Showing posts with label laughtrip. Show all posts
Showing posts with label laughtrip. Show all posts

Wednesday, January 27, 2016

Literally and Figuratively

Gustong gusto ko ng petchay sa sinabawan, literally.
On the other hand, never akong kakain ng “petchay” na may sabaw, figuratively. Ew!

Saturday, September 12, 2015

Ang Awkwaaaaarrrdddd!


     We've all experienced awkward moments in our lives. Some of it are just so unforgettable na kahit gusto mo na itong makalimutan ay di mo pa rin mabura-bura sa iyong isipan at magpahanggang ngayon ay matatawa ka pa rin pag ito'y iyong maaalala. Lalo na siguro kung recently lang naganap ang awkard moment na iyon, talagang mahirap i-forget. 'Yan mismo ang ikikwento ko sa inyo for today, tungkol sa aking mga ‪#‎AwkwardMoments‬ na kung sa inyo nangyari, malamang di niyo rin alam ang inyong gagawin.

Okay. Let's start off with Awkward Moment # 1. Isang tagpo na bibigyan ko ng pamagat na Bakit Mo Sinampal Ang Pisngi Ko? Heto ang istorya:

     2 weeks na ang nakakaraan. Sa aming PE class…

     “Today, magtuturo ako sa inyo ng sayaw. OK, stand up class. Tayo'y magwa-warm up muna”, wika ni professor.

Ayun, nag-warm up na kami. After that, gumawa kami ng walong linya para di magulo. Then, pumunta na kami sa aming kanya-kanyang mga pwesto. Nakatabi ko noon si crush (slight crush lang naman), itago natin siya sa pangalang Ramon. He's cute. Lalaking lalaki gumalaw. Medyo makulit. Pero di kami close, not even a little.

Anyway, nagsimula nang magturo ng choreography si ma'am. May mga patalon-talon na step. Mayroong pakembot-kembot. Meron din namang to-the-left-to-the-right. Medyo nakakahingal. Todo bigay daw dapat ang energy.
Di naiwasang maging hyper ng aking mga blockmates. Obviously, they are having fun. Meanwhile, itong si Ramon naging hyper na din. All out siya sa pagsayaw na parang bata. Pero di ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagsasayaw.

Bigla na lang akong natigilan when he suddenly slapped my butt. Yes, you read it right, he slapped my butt at malakas iyon. Naging question mark bigla ang facial expression ko. Tila nagtatanong ng "Why did you do that?"



Tuesday, August 25, 2015

Buhay Kolehiyala

Hello there!

Grabe ha. Ang daming event sa school. Last week lang ay midterm exam namin kaya naman witchelz ako nakahanap ng time para makipagchikahan with you as I was busy siyempre na mag-review. Pero ngayon since free ako, susulitin ko itong moment para magbahagi sa inyo ng aking kwento. As promised, ichichika ko na sa inyo ang mga experiences ko ngayong college na akik. Medyo mahaba lang 'to. Sana basahin at tapusin niyo. Wag mag-skip reading ha. Enjoy!





 June 8, 2015
Monday


    Ito ang aking first day of school. 7:30 am ang aking first subject. Nagmamadali ako sa pagrampa papunta sa aking unibersidad dahil male-late na ako. Super kinakabahan ako that day, kasi siyempre new school, new environment, new experience, new classmates, new professors, at siyempre new chapter ito ng life ko. Besides, di naman lingid sa inyong kaalaman na natigil ako sa pag-aaral ng 2 years kaya naman bonggang adjustment ito for me.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong andun na ang aking mga blockmates. Agad akong naghanap ng mauupuan at buti na lang meron akong natagpuan. Pagkaupo ko ay diretso paypay ang lola niyo dahil sa hingal sa paglalakad. Hello?! Hinanap ko pa kaya itong room. Buti na lang wala pa yung professor.

About 20 minutes after, saka dumating ang aming prof. Nagpakilala siya at mukhang mabait naman. After ng kanyang subject ay vacant/free time namin so what I did was umuwi na ako ng balur. Alangan namang mag-hintay ako dun hanggang sa sumapit ang second subject namin which is mamaya pang ala-una. Imagine 3 and a half hours kaya yun.

