Tuesday, January 5, 2016

Improvement at New Year's Resolution

     Kahit papano'y meron naman akong naging improvement sa aking sarili noong 2015 although most of it are maliliit lang (maybe for you) pero for me it means a lot.


Halimbawa na diyan ang being true to myself (kahit paunti-unti). Kung noong first quarter of the year ay palihim akong gumamit ng powder foundation sa bahay, ngayon nakakapag-apply na ako nito kahit sa harapan pa nina mudra, pudra at mga kapatid. Hindi na ako nahihiya. Mas nae-express ko na ang totoo kong sarili sa aking pamilya kahit little by little. Wala naman silang nagiging violent reaction and happy ako dun dahil no more questions na sila pagdating sa aking sexuality. I think there is no need na magtanong pa sila kung ano ba talaga ako dahil halata na rin naman. Iinit siguro ang ulo ko 'pag tinanong pa nila ako about diyan because it's like nagtatanong sila ng “Katoliko ba ang santo papa?" na obvious naman na ang answer.

Natatawa na lang si mudra (pati na din ako) dahil ako lang ang nag-iisang miyembro sa pamilya na gumagamit ng fawndeyshen. Sa totoo lang, si mudra ay hindi mahilig gumamit ng beauty products. Yung tipong konting pulbos lang ay ok na sa kanya. Yung sister ko naman, di rin siya fan ng pagme-makeup. Powder lang din ang ginagamit niya (paminsan nga lang din eh) pero yung mga ibang cosmetics eh ayaw niya talagang i-try.

Sabi ni mudra sa akin: “Nung bata pa ako'y wala talaga akong kahilig-hilig sa makeup. Yung kapatid mo ay nagmana rin sa akin na di mahilig maglagay ng kung ano-anong something sa mukha. Pero ngayon, yung lahat ng pagpapaganda na hindi namin ginawa ay bawing-bawi mo."

Hahaha. It made me laugh so hard nung narinig ko yun na sinabi ni mader. Super totoo yun. Pano ba naman kasi eh binayayaan sila ng kagandahan samantalang ako kailangan ko pa iyon paghirapan. hehe

Anyway, dumako na tayo sa next topic.



     Uso na naman ngayon ang paggawa ng kanya-kanyang mga New Year's Resolutions. Gumawa rin ba kayo nito? Ako sa totoo lang di na ako nagsusulat ng mga ganyan kasi nakaka-disappoint lang kapag hindi natutupad. Pero ha it doesn't mean na wala na akong babaguhin sa aking sarili. Ang sa akin lang eh mas pinili kong 'wag na lang sila isulat. I will just do what I think is right, at sa tingin ko malaking bagay na iyon para magkaroon ng improvement sa aking sarili. Without knowing it, mabibigla na lang ako dahil marami na pala akong nabago sa aking self. That's what I mean.
But of course kanya-kanya naman tayo ng trip pagdating sa mga bagay-bagay. Wala na lang basagan ng trip ikanga.

By the way, kung meron man akong goal na gusto ko talagang ma-achieve this 2016, yun ay yung… guess what? Ang maging MAGANDA. Serious ako diyan mga ateng! 'Wag kayong ano! haha.



     Kung ang ilan ay may tinatawag na Balik-Alindog-Program (detoxification and pagpapapayat kiyeme), ito namang sa akin ay tatawagin kong Kabugin-sa-Ganda-si-Anne-Curtis-Project. Magandang name di ba? Walang kokontra!

Alam niyo kasi mga kafatid, I've been an acne-sufferer way back in highschool and up to this very moment ito pa rin ang problem ko. Sawang-sawa na akong makita ang rocky-road kong mukha sa tuwing humaharap ako sa salamin. Naiinis ako. Ewan ko ba kung matatawag na swerte ang pagkakaroon ng polka dots na mukha sa tuwing sasalubungin ang New Year. Nakaka-depress lang.

This year 2016, sisikapin ko nang matulog ng mas maaga (mga 6:00pm. charoz!) para mawala na 'tong mga pesteng pimples at acne (same lang ba yun?) at para mabawasan na rin ang aking dark circles. I will also drink a lot of water (mga 32 gallons, charot ulit!) para mas ma-moisturize ang aking skin that really looks dull and lifeless.

Instead na problemahin lang ito, this year ay iti-treat ko na siya ng bongga. Di naman kasi mawawala ang problem kung di ko susolusyunan right? At imbes na mag-apply ng kung ano-anong mahal na pampahid (na hindi ako sure kung safe nga ba o hindi), I would prefer the natural way. Aside from alam kong wala itong side effects, assured din ako na ito ay magiging effective sa akin. Higit sa lahat, affordable at mas safe pa.


Narito ang ilan sa mga gagamitin kong natural na pampaganda:



Baking Soda- Matagal ko nang nababasa sa internet na baking soda balances pH levels of the skin, which is very important to maintain clear skin. Meron din itong anti-inflammatory properties that help deal with problems like acne, pimples, and spots. Saktong-sakto para sa pangarap kong kuminis.


Aloe Vera- Ito ay merong antibacterial properties that help kill bacteria that cause acne. Plus, aloe vera moisturizes the skin and stimulates new skin cell growth.
Napaka-magical talaga ng plant na 'to dahil hindi lang sa buhok beneficial kundi pwede ko rin pala ito ikaganda. Kinulit ko si mother dear na ihanap ako ng aloe vera na pangtanim na siyang sagot sa aking ka-dyosahan and thankful ako sa kanya dahil nakahingi na siya sa kapitbahay at kasalukuyan na itong nakatanim ngayon.


