Showing posts with label traydor si friend. Show all posts
Showing posts with label traydor si friend. Show all posts

Tuesday, November 18, 2014

Traydor si Friend (Part 2)

Mejo nabo-bored ako ngayong araw na ‘to. Makapag-sound trip nga.

♪♪ Sa t*ti mo jump out my bed…♪♪

Ay! Sorii! Mali pala ang leyriks ko! Kasi naman 'tong Magic, hindi malinaw ang pagkakakanta ng intro ng Rude. Honestly, ganyan ang pagkakaintindi ko nung first time ko 'yang narinig. Buti na lang di ako sumali sa Singing Bee dahil kung ginawa ko yun maliban sa maaga akong mae-eliminate eh baka ma-MTRCB ako. ahahahaha

Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Parang ang layo sa title ng post ah. Pagpasensiyahan niyo na ako mga kapanalig, sadyang malikot lang talaga ang imahinasyon ng inyong lingkod.
O siya, punta na tayo sa main topic ng araw na 'to. Narito na po ang Part 2 ng “Traydor si Friend”. Kung hindi niyo pa nababasa yung Part 1 i-click niyo lang ito.

------------------------------------

PART 2

Pagpapatuloy…


As the days passed into weeks, non-stop pa rin ang palihim na pagchi-chismisan ng mga girl classmates ko tungkol sa akin. Alam ko din na ilan sa mga boys ang may alam na sa sikreto ko, dahil nararamdaman ko. Buti nalang at hindi nila ito ipinagsisigawan sa iba pa naming kaklase dahil pag nagkataon eh matinding pang-aasar ang aabutin ko sa kanila.

Friday, November 7, 2014

Traydor si Friend (Part 1)

Naranasan mo na bang matraydor ng kaibigan? Masakit diba? Naranasan ko na rin 'yan at ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayon.
[Sinadya kong palitan ang kanilang mga pangalan upang maitago ang kanilang tunay na katauhan.]

--------------------------------


Taong 2011, huling linggo ng Mayo.

Tumungo ako sa aking paaralan para sa Brigada Eskwela. Pagkarating dun ay agad kong sinimulan ang pagwawalis, pagda-dust pan, at pagtatanggal ng mga ligaw na damo. Isa lang ang kasama kong naglilinis sa lugar na iyon, ang aking bagong kaklaseng lalake na hindi ko pa kilala. Habang patuloy ako sa pagwawalis ay napansin kong gwapo pala siya. Napa-WOW akez sabay tambling ng 20x. (CHOS! Biro lang! Hindi ganon.) Moreno siya at matangkad, singkit din ang kanyang mga mata, at higit sa lahat ang lakas ng appeal niya, swabe pang kumilos.