Saturday, July 18, 2015

Ang Pagbabalik ni Beki

What's up mga ka-chika??!! I'm sorry for not writing for three months. The reason why hindi ako nakapagsulat ng blog post for so long is, I admit, medyo tinamad ako. Alam ko na ang pagiging tamad ay hindi dapat ugali ng isang tunay na writer (writer?! wag kang feeling! blogger lang kamo. lol) kaya naman ngayon humihingi ako sa inyo ng maraming pasencious. Oh heto na, magsusulat na 'ko. Baka kasi nagtatampo na kayo.

Let's talk about my summer vacation. I know this is a late post (talagang late na late na! juzko tag-ulan na nga ngayon) pero ikikwento ko pa rin sa inyo. As the saying goes: 'Better late than never'. Pramis, after this tungkol naman sa aking college experience ang chika ko sa inyo. But for now, yung summer vacay na muna.




Nanood ako ng Daragang Magayon Festival 2015, a month-long festival dito sa aming province na nagsisimula tuwing Abril at natatapos pagsapit ng Mayo. Dalawa sa pinanood namin ay ang mga highlights ng festival, ang search for Ginoo ni Daragang Magayon 2015 at ang Mutya ni Daragang Magayon 2015 (pageants).

Ginoo ni Daragang Magayon 2015
Mutya ng Daragang Magayon 2015


Sad to say wit ako nakapanood ng Bikini Open. Ka-imbyerna. Tuloy di ako naka-sightsung ng real-life sagingan. lol





Putcha di ko napanood `to!!


Other than that, wala na akong ibang ganap. Wit akong nag-vacation galore, out of town eklat or pumunta sa mga bakasyunan (di pa me nagwo-work kaya wala pa akik ng anda). Witchelz din ako nakapag-swimming sa mga beaches (tamad lumangoy ang beki).

Bukod sa mga iyan, ang iba ko pang pinagkaabalahan noong mga nakaraang buwan ay ang i-ready ang mga requirements para sa pagpa-enrol sa college. Pumunta pa nga ako ng presinto hindi para magpa-blotter kundi para kumuha ng Police Clearance (requirement 'to sa school. para daw malaman kung dati ba akong kriminal o rapist, lol)

Isa din sa mga requirements ay ang chest X-ray. Kaya naman nagpa-X-ray akez noong Abril.


 Sa mismong araw ng X-ray session

Pumasok na ako sa clinic at umupo sa waiting area. Habang nag-aantay ng tawag mula sa nurse, naalala ko nung nagpa-X-ray ako last year sa mismong clinic ding iyon. Beki ang nurse na nag-assist sa akin noon. Wit na niya akong pinahubad ng t-shirt that time dahil manipis naman daw ito. Besides, payat naman ako kaya di na kailangan (ohmay idea na kayo kung ano ang figure ko). Buti na lang at ganon yung nangyari, kasi sa totoo lang hindi ako comfortable na naghuhubad sa harap ng ibang tao (ang arti divah??). Ewan ko ba, nasanay lang talaga ako nang ganun. Kahit sa bahay, di ako naghuhubad sa harapan ng aking family. Nagche-change clothes lang ako 'pag merong privacy (feeling may dede ang bakla. haha).

Naputol ang aking pagre-reminisce nang tinawag na ako, hudyat na kailangan na akong patamaan ng x-ray radiation. Nakita ko ulit yung beki nurse, but this time may kasama na siyang istreyt nars at mukhang ito ang mag i-X-ray sa akin. In fairness may hitsura si kuya.

Sir, hubad na po kayo.sabi ni Mr. Istreyt Nars sa akin. Natameme ako. Kinabahan. Di makapaniwala sa narinig.

Bakit?! Di ba last year hindi naman ganyan? Bakit ngayon kailangan maghubad? bulong ko sa aking sarili.

“Sige po." ang tanging naisagot ko sa kanya habang hinuhubad ko ang aking damit na halatang napipilitan lang.

Akala yun lang. And then muli siyang nagsalita.

“Sir, ganito po dapat ang kamay niyo." utos niya sa'kin.

Ganito daw dapat ang pose ko.

Ang daming pa-kyeme ni kuya. May pa-pose pose pang nalalaman. Dati eh wala namang ganyan. Last year eh pinadikit lang naman ang dibdib ko sa malamig na square na bakal.

So ayun na nga, ginawa ko yung pose. And then suddenly I remembered something. Hindi pala ako prepared. Hindi pala ako nakapag-shave ng kili-kylie jenner! Ahahahaha! Kahiya tuloy kay kuya. Parang ayoko nang magpa-Xray ulit.


Pagsapit ng 3rd week of May, it's time for enrolment na!

Jezke nakakapagod magpa-enrol. Ang haba ng pila. Kung hindi ko lang alam na enrolment ngayon iisipin kong pila ito sa PBB audition. Akala ko nga may talent portion pa sa loob, charowt.

