December 24, 2014
Wednesday, 11:00 pm
May party/Noche Buena sa aming kapitbahay na kamag-anak din namin. Um-attend doon ang dalawa kong kapatid samantalang ako ay mas piniling manatili na lamang sa aming bahay (palagi naman akong ganyan lol.)
Wala pa din ang food. Na-bored na ako kaya ako'y natulog na lang.
December 25, 2014
Thursday, 9:00 am
Nagising ako dahil sa alingawngaw ng isang babae.
“Hoy! Gumising ka na! May mga pagkain dito! Mag-almusal ka na at baka maubusan ka na naman!”, ngek. Yung nanay ko pala.
Bumangon na ako at tinungo ang dining area. Tumambad sa akin ang mga pagkain. Ito ang mga pagkaing ipinangako ng aming kapitbahay. Ang mga fudams ay baked mac and cheese, chocolate cake, leche flan, at gulaman. Ang nakakaloka pa nito ay ako na lang pala ang hindi nag-aalmusal kaya pressure sa akin na ubusin ang lahat ng ito. Hindi kaya pumutok diyan ang tiyan ko?
Nakakaumay din pala kapag andame mo nang nakain. Maya-maya ay may pahabol pa. Spaghetti at macaroni salad na galing naman sa isa pa naming kapitbahay. Nung makita ko yun parang gusto ko nang maglungad.
Masaya talaga kapag meron kang mababait na kapitbahay/kamag-anak. Sari-saring pagkain ang dadating sa iyong tahanan tuwing Pasko.
Kinagabihan, dumating si Auntie para mamigay ng regalo. Pera ang aking natanggap mula sa kaniya. Actually mas gusto ko na lang ang pera dahil ako mismo di ko alam kung anong gusto ko.
December 26, 2014
Friday, 3:00 pm
Showing posts with label Noche Buena. Show all posts
Showing posts with label Noche Buena. Show all posts
Saturday, December 27, 2014
December 24, 25, and 26 (2014)
Labels
Christmas,
Christmas 2014,
Noche Buena,
Pasko,
Pasko 2014
Isang beking mahilig magsulat, magbasa at chumika. Sa blog na ito'y mag-eenjoy ka. Tenkyu pala sa pagbisita, paki-follow na din po itong aking blogelya.
Wednesday, December 24, 2014
Christmas Party and Notches Buena
![]() |
| image from www.breakmystyle.com |
Maya-maya lamang ay Noche Buena na! Samut-saring food na naman ang ating matitikman sa hapag-kainan. Last week lang eh kabubusog pa lang ng karamihan sa atin sa kaliwa't kanang mga Christmas Party.
Speaking of it, I really miss the Christmas Party sa school. Kawawa nga me dahil Grade 6 elementary pa nung last ko na-experience ‘yan which was 6 years ago.
I'm so malas talaga dahil hindi man lang ako naka-attend ng kahit-isa man lang noong highschool dahil sa iba't-ibang rason.
First year highschool. Wala kaming Christmas Party dahil busy sa pag-aalburuto ang Mayon Volcano (alert level 4 ito) nung mga panahong iyon at kailangang gawing evakyuweyshen cener ang aming school. Ang tanging reaction ko lang was “OK sige, may next year pa naman.”
Nung second year ay na-dissapoint lang ako dahil wala din pala ulit. I can't remember the exact reason why we had no party that time. Basta parang tungkol ata sa school, sa teachers, may seminar sila? Di ko na matandaan.
Labels
Christmas,
Christmas 2014,
Noche Buena,
Pasko,
Pasko 2014
Isang beking mahilig magsulat, magbasa at chumika. Sa blog na ito'y mag-eenjoy ka. Tenkyu pala sa pagbisita, paki-follow na din po itong aking blogelya.
Subscribe to:
Posts (Atom)