Pagsapit ng hapon, 2nd subject na. Bet ko ang classroom kasi naka-aircon. Actually laboratory ito wherein may mga computer sa loob for the students.
Maya-maya lamang, I started to feel uneasy kasi sabi ni prof isa-isa daw kaming magpapakilala. Instant kabado na naman ako. Alam niyo bang ako pa yung unang natawag. So ang ginawa ko ay nagpakilala ako with my name, kung saan nakatira, saang school grumadweyt, and other chuchu details. Di ko na sinabi kung ilang taon na ako. Baka kasi tawagin nila akong kuya. Ayoko nga. Mostly, 16 years old pa lang ang aking mga blockmates (turning 17 pa lang this year). While me, 19 na ako (nag-birthday ako nung June. Pwede niyo po akong batiin kahit belated na.)
Meron nga akong ibang kaklase na 15 yrs old pa lang. Oh davah ang babagets. I feel so old. Pero when it comes to face, parang di naman nagkakalayo ang aming mga edad. Di naman sa pagmamaganda pero parang hindi tumatanda ang aking hitsura, kaya naman hindi halata na ako'y diecinueve na. Yung iba nga parang mas matured-looking pa sa akin. Yung blockmate ko ngang lalaki, 15 lang daw siya, but he looks like a father already, seriously.
Thankful ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balbas sa chin, samantalang yung mga blockmates ko meron na sila. Yung isa nga eh nakita kong may happy trail na. Na-shock ako dun ng very very light. lols :-0


Saturday, July 18, 2015

Ang Pagbabalik ni Beki

What's up mga ka-chika??!! I'm sorry for not writing for three months. The reason why hindi ako nakapagsulat ng blog post for so long is, I admit, medyo tinamad ako. Alam ko na ang pagiging tamad ay hindi dapat ugali ng isang tunay na writer (writer?! wag kang feeling! blogger lang kamo. lol) kaya naman ngayon humihingi ako sa inyo ng maraming pasencious. Oh heto na, magsusulat na 'ko. Baka kasi nagtatampo na kayo.

Let's talk about my summer vacation. I know this is a late post (talagang late na late na! juzko tag-ulan na nga ngayon) pero ikikwento ko pa rin sa inyo. As the saying goes: 'Better late than never'. Pramis, after this tungkol naman sa aking college experience ang chika ko sa inyo. But for now, yung summer vacay na muna.




Nanood ako ng Daragang Magayon Festival 2015, a month-long festival dito sa aming province na nagsisimula tuwing Abril at natatapos pagsapit ng Mayo. Dalawa sa pinanood namin ay ang mga highlights ng festival, ang search for Ginoo ni Daragang Magayon 2015 at ang Mutya ni Daragang Magayon 2015 (pageants).

Ginoo ni Daragang Magayon 2015
Mutya ng Daragang Magayon 2015


Sad to say wit ako nakapanood ng Bikini Open. Ka-imbyerna. Tuloy di ako naka-sightsung ng real-life sagingan. lol


Sunday, January 25, 2015

Palpak English

Kahapon, may nakita akong mga nakakatawang pictures sa isang Facebook page. I burst out laughing upon seeing these photos. I’m still on the floor trying to catch my breath! Ay teka, ayokong mag-English. Baka tawanan niyo din ako. LOL

So ayun na nga, gusto kong idamay kayo sa headache na naranasan ko (ang sama) after kong makita itong mga pictures tungkol sa mga facebook users na trying hard mag-English. Pramis nakakatawa ‘to. Heto oh tingnan niyo na lang.


Nakakabingi naman ang hearstyle mo.
Ang hirap mag-choice ano? Pakalbo ka na lang ate.




Sige teh mag-camping ka. Lol

Tuesday, January 20, 2015

Churvahan sa Ere

Noong nakaraang linggo

Malalim na ang gabi at bet ko nang bumorlog. Papahiga na ako nun sa aking higaan nang makarinig ako ng mahinang tunog na nagmumula sa kung saan.

Pagkahiga ko ay dun ko na nakita ang dalawang butiki sa kisame na naghahabulan.

Siyempre noong una ay deadma lang ang lola niyo, pero nagimbal din ako eventually nang magsimula na silang magchurvahan. Aba aba! Dito pa talaga sa may tapat ko naglalandian. Mga walanghiya.

photo from: image.shutterstock.com

Saturday, January 10, 2015

Pulbos ni Beki

image from topclassactions.com

Sa panahon ngayon ay super liberated na ang sangkatauhan when it comes to paglalagay ng pulbos sa kanilang mga feslak, mapa-babae man o lalaki.

Napatunayan ko na 'yan nung ako ay nasa hayskul pa. ‘Yan ang ichi-chika ko sa inyo ngayong araw na ito.

Nung 3rd year ako ay uso sa amin ang panghihingi ng mga lalaki ng powder sa mga babae. Mga straight po sila huh, I’m very sure of that. Tuwing uwian ay karaniwang nang makikita ang mga nakabukas na palad ng mga otoks na itey na naghihintay na mabiyayaan ng pulbos. Mga walang pakundangan. Hingi lang ng hingi. Mga hindi naman nga marunong gumamit. Grabe makalagay ng pulbos, akala mo ay inubos ang isang kilo nito at nilagay lahat sa fez. Konti na lang at mapagkakamalan mo na silang mga geisha ng Japan.

Buti pa sila. Parang gusto ko ring magpulbos. Nakaramdam ako ng konting inggit ngunit di naman ako makahingi sa kanila dahil di ko naman sila ka-close.

