image from topclassactions.com |
Sa panahon ngayon ay super liberated na ang sangkatauhan when it comes to paglalagay ng pulbos sa kanilang mga feslak, mapa-babae man o lalaki.
Napatunayan ko na 'yan nung ako ay nasa hayskul pa. ‘Yan ang ichi-chika ko sa inyo ngayong araw na ito.
Nung 3rd year ako ay uso sa amin ang panghihingi ng mga lalaki ng powder sa mga babae. Mga straight po sila huh, I’m very sure of that. Tuwing uwian ay karaniwang nang makikita ang mga nakabukas na palad ng mga otoks na itey na naghihintay na mabiyayaan ng pulbos. Mga walang pakundangan. Hingi lang ng hingi. Mga hindi naman nga marunong gumamit. Grabe makalagay ng pulbos, akala mo ay inubos ang isang kilo nito at nilagay lahat sa fez. Konti na lang at mapagkakamalan mo na silang mga geisha ng Japan.
Buti pa sila. Parang gusto ko ring magpulbos. Nakaramdam ako ng konting inggit ngunit di naman ako makahingi sa kanila dahil di ko naman sila ka-close.
Aha! Buti na lang at may naisip akong bright idea. Ninenok ko ang ekstrang pulbos sa aming bahay at dinala ko ‘to sa school nang sa ganun ay pwede na rin ako makapag-retouch kapag breaktime. Hehe.
Pagsapit ng tanghali, nagkaroon ako ng pagkakataon para makapagpaganda. Saktong ako lang ang nasa room noong mga oras na ‘yun. Kailangang walang makakita, pagkakaguluhan ang aking pulbos ‘pag nagkataon. At higit sa lahat, baka magtaka sila kung bakit ako nito meron.
Habang walang utaw ay sinimulan ko na ang paglalagay ng Johnson's baby powder sa aking feslaboom, with feelings huh. Sinamantala ko ang moment para sa aking transformation. Habang damang-dama ko ang pagdampi ng aking mga palad sa aking pisngi ay di ko namalayang meron palang dumating.
“Hala! Ba’t may pulbo ka? Bakla ka ba?”
(Jusme! Si crush pala! Nakita niya yung pulbos ko sa bag, nakalimutan kong isara. Waaaahhhh!)
“Hala bakla ka. Ayyy bakla. Bakla ka!”
(paulit-ulit? paulit-ulit?)
“Bakla ka pala ha. Bakla. Ayy bakla!” (nyeta tumigil ka!)
Nagimbal ang lola niyo. Di ko alam ang aking sasabihin. Di ko alam ang aking ire-react. Namula ang aking fes tulad ng strawberries sa Forevermore. Na-tense si bakla. Nawalan ng saysay ang paglalagay ko ng pulbos dahil tuluyan na akong pinagpawisan.
Sobra akong kinabahan nun, baka kumalat ang chika. Fortunately, hindi nangyari ang ikinatatakot ko.
Pagtuntong ko sa 4th year ay hindi naman pala big deal ang pagkakaroon ng pulbos ng mga boys. Actually, mga girls na nga ang nanghihingi ng powder sa mga otoks. Oh davah, ganun na ka-liberated. Sadyang gusto lang ata akong i-discriminate ni crush noong 3rd year (FYI, wititit ko na siya crush ngayon. duh? lol)
Sa ngayon, hindi na ako nagpupulbos. Parang di kasi bagay sa skin tone ko. Para tuloy akong maputla tingnan, yung tulad ng hitsura ng balat kapag humawak sa bigas.
Ang gamit ko na ngayon ay foundation (ong toroy!). Mas bagay kasi ‘to sa skin tone ko dahil parang natural lang tingnan. Actually bigay lang naman sa'min ‘to ng aming mabait na kapitbahay. Buti na lang ipinamigay niya dahil kung hindi eh hindi sana ako makaka-experiece ng paggamit ng press powder na fawndeyshen. Sa totoo lang wala talagang balak si mudra na bumili ng foundation dahil Johnson’s baby powder lang talaga ang ginagamit niya, ganun din ang aking younger sister.
Since wala namang namamansin sa foundation eh ako na lang ang gumagamit nito, lol. Oo ako na, ako na ang sosyal, kabog ko na si mother at sister, hahaha. Feeling ko ako na talaga ang may-ari ng foundation since na ako lang naman ang nakikinabang nito. Infairness, di pa ito nangangalahati. Bibihira ko lang kasi ito gamitin dahil minsan lang ang aking lakad at di naman ako mahilig gumala.
