Showing posts with label lungkot. Show all posts
Showing posts with label lungkot. Show all posts

Sunday, December 20, 2015

Devastated


     Kamustasa na kayo mga ka-chika? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hahabaan ko na lang itong post na 'to para sulit ang inyong paghihintay.

I hope na nasa okay kayong situation right now despite the typhoon na dumaan kelan lang. Don't worry about me dahil ako'y keribells naman. Hindi naman masyadong na-devastate ang aming lugar dahil apparently nadaan sa mga dasal. Thank you Lord. Thank you thank you for the love!

Happy din ako dahil mabilis na naibalik ang kuryente dito sa province especially sa aking siyudad. Ngayon ay kumikislap-kislap na naman ang mga Christmas lights. Nakatayo na naman ang mga Christmas Tree sa mga kabahayan na simbolo ng aming pagbangon mula sa naranasang bagyo. Simbolo din ito na life goes on. Tuloy na tuloy pa rin ang pag-celebrate ng Pasko. Balik na naman sa dati ang pamumuhay ng mga taga-rito.

Feel na feel ko na talaga ang Yuletide season. Damang-dama ko na rin ang masayang vibe sa atmosphere dala ng Kapaskuhan. Tiningnan ko ang kalendaryo. 5 days na lang pala at Pasko na. Time flies so fast talaga.


Wednesday, November 11, 2015

Starting Over Again


     Busy na naman ang inyong lingkod kaya naman di ako nakapag-update agad. Monday last week nang nag-resume ang aming classes after the sembreak. 2nd semester na mga teh, bagong simula. Kasabay nito ay na-shock ako dahil may naganap na reblocking. Yung mga dating blockmates ko noong 1st sem, ngayon nagkawatak-watak na. Mga 15 na lang ata ang natirang original, the rest napunta na sa ibang section, I mean sa ibang block.

Medyo nalungkot ako nung nalaman kong magkakaroon ng reblocking. All I thought kasi was yung blockmates ko nung unang semester ay magiging blockmates ko pa rin until now. Chika ng kaibigan kong si Charee which is 2nd year college na ngayon sa parehong university, yung blockmates niya noong 1st year, blockmates niya pa din daw hanggang ngayon; and probably blockmates niya pa rin until she graduate. Buti pa sa department nila ganun ang sistema. Ewan ko ba kung bakit may reblocking ekek sa aking course. Siguro depende ata sa trip ng department.

     Naalala ko yung mga dati kong blockmates. Super mababait lahat. Walang bully. Walang annoying. Mami-miss ko talaga sila. Alam niyo bang last year ay panay yung dasal ko na sana 'pag college ko ay friendly ang aking maging blockmates. Binigay naman ni God, pero nagbago ito ngayong ikalawang semestre.

Saturday, September 19, 2015

Arjohn

     I have a crush on this guy. Blockmate ko siya. Itago natin siya sa pangalang Arjohn. Let me describe him in my own perspective. Hindi siya super gwapo, pero meron siyang kakaibang appeal na nakakapagpapogi sa kanya. Katamtaman ang kanyang height. Sa complexion, katamtaman din. Sa body physique, hmmm… I find him hot. Papalicious siya for me. Pero you know what, hindi naman 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Noong una nga di ko naman talaga siya bet na bet. Pero dahil sa wonderful siya (that's the perfect word to describe him), doon na namangha ang puso ko.

He is wonderful because he can sing and dance, not that extremely good but when I say "he can" that already means he has a talent. Aside from that, he is also an intelligent man (sapiosexual pa naman ako). Every time we will have an exam, he never waste his time on senseless things but instead he uses it para mag-review. Nagdadaldalan ang mga blockmates ko samantalang siya busy na nagme-memorize sa kanyang upuan. He really prioritizes his study. Napakasipag niyang mag-aral. Always din siyang nakikinig sa lesson ng aming mga prof sa lahat ng subjects, kahit sa Algebra&Trigo. Magaling siya sa Math and the rest of our subjects. Minsan nga iniisip ko kung ano kaya ang hindi niya kayang gawin?
Anyhow, good leader din siya. Siya ang aming president sa isa naming subject. Siya ang nagsasaway sa mga maiingay kong blockmates kapag mistulan nang palengke ang aming room. He is very responsible. I can see na he is giving his 100% best sa lahat ng kanyang ginagawa.


More than his looks and talents, I was more captivated by the beauty of his heart. What I love most about him is that he has a very amiable character. He always greet everyone with a smile on his face. Madali siyang lapitan at napaka-friendly niyang tao. Di pa nagwa-one month since nag-start ang aming classes marami na agad ang kanyang naging kaibigan dahil sa taglay niyang kabaitan. There is so much to love about this man. He is almost perfect and that is not an exaggeration. He is very admirable. That's how amazing he is.

