December 24, 2014
Wednesday, 11:00 pm
May party/Noche Buena sa aming kapitbahay na kamag-anak din namin. Um-attend doon ang dalawa kong kapatid samantalang ako ay mas piniling manatili na lamang sa aming bahay (palagi naman akong ganyan lol.)
Wala pa din ang food. Na-bored na ako kaya ako'y natulog na lang.
December 25, 2014
Thursday, 9:00 am
Nagising ako dahil sa alingawngaw ng isang babae.
“Hoy! Gumising ka na! May mga pagkain dito! Mag-almusal ka na at baka maubusan ka na naman!”, ngek. Yung nanay ko pala.
Bumangon na ako at tinungo ang dining area. Tumambad sa akin ang mga pagkain. Ito ang mga pagkaing ipinangako ng aming kapitbahay. Ang mga fudams ay
baked mac and cheese,
chocolate cake,
leche flan, a
t gulaman. Ang nakakaloka pa nito ay ako na lang pala ang hindi nag-aalmusal kaya pressure sa akin na ubusin ang lahat ng ito. Hindi kaya pumutok diyan ang tiyan ko?
Nakakaumay din pala kapag andame mo nang nakain. Maya-maya ay may pahabol pa.
Spaghetti at
macaroni salad na galing naman sa isa pa naming kapitbahay. Nung makita ko yun parang gusto ko nang maglungad.
Masaya talaga kapag meron kang mababait na kapitbahay/kamag-anak. Sari-saring pagkain ang dadating sa iyong tahanan tuwing Pasko.
Kinagabihan, dumating si Auntie para mamigay ng regalo. Pera ang aking natanggap mula sa kaniya. Actually mas gusto ko na lang ang pera dahil ako mismo di ko alam kung anong gusto ko.
December 26, 2014
Friday, 3:00 pm