Honey- is a great moisturizer and also has antibacterial properties that help ward off infection.
Ito ang hindi ako masyadong sure kung makakahanap ako nito. We all know na naglipana na nowadays ang mga pekeng honey na hindi na authentic dahil sa hinaluan na ng ibang ingredients. Ayoko nun dahil paniguradong hindi maximum ang effect sa skin. Mahirap nang makahanap ng original na honey pero sana may mahanap pa rin ako. 'Wag naman sanang dumating sa point na kailangan ko pang pumunta sa masukal na kagubatan at makipag-tuos sa mga bubuyog just to get pulot-pukyutan from beehive.


Bilang motivation na rin, nagsulat ako ng maikling motivational paragraph para mas ma-inspire akong magpaganda. Heto ang aking sinulat:

I looked at myself in the front of the mirror, contemplating my image. Just by looking at my own reflection stresses me out. All I can see is pimples, acne, and blemishes. But behind the flaws, I can see a hidden beauty. A beauty that must be seen by the world, the universe rather. A potential beauty that will drive all men crazy. Beauty that will be praised by all male living creatures on Earth. A unique beauty of a goddess. Beauty that will definitely make Anne Curtis, Angelina Jolie, and Dawn Zulueta feel deeply inferior about themselves.

Ang dami niyong tawa noh? Grabe kayo, mga wala kayong kasupo-suporta. hahaha. Yes, I am making fun of myself on this one. Obviously pawang ka-echosan lang ang nakasaad sa paragraph above pero for me reading it really helps me na panatilihing nag-aalab ang burning desire kong kuminis this year 2016.




Ang araw-araw na pagtingin ko sa harap ng salamin ang nagsisilbing turning point ko na I really need to do something and make myself look better. Naapektuhan na kasi ang self-esteem ko dahil sa acne. Kakarampot na nga lang ang confidence ko mababawasan pa. Nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing haharap ako sa mga tao. Lagi lang akong nakatingin sa sahig kapag kaharap sila dahil sa ako'y nako-conscious sa aking itsura. Nakaka-paranoid. Yung tipong 'pag tinitingnan nila ako feeling ko pimples ko ang kanilang tinititigan at binibilang kung meron bang bagong member sa aking pimple community.

Aside from that, nakakainis nang makakita ng mga lalaking mas makinis pa sa akin. I am a girl so dapat mas makinis ako sa kanila (lol. echos lang po yung 'girl' na part).

Ang unfair lang din na hindi ko namana ang beautiful skin ni mudra. Si sisterette ang nakapagmana nito. Magaganda sila, yung tipong hilamos lang dyosa na sa ganda. Yung tipong kahit magpapuyat eh kabigha-bighani pa rin. Si sisterrete nga eh never pang nagka-pimples. Ang kinis din ng fez.

Well maganda din naman ako (aba siyempre di papatalo si bakla) yun nga lang kinis lang ang kulang. Ang unfair talaga kasi bakit kailangan ko pang paghirapan ang kagandahan samantalang sila they already have it, and their beauty never seems to diminish but continue to glow and radiate. Hustisya please!

     In spite of that, hopeful pa rin ako na makakamit ko ang nais kong ma-achib this year.

Moral support naman diyan mga teh?!

‪#‎KabuginSaGandaSiAnneCurtisProject‬
‪#‎KGACP‬
‪#‎Push‬!

8 comments:

  1. Hahaha :)

    Okay na sa akin nung nabasa ko yung tungkol sa 'happy foundation day' mo, pero sumobra pa ang galak ko sa pagbabasa ko sa mga sumunod pa, eh di ikaw na ang pak na pak hahaha!

    Wala akong masabi. Basta good luck sa pagkabog sa dyosang kagandahan ni Anne! Lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kung sinusuportahan mo ko o pinagtatawanan lang. haha

      Delete
  2. Over naman haha :) this makes me smile :) I should be making a long list too haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natutuwa akong malaman na natuwa ka sa pinagsusulat ko.☺

      Go! I would love to read your long list.

      Delete
  3. Sa foundation okay lang naman yan , in fact dito sa Maynila ay as normal as eating a candy bar ang paglalagay ng foundation ng mga banidosang lalake dito ha ha ha... ah acne prone ka pala anyways wish ko sayo na ma achieve mo ang iyong super kinis na mukha this year , kaya yan bastat magiging faithful ka lang sa mga beauty regimen mo at walang imposible jan .... FYI ang pimples ay just one or two skin inflammation pero pag super dami na as in hundreds or thousands ( exage he he ) ang pimples ay ACNE na ang tawag dun he he he ... : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana ganyan din dito sa amin na vanity is never an issue.

      Tenkyu teh sa suporta. hihi

      Ah ganon pala yun. So pimple ang tawag kapag single o couple while yung acne ay isang battalion na (exag rin) he he.

      Delete
  4. kahit maliit na pagbabago ok na yun at least you can se the difference ☺

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Little difference is better than nothing. Besides, change is still change.

      Delete

Salamat sa pagbabasa!

Let your thoughts be known. Let your voice be heard. Kaya kung may chika ka, i-chika mo na! ☺