Aha! Buti na lang at may naisip akong bright idea. Ninenok ko ang ekstrang pulbos sa aming bahay at dinala ko ‘to sa school nang sa ganun ay pwede na rin ako makapag-retouch kapag breaktime. Hehe.

Pagsapit ng tanghali, nagkaroon ako ng pagkakataon para makapagpaganda. Saktong ako lang ang nasa room noong mga oras na ‘yun. Kailangang walang makakita, pagkakaguluhan ang aking pulbos ‘pag nagkataon. At higit sa lahat, baka magtaka sila kung bakit ako nito meron.

Habang walang utaw ay sinimulan ko na ang paglalagay ng Johnson's baby powder sa aking feslaboom, with feelings huh. Sinamantala ko ang moment para sa aking transformation. Habang damang-dama ko ang pagdampi ng aking mga palad sa aking pisngi ay di ko namalayang meron palang dumating.

“Hala! Ba’t may pulbo ka? Bakla ka ba?
(Jusme! Si crush pala! Nakita niya yung pulbos ko sa bagnakalimutan kong isara. Waaaahhhh!)
“Hala bakla ka. Ayyy bakla. Bakla ka!”

Friday, December 19, 2014

Santa Claus, wer na u?

image from cdn.vectorstock.com

Karamihan sa atin ay minsang naniwala na totoo si Santa Claus lalo na nung bagets days natin. May mga bagets na hindi nauto, at meron din namang mapahanggang sa ngayon ay nabubuhay pa rin sa kasinungalingan. Halimbawa na diyan ang kaklase kong itago natin sa pangalang Rico (sinadya kong itago ang kanyang katauhan para mailayo siya sa kahihiyan).

Naging kaklase ko siya noong huling taon ko sa hayskul. Seatmates kami.

Ang eksena

Pasado alas tres na ng hapon. Last subject na. Malapit na ang uwian. Mega chikahan ang aking mga klasmeyts dahil wala naman seatwork na binigay si teacher. Parang free time na din. As usual,
tulaley lang ako dahil mahiyain me.

Nang biglang may tinanong sakin si Rico.

Monday, December 1, 2014

Favorite m2m

Hobbies: m2m
Favorite Movies: m2m
Favorite Actors: m2m
Favorite TV Shows: m2m
Favorite Channel: m2m
Favorite Cartoons: m2m
Favorite Books: m2m
Favorite Subject: m2m
Favorite Sports: m2m

Naalala ko tuloy yung slum book ko noong ako'y nasa elementarya at hayskul pa lamang. Ganyang-ganyan yung mga sagot ng mga klasmeyts ko. Puro na lang m2m! Kay babata niyo pa nanonood na kayo niyan!? Charaught!
Alam ko namang abbreviation yan ng many to mention, pero sadyang iba talaga sumasagi sa utak ko pag nakakabasa ako niyan ngayon. Medyo green-minded lang si baks faminsan-minsan.

Sunday, October 26, 2014

Concern Ang Tatay

Magandang Afternoon sa inyong lahat!! Tenkyu sa lahat na patuloy na sumusubaybay sa aking blog kahit na tatlong buwang namahinga ang aking byuri. Na-miss ko kayo!
Sa loob ng tatlong buwan ay wala namang major ganap sa aking buhay. But, meron akong gusto i-share sa inyo. I'm sure matutuwa kayo dito.

Meron akong kaibigang nagngangalang Trina. Siya ay may kafatid na bading na ngayon ay highschool. Imbes na mag-aral ay pagka-cutting class, pagbubulakbol at paglalakwatsa ang inaatupag ng batang bakla.
Dahil sa pagiging iresponsable nito ay namumroblema ang kaniyang tatay, isa pa naman ito sa kanyang pinaka-labs na anak. Few weeks na ang nakalipas ng makwento sakin ni Trina na
na-imbyerna ang ama sa junakis at ito'y napagalitan.

Heto ang bonggang dialogue ni pudang sa kanyang tamad na beking anak:

Friday, July 11, 2014

Boobs Mo Girl, Ayaw Ni Bakla

Bilang bading it's so kadiri kung sa kasamaang palad ay madikit mismo ang aking palad sa boobang ng girl. Kapag minamalas nga naman. Nangyari na sa'kin 'to dalawang beses na at nakakatrauma.

Ang unang beses ay nung elementary pa ako. Habang patakbo-takbo ako sa aming eskinita ay hindi ko namalayang may papasalubong na babae. Hindi ko ito napansin dahil paliko ang daan. Bago pa kami magkabungguan ay naipwesto ko na ang dalawang kamay ko sa aking dibdib para maproteksyonan ang aking sarili in case na mapasubsob. Hayun, napasubsob talaga. The two planets collide. Dire-diretsong nag-landing ang dalawang boobita sa kamay kong maganda. Hu hu hu! Bakit pa kasi paharang-harang ang manang na 'yon. Todo emote pa naman ako sa pagtakbo ala Cinderellang kunwaring naiwan ang glass slippers.