sa dibdiban nilang practice sa Pep Squad kung saan nag-eensayo sila sa ilalim ng araw, nauulanan, nalilipasan ng gutom, etc. Nung nakita ko siyang ganun my heart was being shatter.



I feel so low right now. Ang bigat ng pakiramdam ko. I feel like I let a good catch go. I realized that the most painful heartache is the one you created yourself. I broke my own heart and because of that, I am now writhing in pain.

Hindi ko alam kung crush lang ba 'to o baka ako'y in love na. Kung love na nga ito … I am now painfully in love with him.



17 comments:

  1. yes pumapag-ibig :)
    tandaan, kung kayo talaga... eh di ikaw na! hehehe
    ang studies wag kalimutan i-prioritize :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sadyang dumarating lang talaga sa buhay ang time na titibok ang puso at kasabay nito ay ang sakit na maaari nitong maramdaman.

      Delete
  2. hindi pa naman siguro huli ang lahat para ipakita at ipadama mo sa kanya na siya ay mahalaga. kailangan mo lang isaisantabi ang iyong hiya at lakasan ang iyong loob. huwag mong hayaang basta na lang mawala ang isang kagaya niya nang wala kang ginagawa. hindi man matugunan ang damdamin mo para sa kanya, ang mahalaga'y sumubok ka. :)

    ReplyDelete
  3. I feel you ... but siguro its just an infatuation hindi pa love yan beki for sure ...mahirap kc mgparamdam dahil d ka pa open eh ... sana work on youre being more open of your true identity muna at pagtapos niyan saka na susunod yang mga type mong boys ... they will be more open to you at ganun ka din sa kanila : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aware po siya sa pagkatao ko. I am pretty sure about that. A month ago, nagkekwentuhan kami about sa dula-dulaan I participated in. He teases me kasi tatay ang character ko dun (lol), he said baliktad daw ang role ko. Doon ko na-confirm na alam niya ang pagkatao ko.
      Iyon marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. I was so honored that he still chose to befriend me in spite of knowing my real sexuality.

      Delete
  4. hay nako yang mga putanginang pa fall guys na yan. hahaha!

    Careful my dear. One day you might find yourself in the very dark bottom of the pit that you dug for yourself. I fell in love with my best friend. He's straight. He knows now that I'm gay, but he doesn't know i love him.

    It's hard you know, to move on and find a guy when your heart lingers for another. He was never my type. I suddenly found myself falling for him.

    Huwag ka nang umasa. At maligo ka ng malamig na tubig. Baka init lang yan. Hahaha! Is he straight? Kung ganon, please naman, huwag kang magpaka martyr. It's a hard life. I know because I am one... hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman siya pa-fall. Friendly at mabait lang talaga siya sa lahat at iyon ay katangiang hindi niya sadya.

      I was the one who have done bad thing on him (yung pande-deadma ko sa kanya.) I was the one who have hurt myself. Wala siyang kasalanan. Siya yung tipo ng tao na ayaw makasakit.

      By the way, he is straight (I am always been attracted to straight guys and never on gay ones, I don't know why). Kakambal na siguro sa buhay ng tulad ko ang heartaches, unrequited love, at mga kasawian. Maybe the only thing I can do is learn to live with it.

      Delete
  5. Ms. Beki, suggest ko lang bilang isang lalaki na friendship na lang. Alam kong masakit sa part mo pero ang inaalala ko lang kasi is baka hindi ganoon ka-bukas ang isip niya para sa isang tulad mo upang pasukin ang relationship over friends at baka masaktan ka lang sa huli. Yes, hindi maganda yung advise ng iba sa iyo tungkol dito pero pakaisiping ito ang mga karanasan (or naranasan nila I should say) na ayaw nang maulit pa sa iyo.

    Pero kung gusto mo pa ring i-push, go! Try him, at walang magbabawal ^_^ We are here to give you a moral support and I'll cheer you up on this!... just be ready para sa feelings mo syempre kung ano ang kalalabasan pagkatapos :D #TiwalaLang #Puso

    P.S. Di baleng hindi ka niya mahal, puwes, nandito naman ako (kami ng mga readers mo) para mahalin ka. O diba wonderful? Hehe.,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyprend. Actually parang ayokong mag-boyfriend at all kasi ang magmahal nga eh masakit na what more ang pilit na pag-enter sa isang relationship di ba? For sure too much heartache yun. Sapat na sa'kin ang magmahal lang muna.
      (Bisitahin mo Jay ang link sa baba pag may time ka. Na-explain ko diyan ng bongga ang tungkol sa bagay na iyan.)
      Link→ http://anonymousbeki.blogspot.com/2015/01/paano-magmahal-si-anonymousbeki.html?m=1

      Ang ini-emote ko lang ngayon is yung pain at yung guilt na rin dahil hindi ko siya na-value na kung ginawa ko lang dati eh di sana hindi ako feeling alone ngayon at close sana kami. He has no idea that I like him.

      Anyway, I was so touched sa last na sinabi mo. Thank you so much Jay at sa lahat ng readers/commenters as well kasi you are always there for me whenever I feel gloomy or happy.

      P.S. So refreshing to hear an insight coming from a straight guy like you. Thanks Jay.

      Delete
  6. toroy nagdadalaga si ateng. hihihi naku ingat ingat din hija. ingatan ang puso baka mabasag!

    ReplyDelete
  7. awwwwwww. i think nagiging over protective ka lang sa puso mo. ganun daw kasi paminsan. instead na masaktan ka ng bongga kung naging something, people tend to ekis the pagibig before magstart. haaaaaaay. beso tayo sa pagiging sapiosexual! peg ko rin yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's exactly what I did. Iniwasan ko siya kasi ayaw kong mahulog at masaktan pero ang ending ako'y nahulog at nasaktan pa rin. Aking napagtanto na hindi pala napipigilan ang puso na umibig. Napagtanto ko rin na mas mabuti na ang masaktan pero nakadama ng saya kesa yung masaktan lang na walang naranasang happiness at all. In my case, I experienced the latter.

      Delete
  8. Me too, ms beki. I also like alpha males. But i've always restrained myself from letting a boy know how i like him. Kaya eto, turning 30 in a few months pero nbsb p rin. Like u, i fear that i'll just get hurt. Dahil alam nman natin how improbable it is for a straight man to love another man (gay).

    ReplyDelete
    Replies
    1. When I fall in love, I guess I'll do the same. I will just hide my feelings for a guy and not let him know that I like him. I have read and heard so many stories in which the friendship between straight and gay man changed when the latter confessed his love to the former. I don't want to experience that. I don't want to lose him.

      Delete
  9. Me too, ms beki. I also like alpha males. But i've always restrained myself from letting a boy know how i like him. Kaya eto, turning 30 in a few months pero nbsb p rin. Like u, i fear that i'll just get hurt. Dahil alam nman natin how improbable it is for a straight man to love another man (gay).

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