Tuesday, August 25, 2015

Buhay Kolehiyala

Hello there!

Grabe ha. Ang daming event sa school. Last week lang ay midterm exam namin kaya naman witchelz ako nakahanap ng time para makipagchikahan with you as I was busy siyempre na mag-review. Pero ngayon since free ako, susulitin ko itong moment para magbahagi sa inyo ng aking kwento. As promised, ichichika ko na sa inyo ang mga experiences ko ngayong college na akik. Medyo mahaba lang 'to. Sana basahin at tapusin niyo. Wag mag-skip reading ha. Enjoy!





 June 8, 2015
Monday


    Ito ang aking first day of school. 7:30 am ang aking first subject. Nagmamadali ako sa pagrampa papunta sa aking unibersidad dahil male-late na ako. Super kinakabahan ako that day, kasi siyempre new school, new environment, new experience, new classmates, new professors, at siyempre new chapter ito ng life ko. Besides, di naman lingid sa inyong kaalaman na natigil ako sa pag-aaral ng 2 years kaya naman bonggang adjustment ito for me.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong andun na ang aking mga blockmates. Agad akong naghanap ng mauupuan at buti na lang meron akong natagpuan. Pagkaupo ko ay diretso paypay ang lola niyo dahil sa hingal sa paglalakad. Hello?! Hinanap ko pa kaya itong room. Buti na lang wala pa yung professor.

About 20 minutes after, saka dumating ang aming prof. Nagpakilala siya at mukhang mabait naman. After ng kanyang subject ay vacant/free time namin so what I did was umuwi na ako ng balur. Alangan namang mag-hintay ako dun hanggang sa sumapit ang second subject namin which is mamaya pang ala-una. Imagine 3 and a half hours kaya yun.

Pagsapit ng hapon, 2nd subject na. Bet ko ang classroom kasi naka-aircon. Actually laboratory ito wherein may mga computer sa loob for the students.
Maya-maya lamang, I started to feel uneasy kasi sabi ni prof isa-isa daw kaming magpapakilala. Instant kabado na naman ako. Alam niyo bang ako pa yung unang natawag. So ang ginawa ko ay nagpakilala ako with my name, kung saan nakatira, saang school grumadweyt, and other chuchu details. Di ko na sinabi kung ilang taon na ako. Baka kasi tawagin nila akong kuya. Ayoko nga. Mostly, 16 years old pa lang ang aking mga blockmates (turning 17 pa lang this year). While me, 19 na ako (nag-birthday ako nung June. Pwede niyo po akong batiin kahit belated na.)
Meron nga akong ibang kaklase na 15 yrs old pa lang. Oh davah ang babagets. I feel so old. Pero when it comes to face, parang di naman nagkakalayo ang aming mga edad. Di naman sa pagmamaganda pero parang hindi tumatanda ang aking hitsura, kaya naman hindi halata na ako'y diecinueve na. Yung iba nga parang mas matured-looking pa sa akin. Yung blockmate ko ngang lalaki, 15 lang daw siya, but he looks like a father already, seriously.
Thankful ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balbas sa chin, samantalang yung mga blockmates ko meron na sila. Yung isa nga eh nakita kong may happy trail na. Na-shock ako dun ng very very light. lols :-0




5:00 pm na nung natapos ang aking klase. Wit naman ito masyadong nakakapagod at di rin kami naging busy that day kasi siyempre unang araw pa lang. Masasabi kong naging wonderful ang aking first day of school dahil sa mga bagong bagay at na aking na-experience at bagong tao na aking na-meet. Nakakapanibago nang kaunti pero very refreshing sa feeling.


June 13, 2015
Saturday

Pumunta ako sa school para sa aking NSTP class. Ala-una na nung ako ay nakarating sa room. Pagkaraan ng 30 minutes ay wala pa rin ang professor. Nabo-bored na ako sa paghihintay. Maya-maya pa'y dumating na siya. Agad siyang nag-check ng attendance. Nag-wonder ako dahil di natawag ang aking pangalan. Agad kong na-realize na mali pala itong room na aking napasukan. Mali ang Room number! wahahaha!
Magalang akong nagpaalam sa prof at sinabi kong sa kabilang room pala ako. Agad-agad akong lumipat sa silid kung saan ako nararapat. Grabe yun ha. Nakakahiya.