Muntikan pa akong maligaw nang pumila ako sa pila na hindi ko naman pala course, hahaha. Buti na lang may concern na lalaki. Sabi niya: “KUYA, hindi po dito ang pila natin. Dun po tayo".
Yun laaang. Mabait na sana kaya lang may di ako nagustuhang word na ginamit niya. Kinuya talaga ako??!! Di man lang in-ate. Aba bastos 'to ah! hehe

Alam niyo ba na 7:30 am pa lang nandun na ako nakapila pero 10:30 am na di pa rin ako nakakapagbayad sa cashier. Ganun kabagal ang usad ng pila. Para akong hihimatayin sa pagod sinabayan pa ng matinding init mula sa sikat ng araw.

Sa katunayan di na ako nananghali that day dahil 'pag umalis ako sa pila paniguradong may makakauna sa akin. Snacks lang ang aking nilafang. Ang kainis pa diyan umeksena din ang brownout. Nawalan ng kuryente mahigit isang oras. Di tuloy makaka-proceed hangga't di pa bumabalik ang supply nito. Hays, mas lalo pang uminit. Dagdag na kalbaryo ito para sa amin na mga kawawang students. Nakakapagod talaga ang maghintay. #TheAgonyOfWaiting

Pagsapit ng hapon, nakapagpa-enrol na rin ako sa wakas. Pagtingin ko sa langit, lubog na ang araw! Syet! Ganon pala katagal ang in-stay ko sa school, whole day. Ayun, pagoda cold wave lotion na ang lola niyo. I looked like I was harassed by 20 mighty men (they were hysterically excited as they queued up for meCHAR!)
Agad na akong umuwi sa balur. Kailangan ko na siyempreng ipagpahinga ang aking body.
Thank God I survive this long and exhausting day :)

***

Hanggang dito na lang muna ako mga ka-chika. Sa next post ko na lang sa inyo ichichika ang aking experience bilang isang bagong college student! Excited na akong ikwento sa inyo ang mga kaganapan sa aking pagiging kolehiyala. Di ko lang sure kung kelan ko mapo-post kasi medyo busy sa school. Basta abangan niyo na lang ha. Babooooo!!

***
Disclaimer: Hindi ko pagma-may ari ang mga larawang aking ginamit.


Updated last July 19, 2015- 7:54pm.

16 comments:

  1. Welvome back Beki , sana tuloy tuloy na ang blogging mo... kaloka ang xray at enrollment process mo , whole day ha ha ha ... kung ako yan di na ako nag enroll ha ha ha : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Teh Edgar for always welcoming me back. Pangatlo na ito. Pagpasensyahan niyo na po ako.

      Kaloka talaga as in, to the highest level! Hindi niyo lang alam ang pinagdaanan ko makapag-enrol lang. (drama? chozz.)

      Delete
  2. Hello! Anyare sayo? Hehehe! Didn't know na may banana festival pala diyan sa inyo. Hahaha! As for the xray, ang alam ko hindi na talaga kailangan maghubad basta ang suot na damit ay walang metal.

    Anyway, ano nga ba course mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello din!

      Ganun ba? So that means na gusto lang talaga ako silipan ni koya? (feelingash!)

      Delete
  3. Welcome back!

    May ganyan palang ganap sa probinsya natin, hehehe :)
    Excited na kami sa kwento mo sa buhay kolehiyo!
    Aral mabuti ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po :)

      Eniwey, saang part po ba kayo sa Albay?

      Delete
  4. Ok lang yan. Ako nga sabaw post lagi. wala akong mapigang creative juice

    ReplyDelete
  5. Hi Beki! This is my first time to your blog... na mag-comment :D Susubaybayan na kita ngayon!!! Hahaha...
    love
    -jay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teka, saang probinsya ba yan? Parang gusto kong sumali sa ginawa ng lalake ah? Ano sa tingin mo Beks? Sa tingin ko, may looks naman ako, ahahaha!!!

      Love it!

      Delete
    2. Sa Albay po 'to. Bikini Open po 'yan which is a part of a month-long festival named 'Daragang Magayon Festival'.
      Pwedeng pwede ka diyan. Kahit sino pwede sumali. In fact iyang lalaki sa picture (he is the winner) is taga-Manila(?), basta taga-diyan siya sa inyo. His name is Albert Gonzales and I know na knowsung siya ng mga beking faney ng mga bikini open.

      Delete
  6. ok lang yan.. once in a blue mon na nga lang ako nakakapagpost.. tingnan mo noong nakaraang araw ata Blue moon kaa ako may post.. hahah

    ReplyDelete
  7. Oo nga eh. Ganyan talaga kapag busy. Mas ok na rin siguro ang 'once in a blue moon' wag lang kasing dalang ng pagdaan ng Halley's comet sa mundo. hehe
    Pero ako I find time pa rin na makapag-post yun nga lang pag wala talagang na'find na time eh wala akong magagawa

    ReplyDelete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