Showing posts with label words of wisdom. Show all posts
Showing posts with label words of wisdom. Show all posts

Monday, June 11, 2018

Love Advice from Bagong Kuya

     Whaaatt'ssss uupppppp mga ka-chikaaaaaaaa!!! First of all I wanna say sorry dahil jusme 2 years pala akong nawala sa blogosperya at sorry kasi wala akong maibigay na excuse sa inyo kung bakit ganon.
Image from https://www.mickeyellison.com/wp-content/uploads/2016/08/2-years.png

Anyway, sobrang na-miss ko kayong readers ko. In fairness huh, may mga bumibisita pa rin pala sa blogelya kong ito. Maraming salamat po sa patuloy na pagtakilik. Oh siya eto na. May chika ako sa inyo and I promise, meron itong kwenta this time. hahahhaha



Friday, October 23, 2015

Words of Wisdom mula kay Guidance Counselor

     Tapos na ang first semester. This week ay pagpapapirma na lang ng clearance ang sadya namin sa pagpunta sa school. Hindi siyempre mawawala sa listahan ng dapat hingian ng autograph ang guidance counselor (GC). Kahapon lang ng umaga nang pumunta ako sa office ng aming GC para magpa-sign. Solo flight aketch dahil yung mga blockmates ko ay tapos na, mga two days ago pa ata. Kaya naman mag-isa akong pumasok sa pintuan ng opisina. Napansin kong si madam guidance counselor lang ang taong naroon.

     “Good morning po ma'am. Magpapapirma po ako ng clearance.” magalang na sabi ko.

Umupo ako sa chair while waiting na matapos ang kaniyang paglalagda. Ngunit sa halip na pirmahan agad ay tiningnan niya muna ang aking papel at siya ay nagtanong sa akin.

     “Kumusta naman ******** ang pag-aaral mo this college?” tanong niya sa akin.

     “Okay naman po,” ang magalang kong sagot.




Nase-sense ko na may magaganap na one-on-one interview between us, siya ang host at ako ang guest. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan. Dapat pala sumabay na ako sa iba kung blockmates nung nagpapirma sila dito two days ago. Ang tanging pinagawa lang sa kanila noon ay ang i-recite ang Mission/Vision ng aming university; and I assume na hindi naman sila nilahat kasi madami sila. 

Saturday, February 14, 2015

Love and Saxophone

February is the Month of Love. Ito rin ang buwan kung saan pinakamarami ang naitatalang “lindol" sa Pilipinas. Aba, huwag kang magtatangkang tumawag sa PHIVOLCS para magtanong kung ito ba ay tectonic o volcanic origin dahil malamang ito ang isasagot nila sa'yo: “Motel origin teh!” Haynaku, nangangamoy kaimito na naman ang paligid. CHOS!


Sweet na sweet na naman ang mga couples. Pero marami pa din ang mga single. Kung isa ka sa kanila, wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa, madami kayo. KAYO!? :)
Char! Siyempre kasapi din ang inyong lingkod. Kung single ka, wag ka nang malungkot. Gayahin niyo na lang ako.

Kahit wala akong jowa ay feeling in love pa rin ako. Ito ay sa pakikinig lang ng mga romantic saxophone music. Very relaxing kasi at talaga namang nakakainlab ang musikang ito. Yung kahit wala kang jowa eh pakiramdam mo ay in love ka. Yung kahit na wala kang partner eh pakiramdam mo ang taas taas ng (love hormone) oxytocin levels mo sa katawan.

Tatlo sa pinakapaborito kong saxophone music ay ang mga tinugtog ng sikat na American saxophonist na si Kenny G. Di nakakasawa ang kanyang musika. Kapag ito'y iyong marinig mararamdaman mong parang ikaw ay nasa alapaap.

Isa-isahin natin ang tatlo sa pinakapaborito ko.