By the way, CWTS ang NSTP ko. Kayo ba dati ano? ROTC, CWTS, o LTS? Buti na lang CWTS ang napunta sa akin. Pinag-pray ko talaga dati na sana wag akong mapunta sa ROTC kasi we all know na mahirap ang training na pagdadaanan. Nandiyan ang pagbibilad ng ilang oras, tapos pag umulan di pwedeng sumilong, and then ibibilad ulit. Baka di ko kayanin ang training at baka ako'y mag-collapse. Pwera na lang kung magco-collapse ako sa bisig ng mga officers. choz!
Sabi ng iba kapag ROTC ka pwede rin naman daw kahit di na mag-training, yun nga lang ikaw yung magluluto ng pagkain para sa mga officers. Kung ako yun siguro carry ko naman. Pero mas bet ko ata kung ako na lang taga-punas ng pawis nila. Kung gusto nila ako pa ang gawin nilang tagapagbihis, hihi. Kaya kong magpa-alila sa kanila wag lang mag-training. JOKE LANG! Mas bet ko pa rin siyempre ang CWTS noh.


Pagsapit ng 1st Week of July…

Naging kabi-kabila ang mga events sa aming unibersidad. Nariyan ang Science and Technology Days. Di ko na ie-explain sainyo kung ano ba 'yan dahil maging ako di ko rin maintindihan kung ano yan. hahaha. Basta 3 days kaming walang lesson kaya naman pumupunta lang ako sa school para mag-attendance and after that diretso uwi na akez.
Di rin siyempre mawawala ang event na Freshmen Welcome Party. Di naman ito literal na party kasi all we did is nag-parade lang kaming mga Freshmen sa gitna ng kalsada. Ang extreme pa naman ng panahon. Ang hot ng weather! The temperature was basically hell. Buti na lang may payong akong dala. Pero mainit pa rin mga teh. Dagdag thrill din sa parade ang aming powsisyon which is nasa gitna kami mismo ng kalsada nagparada, as in sa gitna. Sa left namin ay yung mga vehicles papuntang north side. Sa right naman namin ay yung mga sasakyang papuntang timog. Graveh, if ever na nagpatanga-tanga ako sa paglalakad malamang na-sandwich na ako ng mga naglalakihang sasakyan. Tunay na death-defying na maituturing.

Another event na aking dinaluhan ay ang dalawang Acquaintance Party. Yung isa simple lang. Yung isa naman ay may theme na Kiddie Party. Bumili pa ako ng suspender sa mall para lang dito. Na-dissapoint lang ako ng slight pagkarating ko sa venue. Marami kasi akong nakitang students na di naman nakapambagets outfit ngunit pinapasok pa rin. Unfair kaya yun sa mga nag-prepare katulad ko na kinarir ang kiddie outfit na checkered polo na naka-tuck in sa pantalon with suspender dahil sa pagkakaalam ko strict ang dress code. Nasaan ang hustisya?!! They have no idea kung gaano kadyahe ang maglakad sa matao at sumakay ng jeep na ganun ang suot.

Pero, mas na-dissapoint ako sa naganap na power shortage. Sa umpisa ok naman sana pero as the party goes on doon na nagpapansin ang lecheng brownout. Bumabalik din naman ang kuryente pero nawawala din ulit. Yung kiddie party nagmistulang flashlight party dahil sa nasabing pangyayari. Dumating na ang eating time pero brownout pa rin. So kumain kami na nangangapa sa dilim. I took that opportunity para lantakan ng bongga ang fudams. Ngasab lang ng ngasab, madilim naman eh. Kiddie party ito so ano bang pagkain ang ine-expect niyo? Ano pa eh di ang pambansang food ng mga bagets na spaghetti at fried chicken. Meron pa itong kasamang hotdog at marshmallow. Nakakabagets sa feeling. Ang lakas maka-7th birthday!

Dahil sa brownout, di na natuloy ang mga pa-games. Di na rin nakapag-program. Bumalik lang sa normal ang kuryente about 45 minutes bago mag-uwian.
Right after na dumating yung kuryente ay nagkaroon ng sayawan sa dance floor kaya nagkaroon pa rin ng chance ang mga party pips na makapag-enjoy.