Patago ako kapag ginagamit ko ‘to, haha. Pero feeling ko aware naman sila sa aking ginagawa. Hehe.
Ito namang kapitbahay namin mamimigay na nga lang ng foundation di pa sinamahan ng sponge or brush. Nahihirapan tuloy ako sa pag-aapply nito. Ayy teka lang. ‘Pag nabasa ‘to ng kapitbahay ko baka isipin niya ako na nga ang binigyan ako pa ang may ganang magreklamo. Ay em choori po, sige po ok lang po sa‘kin kahit wala ng sponge or brush. Pero pwede po bang mag-request? Pwede po bang makeup table na lang po ang ibigay niyo sa amin next time? Yung mesa na may malaking salamin na pinalilibutan ng mga bombilya, yung pang-artista ba. Salamat! Char!!
Ha ha nakarelate ako. Big deal talaga dati ang magpulbos ang isang lalaki. Naalala ko ang isang instance nuong bata pa me na nagpulbos ako at sinabihan ako ng uncle ko na bakla daw ba ako at nagpupulbos ha ha . Pero ngayon, common thing na ito kahit sa mga straight guys , minsan nga mas may bote pa sila ng pulbos kaysa mga babae . Ang tawag jan , VANITY
ReplyDeleteHahaha. Korek!
DeleteActually teh nabasa ko nga yung post mo na may title na “Powderpuff Gay” nung isang araw lang. Super naka-relate din ako sa post mong ‘yun kaya nga nagka-idea ako na mag-share din ng aking experience. Bet na bet ko ang Powderpuff Gay! Di ba tatlo ang member nun? So dalawa na tayo, sino kaya yung isa pa? Hahah.
hahahahha. Antaray.. haha. Unlike u and kuya Edgar.. hindi ko bet ang pulbo as panlagay sa fezlak. ewan ko ba whickikels kong nasubukan yan. Trooooot ito ha. (peram nga ng salamin.lol)
ReplyDeleteNyoket di mo bet ang pulbos? Ano ba ang gamit mo?
DeleteNung high school pa ako, di naman talaga big deal ang pagpupulbos ng mga lalaki. Kaya nagtataka ako sa inyo hehehe.
ReplyDeletePero nung nagtuturo na ako, parang ang awkward sa mga straight guys ang mag-foundation. Yun naman ang ikinagulat ko. Pero ngayon, normal na lang din ang lalaking gumagamit ng foundation.
Naiiba talaga ang pagtingin sa mga bagay-bagay sa paglipas ng panahon :)
Na-miss ko tuloy yung mga klasmeyt ko noon na laging nagtatanong kung maputi ba yung mukha nila pagkatapus magpulbos. Minsan kahit maputi na, sasabihin kong hindi naman lols. :)
Actually, kay dating crush lang naman ata big deal ito. Na-discriminate pa tuloy ako, haha.
DeleteParang awkward nga naman ang straight na nagfa-foundation. So far, wala pa akong kakilala or nakikilala na straight na gumagamit niyan. Sabagay, mas madami naman ang metrosexuals diyan sa Maynila compared dito sa province.
Korek! Mas bukas na nga ang isipan ng mga tao sa panahon ngayon.
Haha. Ine-echos mo pala ang mga klasmeyts mo. Gusto mo silang magmukhang ibuburol. nyahaha
Lumelevel-up talaga pagdating ng takdang panahon.. hehehe
ReplyDeleteAlin po ba yung tinutukoy niyong lumelevel up, yung yung pagiging open minded ng mga tao o yung nilalagay ko sa fez ko? Either way, pareho pong korek. hehe
Deletetatak ng isang tunay na badesa mae ang paggamit ng J&J baby fowder. truks to gow ka jan teh!
ReplyDelete@Nyoradexplorer: Hahaha, trot! Ang pulbo ay part na ng pagdadalaginding ng isang badet! Pero syempre ngayon lumevel up na akiz, haha.
ReplyDeleteWelcome back nyora!
Baby powder is a must para sa mga oily fez layk me. Naka-relate ako sa kwento mo ahahaha! Loves it!
ReplyDeleteChrue! Kailangan talaga para ma-preserve ang kadyosahan.
DeleteTenk yeww!