Monday, January 11, 2016

Untranslatable

     Tagalog is not my mother tongue. Dahil dun, may mga salita na hindi ko ma-express sa Tagalog dahil hindi ko alam ang translation nito o baka naman wala talaga itong translation. Ngayon ay may isi-share ako sa inyong mga Bikolano words and their meanings. Please tell me kung ano ba ang Tagalog translation ng mga ito or pakisabi na lang kung may translatable ba ito at all.
(Note: I used some special letters like "â, î, û" to indicate that the word has a glottal stop. In case you do not know what it is, ang glottal stop ay ang pagtigil ng airflow sa pamamagitan ng pagsara ng lalamunan. Halimbawa ng mga salitang may glottal stop ay tulad ng matandA, batA, mababA, hindI, pagsukO, tulirO.)


Here are the words:

1.) nalî [adjective] → (This word is pronounced like the Tagalog word 'mali'. Stress is on the second syllable and has a glottal stop on the last.)
Nali is used to describe a person na sobra ang pagka-excite at pagmamalaki sa isang bagay o experience, lalo na’t kung bago tulad ng gamit, damit, o gadget. Perfect example ng nali ay yung mga taong porket may new iPhone sila ay minu-minuto na kung ito'y gamitin at halos ayaw na itong bitawan at buong-puso ang pagmamayabang sa mga friends niya para siya'y kainggitan. 
Ang pinakamalapit atang word to translate this in Tagalog is 'ignorante'. Although ignorante and nali are alike in some ways, they are not interchangeable. For instance, consider the following examples:

Example #1: Ang batang babae ay nali sa kanyang bagong manika. Lagi niya itong hawak.

In the given example above, ang batang babae ay nali pero you cannot conclude na ignorante na siya dun. She knows what the doll is and she knows how to play it. It's just that bago sa kanya 'yun kaya excited siyang laruin ito.

Example # 2: Ang probinsiyanang si Inday ay nali sa pagsakay ng eroplano. Patalon-talon siya pasakay dito.

In this example, ignorante is synonymous to nali.

I hope I explained it well. Okay, let's move on to the next word.



2.) ringos-dingos [noun] → refers to the unique facial expressions and mannerisms of a person. Parents and their children usually share the same ringos-dingos which made them obvious na sila ay magkadugo. I remember nung highschool ako, merong estudyanteng lalaki na palagi kong nakikita. Nai-imagine ko sa kanya yung dati kong classmate although hindi naman sila magkamukha. Pareho kasi sila ng galaw, mannerisms, the way their eyes blink, the way they smile, etc. In short, pareho sila ng ringos-dingos. It turned out na magkapatid pala sila nang minsa'y nakita ko ang family picture nila sa facebook.


3.) sungal [adjective] → A person who has a buck teeth o sa madaling salita ay naka-forward ang mga ngipin especially the upper teeth. Example nito ay si Kakai Bautista. (peace po sa'yo!)


4.) angas [adjective] → (stress is on the last syllable.) Bikolano term for malapad na noo.


5.) upoy-upoy [noun] → Tawag sa pointed (v-shaped) na hairline sa batok ng iilang tao.
We have a belief na kapag may upoy-upoy ang isang tao, ang sibling next to him/her ay opposite ng kanyang gender. For example, kung may upoy-upoy ka kuya, ang sumunod mong kapatid ay babae. Kung babae ka naman at meron ding upoy-upoy, alam na this.


6.) mapânos [adjective] → Amoy-araw. Mabaho. Amoy hardworking.
Try mong magtanim ng palay sa ilalim ng araw maghapon, for sure magiging mapânos ka at the end of the day. haha


7.) bugrot [adjective] → Chaka in a certain way. Pinakabonggang example diyan ay si Chuckie. Medyo bilugan ang fez, very defined ang smile line, masungit ang facial expression, etc. 'Pag may nakita kang kamukha ni Chuckie, congratulations! Nakakita ka na ng bugrot.


8.) tâyos [adjective] → A lazy, drooping posture of a person. Slouch. Sa Tagalog ay tayong pasahod.


9.) Dios Mabalos! → A Bikolano expression. Pinakamalapit na translation sa Ingles ay "God bless you". Usually sinasambit after mong mag-thank you. Literally means "Diyos na ang bahalang gumanti sa iyong kabaitan".


10.) sinriparo [adjective] → Di halata. Not noticeable.
Kung meron kang tinatagong bilbil sa katawan mo, much better magsuot ka ng black clothes para ito'y maging sinriparo.


11.) napupûngaw [verb] → Longing (for someone or something). Kung namimiss mo ang isang taong matagal mo nang hindi nakikita, napupûngaw ka sa kanya. Ang Bicol translation for "I miss you" ay "Napupûngaw ako saimo". Teka ano ba sa Tagalog ng "I miss you"?

That's it. Ngayon tatanungin ko kayo, ano ba sa Tagalog ang lahat ng mga iyan?

12 comments:

  1. Ha ha kadikit lang ang aram ko sa Bicol Beki ... dai ako tatao sa ibang words ha ha ha ... pero aram ko man ang iba sa pigtaram o pigsurat mo daw he he ... ; )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasabutan taka. Marhay nganî ugwa man akong kadikit na aram sa tataramon kang mga taga-Naga.

      Nakakalito din paminsan mag-Bikol. Marami kasi itong sub-dialect. For example dito sa amin ay may certain na dialect na binibigkas tapos sumakay ka lang ng jeep na may pamasaheng Php7 pagbaba mo iba na agad ang dialect.
      Buti na lang tatlo (3) ang alam kong sub-dialect ng Bikol and I somewhat understand them naman. Buti pa ang Bisaya iisa lang talaga. Wala silang sub-dialect chuchu (ata?).

      Delete
  2. Di ako marunong mag-bikol, pero nakakaintindi ako (sa abot ng aking makakaya hahaha).

    Pamilyar ako sa 8 out of 11 words na nailista mo rito, dahil madalas ko itong naririnig sa mga conversations ng aming mga bikolanong kamag-anak, pati na rin dito minsan sa bahay.

    I-pasyal mo kaya kami d'yan sa inyo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Feeling ko madali kang matuto ng Bikol. Nga pala, saang probinsiya ba nakatira ang mga kamag-anak mo?

      Delete
  3. buti ka pa. ako wala ni isa man lang na dialect akong alam :/

    bicolana ang side ni mama ko. bihasa siya sa dialect kasi sa sorsogon siya lumaki simula bata hanggang nagdalaga bago napadpad dito sa manila.
    ako naman dito na lumaki sa lungsod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galing kasi si mudra at pudra sa magkaibang town & city (kaya magkaiba ng sub-dialect); lumaki naman ako kasama nila sa isa pang city kaya ayun tatlong sub-dialect ng Bikol ang natutunan ko.
      Sorsoganon pala mama mo. Konti lang ang alam ko sa dialect nila.

      Delete
  4. Replies
    1. nosebleed? haha

      So far wala pang sumasagot sa mga tanong ko kung ano ba ang translation ng mga 'yan sa Tagalog.

      Delete
  5. Beki sa totoo lang nahihirapan din ako itranslate into exact Tagalog words yang mga Bikolano dialect na inexample mo ... ung Sungal ay sungal din dito sa Tagalog pero ung iba ay tila walang counterpart eh ... sorry he he he : )

    ReplyDelete
  6. You got me at this post! Lol.. All hail Bicolanos!

    Tiwi, Albay repruhhzent!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka din pala sa mga bloggers na may lahing Bikolano. #proudBicolano

      Salamat sa pagbisita :)

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