Despite the brownout na aming na-experience, di ko pa rin ito maiko-consider na chakang party. For me yung brownout ay nagmistulang twist sa pagtitipon. Hindi naman ito naging boring dahil sa kabila ng literal na kadiliman ay nakakahanap pa rin ang mga estudyante ng kanya-kanyang paraan para magsaya. Example na diyan ang kantahan jamming ng aking mga blockmates na sinaliwan ng tugtog mula sa kanilang gitara.
Yung ibang students ay walang tigil sa pag-iingay na akala mo first time nilang makaranas na mawalan ng kuryente. Yung iba namang walang magawa ay napagkatuwaan ang mga balloons. Pinapaputok nila ang mga 'to sa pamamagitan ng pag-upo o pag-apak sa mga ito. Tuwang-tuwa ang mga mokong kapag napapatili ang madla kapag nagugulat sa malakas na tunog na naidudulot ng pagputok ng mga lobo. Malawak pa naman ang lugar kaya merong echo na maririnig at aakalain mong merong pa-fireworks. Hay naku, kakaibang pagtitipon ang aking naranasan. Medyo magulo pero enjoy pa rin.


Present Time…

Heto, medyo busy pa rin. This week lang ay ginanap ang Intramurals ng aming college. I'm so happy dahil ang course namin ang nagwagi sa naganap na Pep Squad Competition. Tingnan niyo naman, costume pa lang ay pak na pak na!

(credits to the owner of the pic)
(credits)

Anyway let's talk about my professors. Feeling blessed ako dahil wala akong terror na prof. Buti na lang wala dahil kung nagkaroon man ay paniguradong dagdag stress 'to para sa amin. Buti na lang dininig ng Diyos ang aking mga panalangin na sana maging mababait ang mga professors ko.
Isa din sa mga prayers na dininig ng Diyos ay ang panalangin ko na sana ay magkaroon ako ng mga mababait na blockmates. Pinag-pray ko talaga 'to ng todo mga teh. Ang saya saya din dahil walang bully sa'min. That means magiging mapayapa ang buhay ko sa kolehiyo. Ayoko nang maranasan pang muli ang ma-bully o ang magkaroon ng kaklaseng bully gaya ng naranasan ko nung high school. Thank you Lord!

Bukod sa mababait ay matatalino din ang aking mga blockmates. Karamihan sa kanila ay may mga honors nung high school. Nahiya nga ng slight ang IQ ko. Pero kahit brainy sila ay wala akong nakitang mga pa-sosyal, conyo, o maarte.

Pero napansin ko, parang wala ding magaganda. I am not saying na chakaru sila ha. Meron din namang iilang pretty pero yung maganda as in MAGANDANG MAGANDA eh wala. Buti nga yun di ba? Pabor sa akin. lels
Napansin ko rin na wala akong blockmate na malandi. Oh devah pabor na naman sa'kin. Parang nagsasabing ako lang ang may karapatang maging ganun. CHARAUGHT!
Seriously speaking, mga matitino ang mga blockmate kong babae. Parang mas malalandi pa nga ata yung mga classmate ko nung high school na juzko high school pa lang eh ang dami dami ng naging ex, yung tipong mas inaatupag pa ang paghahanap ng boyprend kesa sa pag-aaral.

OK, ngayon pag usapan naman natin ang mga boys. In fairness ha, merong mga byawla, may mga hitsura. Pero I don't care. Wala akong pakialam sa kanila. (weh? ows? talaga ba?) hahaha.
Masaya ako dahil mababait naman ang mga boys. And as far as I can see, walang homophobic. Talaga namang napaka-peaceful ng aking pamumuhay. Ipagbunyi!

May mga kaklase din akong mga badaf, pero I think they are not the gay friends that I am praying for. Tatlo sila at least. Yung isa parang asexual. (ang gulo ha). Yung dalawa naman sakto lang. Pero malay niyo naman baka magustuhan ko rin sila eventually.


It's been two months na since nag-start ang classes but until now konti pa rin ang nagiging friends ko, or to be clearer mga close friends ko. Introvert pa rin si beki. I hate myself because the inhibitions I want to lose, nandito pa rin. Yung hiya na sumasagabal sa akin for so long, it's still here inside me. Maybe I've got used to be a person who I am not, which is very wrong.

Pero alam niyo, kahit konti alam kong meron namang nag-improve sa akin compare nung ako ay nasa hayskul pa lang. Yung mega deny na baklut noon, ngayon ay mas accepted na ang sarili. Ang hindi ko na lang magawa-gawa ay kung paano ito maipakita sa ibang tao. Yung trying-hard-straight-acting na beki before, mas malambot na ngayon pero not to the extent na wasiwas to the highest level ang balakang sa pagkembot kasi like I said nandito pa rin yung pesteng inhibitions ko. If ever na may magtanong sa akin kung beki ba ako, hindi na ako magdadalawang-isip na umamin. Mas gusto ko nga 'yun.

