Magti-three years na ang nakalipas pero natatawa pa rin ako kapag naalala ko ang eksenang ito. Samahan niyo ako na balikan ang alaala mula sa aking dalaginding days.
***
Almost 3 years ago, Buwan ng Abril…
Bandang alas singko na ng hapon. Palubog na ang haring araw. Kulay kahel na ang kalangitan. Ako'y sakay ng jeep pauwi galing sa eskuwelahan. 3rd year high school ako nung panahong iyon, kinse anyos.
Bumaba na ako ng jeep. Pagkatapos bumaba ay kailangan ko pang sumakay ng tricycle para tuluyang makauwi. Nakita ko na ang paradahan. Ngunit imbes na umuwi na ay mas pinili ko ang tumingin-tingin muna sa baratilyo. Malapit na kasi ang Festival sa aming probinsya kaya naman sa lungsod ay makikita na ang mga itinayong ukay-ukay, mga tindahan ng DVD, at kung ano-ano pang mga tinda na mura lang ang presyo.
Para akong nagwi-window shopping pero hindi sa mall. Favorite part ko sa lahat ay ang tindahan ng DVD. Gustong-gusto ko ang tumingin sa mga paninda dahil may mga bagong pelikula akong nalalaman. Kung minsan paghahalungkat ang eksena ko. Bet kong kalkalin yung mga DVD na animated katulad ng Shrek, Toy Story, Up, Despicable Me, and the likes (forever young at heart kasi ang lola niyo).
Ngunit ang forever young at heart ay nabahiran sa oras ding iyon. Natuon ang aking pansin sa DVD na nakasabit sa dingding, sa pinakadulong sulok ng tindahan. Pang-adult yun, at hindi lang basta pang-adult kundi gay themed pa. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit medyo malayo ang pwesto ko ay parang luminaw bigla ang aking paningin at sinipat kong mabuti ang nasabing paninda. Dalawang nakajubad na otoko ang nasa larawan, mga gwafu, macho, at talaga namang "complete package"! Ininitan ako bigla, so to speak. Nakaka-LV talaga mga teh. As in "le vogue" (what a word!).