Tuesday, August 25, 2015

Buhay Kolehiyala

Hello there!

Grabe ha. Ang daming event sa school. Last week lang ay midterm exam namin kaya naman witchelz ako nakahanap ng time para makipagchikahan with you as I was busy siyempre na mag-review. Pero ngayon since free ako, susulitin ko itong moment para magbahagi sa inyo ng aking kwento. As promised, ichichika ko na sa inyo ang mga experiences ko ngayong college na akik. Medyo mahaba lang 'to. Sana basahin at tapusin niyo. Wag mag-skip reading ha. Enjoy!





 June 8, 2015
Monday


    Ito ang aking first day of school. 7:30 am ang aking first subject. Nagmamadali ako sa pagrampa papunta sa aking unibersidad dahil male-late na ako. Super kinakabahan ako that day, kasi siyempre new school, new environment, new experience, new classmates, new professors, at siyempre new chapter ito ng life ko. Besides, di naman lingid sa inyong kaalaman na natigil ako sa pag-aaral ng 2 years kaya naman bonggang adjustment ito for me.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong andun na ang aking mga blockmates. Agad akong naghanap ng mauupuan at buti na lang meron akong natagpuan. Pagkaupo ko ay diretso paypay ang lola niyo dahil sa hingal sa paglalakad. Hello?! Hinanap ko pa kaya itong room. Buti na lang wala pa yung professor.

About 20 minutes after, saka dumating ang aming prof. Nagpakilala siya at mukhang mabait naman. After ng kanyang subject ay vacant/free time namin so what I did was umuwi na ako ng balur. Alangan namang mag-hintay ako dun hanggang sa sumapit ang second subject namin which is mamaya pang ala-una. Imagine 3 and a half hours kaya yun.

Pagsapit ng hapon, 2nd subject na. Bet ko ang classroom kasi naka-aircon. Actually laboratory ito wherein may mga computer sa loob for the students.
Maya-maya lamang, I started to feel uneasy kasi sabi ni prof isa-isa daw kaming magpapakilala. Instant kabado na naman ako. Alam niyo bang ako pa yung unang natawag. So ang ginawa ko ay nagpakilala ako with my name, kung saan nakatira, saang school grumadweyt, and other chuchu details. Di ko na sinabi kung ilang taon na ako. Baka kasi tawagin nila akong kuya. Ayoko nga. Mostly, 16 years old pa lang ang aking mga blockmates (turning 17 pa lang this year). While me, 19 na ako (nag-birthday ako nung June. Pwede niyo po akong batiin kahit belated na.)
Meron nga akong ibang kaklase na 15 yrs old pa lang. Oh davah ang babagets. I feel so old. Pero when it comes to face, parang di naman nagkakalayo ang aming mga edad. Di naman sa pagmamaganda pero parang hindi tumatanda ang aking hitsura, kaya naman hindi halata na ako'y diecinueve na. Yung iba nga parang mas matured-looking pa sa akin. Yung blockmate ko ngang lalaki, 15 lang daw siya, but he looks like a father already, seriously.
Thankful ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balbas sa chin, samantalang yung mga blockmates ko meron na sila. Yung isa nga eh nakita kong may happy trail na. Na-shock ako dun ng very very light. lols :-0


Monday, March 30, 2015

Libing

Hello mga ka-chika. Kamusta kayo? Ako heto ok naman. Dalawang linggo din akong di nakapag-blog at pasensya na kung wala akong magandang rason kung bakit mashogal akong nawala.
Anyhow, ano nga pala ang balak niyo this Holy Week? Ako stay lang sa house. Nung isang linggo, ano ang ganap niyo? Heto ang sa akin:

Last week, kasama ko ang aking family na pumunta sa libing ng aking lola. Pagkarating namin doon ay nakita kong ang daming utaw. Nakita ko dun ang aking mga uncles, aunties at mga cousins na medyo matagal ko na ring hindi nasilayan sa loob ng maraming taon.

Nakaburol ang labi ng aking lola sa tahanan ng aking tiyahin. Pumasok ako. Dumungaw ako sa kabaong. Nakita ko ang bangkay ni lola. Medyo na-miss ko siya. Medyo nalungkot ako ngunit may parte sa akin ang nagsasabing tanggap ko na ang nangyari. Siya yung naikwento ko sa inyo sa isang post ko noong Pebrero [click here]. Ilang linggo din siyang nakaratay sa higaan. Dalawang linggo na ang nakakaraan at dumating na ang takdang araw— siya ay pumanaw na. Lagpas otchenta na si lola. May edad na kaya't marahil hindi na nakapagtataka kung bakit di na siya naka-survive sa kanyang karamdaman. Expected na din namin na ganito ang mangyayari pero siyempre may konting lungkot pa rin kaming nararamdaman.