Every time I get a chance, I drop hints to them na ako ay beki. Example diyan ay nung naninipat ng mga chicks ang mga blockmates kong lalaki. One of them said “Uy [*insert my real name here*], may mga chicks oh.” Ang naging tugon ko lang ay isang maasim na “Ayoko niyan!"
Tawang-tawa si lalaki at ipinamalita pa talaga iyon sa iba kong kaklase. Hopefully makuha niya ang ibig kong sabihin dahil kung di niya na-gets aba ewan ko na lang.

I know naman na marami na sa kanila ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Pero bago ko ipakita sa kanila ang 100% ako, I want to feel muna na accepted nila ako for who I am. Kapag hindi ko pa ramdam ang acceptance na yun, hesitant ako na mag-express ng sarili kasi hindi pa ako ganon ka-comfortable. It takes a lot of trust muna bago ako nag-oopen up sa isang tao.

I remember last year, sabi ko sa sarili ko "Pag college na ako, makikipagkaibigan na ako sa marami at hindi na ako magiging mahiyain." Pero ngayon, anyare? Almost nothing has changed. Hayss.
Socializing with many people is like a big challenge for me. At heto pa, yung napakasimpleng "Be Yourself" ay di ko pa rin magawa-gawa. frown emoticon
I wanna be a better version of myself. I want to unmask and reveal my real identity but why is it seems so hard?




Please Inang Dyosa, I desperately need your help!
Espiritu ng katapangan, sapian mo ako!!

14 comments:

  1. Haha.., belated happy birthday sa'yo Ms Beki! Hindi naman kasi namin alam kung kailan talaga ang birthday mo kaya, binabati kita! ^_^ God bless you and be happy always! *heart* *heart* Lovelots! Lovelots! *muah!* *muah!*

    Ganyan din ako Ms Beki. Hirap sa college pero sanay na ako kung ako lang ang mag-isa. Hindi talaga maiiwasan para sa akin ang ma-culture shock noon na malayo sa nakagisnan ko sa high school days. Instead of NSTP, gusto ko talaga sa ROTC pero late na ako noon para lumipat doon. Ang gusto kasi ni big momma e mag-militar ako after grad. Sadly, hanggang ngayon e hindi pa ako tapos...

    Note: Hoping for graduation this coming 2016. Sana matapos na tayong lahat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you so much Jay for the greetings!
      Relate na relate ako diyan. Most of the time lagi din akong mag-isa. Tahimik din ako kaya I assume they see me as a less intelligent student. Wala pa akong shining moment kaya di pa nila ako masyado kilala. Pero pag dumating ang time na yun mag-ready sila. lelz
      Graduating ka na pala next year. Good luck sa'yo. Good luck sa atin. Go go go para sa pangarap!

      Delete
  2. Hala at belated Happy Birthday last June pa , sabi nga huli man at magaling huli pa din he he .... good luck to your college life I am sure youll get over it with a flying colors ... just be yourself at huwag mahiyang ipakita ang tunay na ikaw ... hopefully ay makapunta akong Bicol sa October at sana ay mameet kita : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. A million thanks din sa'yo teh Edgar.
      Shocking naman yung sinabi mong gusto mo akong ma-meet. Parang di pa ako ready. OMG.

      Delete
  3. May natitra pa akong 2 major subject na hindi pa nagmi-midter. Matatapos na ang 1st sem Isang sem na lang ggraduate na ako lolz

    ReplyDelete
  4. shet bigla kong namiss mag college! promise, pawang katotohanan lamang, pag nagwork ka na iisipin mo sana nagaaral ka na lang ulit. yiz, cliche yan pero trulagen premium yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May narinig na rin akong ganyan, miss niya na rin daw ang college life, miss niya na daw yung feeling ng may hinahabol na deadline.
      True ka diyan, sa ngayon wit ako maka-relate sa gaya ng sinasabi mo. Right now parang mas gusto ko ang mag-work kasi medyo nase-stress ako sa school. Pero like what you said, mafi-feel ko din yan sa future.

      Delete
  5. Haha! Hoy belated! namiss na kita. HAHA! I feel you. Pero dapat wag kang mashokot sa terror na prof. Kaming mga terror may mga pinaghuhugutan lang at kadalasan echos lang namin para magseryoso naman ang mga bulakbol hahaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Mc. Na-miss din kita!

      Gusto 'yang sinabi mo. Mas nauunawaan ko na sila ngayon.

      Delete
  6. totoo talaga yung feeling na nakakamiss maging student kapag working ka na, pero mas totoo na mas may pera ka kapg working na! hhahahha, kaya mo yan! just dropped by here! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel excited na tuloy. he he.

      Thanks for dropping by stevevhan :)

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